Prologue

223 10 9
                                    

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Iignorahin ko na sana ng tumunog ulit ito.

"Oh?!" sagot ko sa tumatawag.   
    
Ang sarap pa naman ng tulog ko. Isturbo! Day off ko nga eh!

"Ay galit? Aga-aga nagagalit? Mabilis kang tatanda nyan oy!" sagot ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"Tsk! Hoy Cassandra kung tatawag ka lang para mang isturbo, ibababa ko na toh! Nakakainis kang bruha ka! Day off ko pa naman." galit kong sambit sa kanya.

"Oy sorry ah! Gusto ko lang naman ipaalala sayo ang reunion natin ngayon. Mukhang nakalimutan mo. Umalis ka na dyan sa kama mo at maligo. Hindi ka naman tatakbuhan nyan." sarkastikong sagot niya sakin.

"Ang dami mong satsat. Oh heto na, maliligo na ako ibaba ko na 'to." sagot ko sa maingay kong kaibigan at binaba ang tawag.

Reunion nga pala ngayon, ayaw ko pa naman sanang pumunta pero sige na nga may pagkain naman dun kaya g nalang ako. Pagkatapos kung maligo at magbihis naglagay lang ako ng kaunting kolorete sa mukha at bumaba na. Nagsuot lang ako ng simple white off-shoulder dress na hanggang tuhod at pinaresan ko ng nude flats. Dala-dala ko ang aking maliit na brown sling bag para may malagyan naman ako ng aking mga essentials.

Dinig na dinig sa labas ang malakas at masiglang musika mula sa sound system. Sa gymnasium nga pala ang venue. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa gate.

Ang unang bumungad sa akin ay ang tawanan at sayawan ng aking mga ka batchmates. I saw some familiar faces and one of them is someone from a past - more like a ghost from the past.

"Finally.. the high and mighty Abrianna Hernandez arrived." sambit ni Cassandra sa malakas na boses kaya saglit na natigil ang tawanan at napalingon ang ilan sa gawi ko.

"Buti nakadalo ka. Ayaw mo pa naman sa mga ganito." sambit ni Sabrina, ang isa ko pang kaibigan, sabay yakap sa'kin ng mahigpit.

"Teka di ako makahinga." nahihirapang tugon ko sakanya.

"Andito ex mo." nakangising bulong nya sakin.

"Pake ko. Pagkain pinunta ko dito." tila walang pakialam na sagot ko pero tiningnan nya lang ako na para bang tinatantya, kung papaniwalaan nya ba ako o hindi, hindi parin naaalis ang ngisi sa mukha.

"Oy Bri, kumusta?" tanong ng isa sa mga kaklase kong si Bryan.

"Eto maganda parin. Kayo ba? Balita ko lumalovelife na kayo ah." nakangising tugon ko sa kanya.

"Oo nga. And guess who it is."

"Sino?"

"Si Rizza." proud na sagot nya.

"Oh?! Nagkabalikan kayo? Congrats!" nakangiting sambit ko.

Nagulat ako pero masaya ako para sa kanila. Hindi ko inakala na magkakatuluyan parin sila. Grabe rin yung pinagdaanan nong dalawa. But maybe that's how love works. Heartbreaks and pain will always be present. It will not be love without one. And that if you are really meant for each other, no matter how hard life may try to tear you apart, you will always find your way back to one another. And I somehow hoped that my love story would end up like theirs but if its destiny we're talking about, there will be no certainty.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa loob ng gymnasium. After a series of greetings and catching up, everyone decided to continue the chitchat with foods on the table. Nagpa catering pala sila kaya self-service lang ang pagkuha ng mga pagkain. I was comfortably picking food when I heard a familiar voice beside me. I was about to go back to our table nang may tumawag sa akin.

"Abrianna! Nandito ka pala? Kumusta?" tanong ni JL sa akin, isa sa mga ka batchmates ko.

Pumikit ako nang mariin bago lumingon sabay sabing "Hi! I'm fine. Ikaw?" nakangiting sagot ko. Sa gilid ng aking mata nakita kung nakatitig sa akin si Reese at halos mangatog na ang mga binti ko dahil sa kaba. Teka, bakit ba ako kinakabahan?

"Okay lang naman. Ako lang ba tatanungin mo? Nandito rin si Reese oh." Loko-lokong sambit ni JL na nakangisi. At dahil may respeto pa naman akong natira sa katawan hindi ko nalang pinansin at tinuon ang aking paningin kay Reese.

The moment I layed my eyes on him, I forgot how to speak for a second I mean how can you strike a short conversation with a man you once loved? Nakakailang parin kaya. And I think we are not on that level where we can casually ask how the other has been doing but to save my face from shame, I gathered my strength and sanity to ask him.

"Hi. How are you?" tugon ko.

"I'm doing good. How 'bout you?" sagot niya sa mababang boses. What I also noticed was that he changed. He became taller, his body was now gym buff unlike before, and he looked good with his white polo tucked inside his black slacks and his wearing a silver watch.

"I'm fine. It's been awhile." tipid kong sagot.

"It's been awhile indeed. Mauna na muna kami. It's nice seeing you again." sambit niya at tipid na ngiti lamang amg aking naisagot.

Ang mga mapanuksong titig at nakataas na kilay ni Sabrina at Cassi ang bumungad sa akin pagkarating ko sa aming lamesa.

"Nagkausap na kayo?" tanong ni Sabrina sa akin habang nakataas parin ang kilay.

"Yeah.." sagot ko na lang.

"How was it?"

"Okay lang. He changed though. I think he's not the same Reese I know." sagot ko sa mahinang boses. I met Reese when I was in high school. We were classmates in 7th grade and we became close friends until we started developing feelings for each other. He started ignoring me because of his feelings and I think its because of our friendship but our feelings remain the same. Nagkausap lang ulit kami nang nag-third year na kami and eventually became official. At doon nagsimula ang kwento nang aking pagsisisi na dadalhin ko habang buhay. Regrets that gave me lessons that will forever be engraved in my heart. That taking risks is not always necessary, you should weigh the consequences of your actions. Pero kay hirap gawin lalo na kung ang iyong kaligayahan ang nakataya. It is a hard decision to make and it is a conflict between the heart and mind.

"People changed Bri, especially when they experience pain. And Reese is not an exception to that." matamang sagot ni Sabrina na nagpapukaw sa aking iniisip.

He changed, he really did.
He's not the same Reese Buenaventura I know. And as what usually happens, the strings of regret starts dancing with the wind, reminding me of the same heartbreak years ago.

The same pain, same reason, and same person.

________________

hnyngldcy

Strings of RegretWhere stories live. Discover now