Chapter 34

18 1 0
                                    


"Paano kayo nagkakilala?" usisa ni Marie.

I exhaled before answering. "School mates."

Tumango naman sila MJ. Akala ko ay doon na magtatapos ang lahat at makakaalis na kami ng payapa na para bang walang kung ano mang tensyon sa pagitan.

"Ah papi Reese, si Sir Drake nga pala. Boyfriend ni Ria."

Napaubo ako sa sinabi ni MJ. Sinamaan ko siya ng tingin at nang mamataan niya ako ay bahagyang nawala ang ngiti niya at ang malagkit na tingin kay Reese. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ni Drake.

"Buenaventura," Drake said, voice stern.

Reese averted his gaze to Drake and cocked a brow. He smirked without humor again. "Sebastian."


I was shaking on the inside when Reese's malicious yet very insulting stare raked my body up and down before laying his eyes to Drake and back at me again.


"Boyfriend, huh?" Reese shifted his weight and brought his hand on his pocket.

"Oh? Magkakilala kayo?" gulantang na tanong ni MJ.

"Old friends..." Reese answered not taking his eyes off us.

I cleared my throat and looked at both of my friends who were gapping in full astonishment. "Baka hinahanap na tayo nila Janette."

Napaigtad naman ang dalawa at sabay na tumango. Binalingan nila si Reese na taimtim na nakatitig sa akin. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. His stare is really something! Mahahalata kami n'yan. Our past is something I definitely don't wanna talk about right now so...

"Mauna na muna kami. T'was nice meeting you fafa Reese and friends," nginitian ng dalawang bruhilda si Reese at ang mga kabigan nito.

Awkward na tumango lang ako sa gawi nila Reese at hindi makatingin ng diretso sa kanya gayong ramdam na ramdam ko ang mainit na titig niya. Dala sa taranta ay nauna akong maglakad sa kanila at lumabas ng resto. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang aking hininga dala sa matinding kaba at bilis na tibok ng puso.

Kita ko na ang teammates ko na nagtatawanan sa pool side. Ang iba ay nagsisilanguyan na habang ang iba ay nakaupo sa sun lounger, nag-iinuman. Didiretso na sana ako sa gawi ng mahagip ni Drake ang braso ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

His face is all serious without any hint of anything aside from impassiveness.

"Can we talk?"

Kahit nagtataka kung bakit ay tumango ako at sinundan siyang naglakad palayo para mag-usap sa mas pribadong lugar. Lumiko siya sa isang daan patungo sa malawak na espasyo na may railings sa harap kung saan makikita ang kabuoang tanawin sa dagat. This is the perfect spot to see the almost setting sun.

Namamangha kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan nito.

"So Reese is back, huh?"

Sandaling nawaglit ang tingin ko sa dagat ng magsalita si Drake.

"Oo nga..." hindi ko alam ang dapat sabihin.

"I don't like the way he's looking at you..."

Napatitig ako kay Drake at bumuntong hininga. His intense stare made me tremble inside that I had to drift my eyes away from his.

"...And the way you look back too," he whispered in the air but it was enough for me to hear.

Strings of RegretWhere stories live. Discover now