Chapter 27

13 2 0
                                    


  "Good luck Bri!" anang isa sa mga kaklase ko. 


Pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan. "Salamat." 


Kasalukuyan akong nasa classroom namin at nagsasagawa ng final rehearsal ko. I don't really have a specific topic that I am practicing about since extemporaneous speech is kind of similar to impromptu. I just listed down topics that is related to the theme para may ideya ako sa mga maaaring lalabas na paksa mamaya. 



I'm wearing our gala longsleeve uniform since that was what is required for the contest. Kasama ko sina Cassi at Sabrina ngayon para moral support daw. 



  "Baba na tayo?" si Cassi. 



The boys aren't here kasi pinatulong sila sa pag-operate ng sound system for final preparations. Maya-maya pa sila makakasama sa amin. We eventually decided to head to the quadrangle para kung ano man ang instructions ay nandoon na kami. 



The speech contest is scheduled this morning as well as the spelling bee. Mamayang hapon naman ay ang declamation at ang speech choir kung saan kaming lahat ang kasali. Pagkatapos ng lahat ay i-aannounce ang mga nagwagi sa iba't-ibang paligsahan. 




  "Girl pasama ako sa cafeteria please? Nagugutom ako e," si Cassi. 



Agad na tumaas ang kilay ni Sabrina. "Ah.. tapos coke bibilhin mo?" sarkastikong tugon nito. 



Napasimangot si Cassi. "Gutom nga 'di ba?" 




  "Iba kasi ang definition ng gutom sa 'yo e. Kung sa amin pagkain ang tinutukoy, sa 'yo coke," ngisi ni Sab. 




  "Tumigil na nga kayo. Gutom rin ako at gusto ko ring mawala ang kaba ko kaya punta tayong cafeteria." Pinagitnaan ko ang dalawa. 




Nakaupo na kami sa aming table. Kumakain ng siopao sina Sab at Cassi habang nag-order lang ako ng sandwich at orange juice ng tumunog ang cellphone ko dahil sa text ni Reese. Free gadgets kami ngayon since may okasyon naman. 





Reese:


San kayo? Nasa faculty kami. Pinapatawag kayo para magbunot sa order ng numbers niyo sa pagpresent mamaya. 






Ako:



Nasa cafeteria kami. Punta kami d'yan. 





  "Pinapatawag daw kami para bumunot ng number," sabi ko sa girls. 




  "Okay, tara." 




Nagsitayuan kami at pumanhik papuntang faculty. Naabutan namin ang boys na nakatayo sa may likod ng sound system kasama si Sir Gonzalez na mag-ooperate nito. 



  "Dito nalang kami maghihintay girl," si Cassi. 




  "Okay."




Pumasok ako sa faculty office at lumapit sa guro na assigned. Nandoon na rin ang iba pang contestant doon pero hinihintay muna naming makompleto bago bumunot. 



  "Write your names muna dito students," anunsyo ni Miss. 




We wrote down our names on the paper. Siguro para sa certificates 'to. Nang matapos ay nakipag-usap muna ako sa kakilala ko doon. 



  "Kinakabahan ka ba Bri?" tanong ni Claire, isa sa ka batch ko. 




  "Oo naman. 'Di lang halata." 




Strings of RegretWhere stories live. Discover now