Chapter 23

15 1 0
                                    

Sumabog ang buhok ko dahil sa pag-ihip nang pang-gabing hangin. The starry night and the full moon in the vast space above somehow calmed me.

Hindi ko maalala kung kailan ko naramdaman ang kapayapaan na ito. Naninibago ako dala na rin siguro sa mga problema ko. I was too preoccupied whether in school works or ny family problem to make time for myself and search for this feeling.

My heart feels light compared to what I was feeling earlier. Marahil ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan at ang buwan ang nagpakalma sa aking damdamin.

We were just sitting on the bench kilometers away from our house. Wala na masyadong dumadaan na mga sasakyan kasi gumagabi na.

Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga ni Reese.

  "Bakit ka pala pumunta dito?" tanong ko.

He's eyes softened with a hint of worry.

  "Hindi ako mapakali," he said horsely.

Kumunot ang noo ko sa narinig.

  "Bakit?"

  "Alam kong hindi ka okay," sagot niya na nagpatahimik sa akin.

This is what I was talking about. Reese could read me like an open book. Kahit anong pagpapanggap mo, malalaman at malalaman niya pa rin ang totoo.

Napalunok ako at nagbaba nang tingin. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. It shocked me to the  core. That was the very first time Mama did that. Kahit gaano katigas ang ulo naming magkakapatid, hinding hindi niya kami pinagbuhatan nang kamay, ganoon din si Papa.

At kahit anong pilit kong balikan ang nangyari, hindi ko pa din makuha kung alin sa sinabi ko ang nagpasabog sakanya at ganoon nalang ako nasampal. Was I too harsh to her? Is telling the truth too harsh? Or she can't let it sink in to her? 

But that was understandable right? I mean, sinong taong nasa tamang pag-iisip ang madaling magpatawad sa taong nagtaksil sakanya? Is she playing like a saint kaya ganoon nalang kadali para sakanya ang lahat?

Cheating is something that is never tolerable. At kung naranasan mo na ito, it will be tough on your side to go back to everything that you were before. Hindi lang tiwala ang nawasak kundi ang bahagi nang pagkatao rin. You will start questioning your worth as a person.

Saan ako nagkulang? Ano pa bang wala sa akin? Ano ang nagawa kong mali?

  "Wala namang masama sa pagkimkim ng problema, pero kailangan tandaan ang masamang dulot na iyon sa 'yo," I heard Reese say.

I heard him heave a sigh. "You also need to remember how it feels to let it out sometimes," he continued.

Alam ko naman yun. But I just feel like this problem should be dealt with me alone. No need to engage anyone. Kaya ko naman pero siguro nga...

  "Papa.. cheated..." mahinang wika ko pero dahil sa katahimikan ay alam kong dinig niya iyon.

Nasulyapan ko ang marahas na pagtingin niya sa gawi ko. I sighed deeply before turning to look at him.

Magkahalong gulat, awa, at pag-alala ang naghari sa kanyang mga mata. I forced a smile and nodded. Bumalik na naman ang mabigat na damdamin sa aking dibdib.

  "Who would've thought, right? Sa pitong taon nilang pagsasama nagawa niyang pagtaksilan si Mama," bahagya akong natawa.

Reese is still frozen on his seat. Tiningala ko ang langit at pilit nilalabanan ang naluluhang paningin upang matanaw ang nagkikislapang bituin. And I thought my tears were all dried out from the incessant crying earlier pero meron pa pala. Bago pa pumatak ang mga luha ko ay tumayo na ako.

Strings of RegretWhere stories live. Discover now