Chapter 32

20 1 0
                                    

Isang linggo matapos ang reunion na naganap sa probinsya ay bumalik na agad ako sa syudad para ipagpatuloy ang buhay na aking nahantungan. Nagsusuot ako nang itim na jacket nang biglang tumunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Ang pangalan ni Tita Ann ang bumungad roon. 


Kinuha ko iyon mula sa kama at sinagot. 




  "Hello?" 




  [Bri, hija nagpadala ako nang pera para sa gastusin niyo dyaan at pang tuition na rin ni Renan.] 



Nagulat ako sa narinig. "Naku, Tita nag-abala pa talaga kayo e may pera pa naman po ako dito." 



  [Alam kong malayo layo pa ang sweldo mo Bri kaya tanggapin mo na 'yan. Sa totoo lang, hindi pa nga 'yan sapat sa lahat ng kakailanganin niyo dy'an e. Pasenya ka na't yan lang muna ang maibibigay namin sa inyo.] 




Narinig ko ang buntong hininga ni Tita Ann sa kabilang linya. Napailing ako ng paulit ulit animo'y nakikita niya ako ngayon. 




  "Ano ka ba naman Tita. Ayos lang po 'yon. Alam ko namang marami kayong gastusin at kami nga ang pabigat sa inyo e," malungkot akong napangiti. 



Simula noong pumanaw si Mama ay nagsunod-sunod ang delubyong natamo namin. Madaming nangyari sa nagdaang taon at patuloy pa din kaming nahihirapan. Nahihiya na nga ako at naging parte pa kami ng responsibilidad nina Tita at Tito gayong hindi naman nila kami anak. 




  [H'wag kang magsalita ng ganyan, Bri. Pamilya ka namin kaya nararapat lang na tutulungan ka namin. Kami nga ang nalulungkot sapagkat nahihirapan kayo sa ganitong sitwasyon sa murang edad.]




  "Salamat po sa inyo Tita. Hindi ko po alam anong gagawin ko kung wala po kayo." 




Malaki ang naitulong ng mga Tita at Tito namin sa sitwasyon namin ni Renan ngayon. At laking pasalamat ko na handa silang tumulong sa amin kahit nagigipit rin sila minsan. 




  [Siya nga pala, may good news ako! May progress na ang lola mo at nagre-respond na siya sa amin!] dinig ko ang kagalakan sa boses ni Tita Ann. 




Napahiyaw naman ako sa tuwa. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago niya ibinaba ang tawag. Nagpatuloy naman akong naghanda bago tiningnan ang relos sa palapulsuhan ko. 9:36 PM. 




Kinuha ko ang bag ko sa kama at naghanda nang lumabas ngunit may naalala ako. Nilingon ko si Renan na mahimbing na natutulog sa kama habang hawak-hawak ang libro niya at nakasalamin pa. Nakatulog siya sa pag-aaral. Hinubad ko ang salamin niya at kinumotan siya bago ako pumanhik paalis. 




Sumakay ako ng jeep patungo sa sentro ng syudad at bumaba nang makarating sa destinasyon. Buhay na buhay pa rin talaga ang syudad kahit sa ganitong oras. Tanaw ko ang mga naglalakihang gusali at iilang bukas na coffee shops. Nakatayo lamang ako kasama ang dagat ng mga tao na naghihintay rin ng go signal kung kailan pwede nang tumawid gaya ko. Sinuri ko ang dagat ng mga tao. Ang iba ay panay sulyap sa kanilang relo at halatang nagmamadali. Siguro'y patungo rin sa trabaho katulad ko. Ang iba nama'y nag-uusap lamang sa kanilang mga kasama na parang walang ibang iniisip na problema.




Napahigpit ang kapit ko sa bag na hawak ng maalala ang kinahahantungan ko ngayon at ang pangarap na naisatubili dahil sa kagagawan ng tadhana. It's crazy how you feel that life isn't scary and cruel when in fact it is. There is always something that will shatter your perspective no matter how hard you try to stay optimistic. There will always come a time that you will somehow get tired of being positive when life is being too harsh to you. 



Strings of RegretWhere stories live. Discover now