Chapter 31

14 1 0
                                    


A few chatterings from different tables can be heard as we ate. Actually papatapos na kaming kumain at nagkukwentuhan nalang habang naghihintay sa magiging usad ng reunion. Isang malamyos na musika ang tumutugtog mula sa mga naglalakihang speakers ng gymnasium. Everyone is immersed in their own bubble. Laughter and quiet murmurs linger inside the spacious hall. 




  "Cassandra ikaw sana ang kukunin ko para sa photoshoot ng resort. Ayos lang ba?" tanong ni Sabrina habang kumakain kami. 




Isa ng resort owner si Sabrina sa karatig lungsod sa probinsya namin habang tanyag na photographer naman si Cassandra. Masaya ako na sa kabila ng madaming pagsubok na kanilang dinanas nakayanan pa din nila ito. Hindi ko maipagkaila ang konting inggit na nararamdaman para sa kanila pero alam ko naman na hindi din ganoon kadali ang naranasan nila bago nahantong sa ganito. Ngunit hindi madaling iwagli ang inggit na lumukob sa aking puso lalo na kapag nakita ang mga kaklase kong mas masagana ang buhay kompara sa akin. Kung sino pa iyong barumbado noon, iyon pa ang mas matagumpay kaysa akin. 




  "Sure. Just send me the deets. You have my email, right?" sagot ni Cassi. 




  "Yup." Bumaling si Sabrina sa akin. "Ikaw, Bri? Anong plano mo? Hindi ka pa babalik sa pag-aaral?" 




I smiled bitterly. "Mahirap pa sa ngayon kaya saka nalang muna…" 





My life has turned 360° ever since continuous problems decided to show up one by one. Kailangan kong huminto sa pag-aaral at unahin muna ang kinabukasan ng kapatid ko. Sobrang hirap kung sasabay ako kaya saka nalang muna. 




  "You know if you're talking about financial matters, pwede ka naman naming tulungan. Tsaka mo nalang kami bayaran kapag nakaluwag-luwag ka na. It's not like ipamimigay na namin iyon sa 'yo," suhestiyon ni Sabrina na inilingan ko agad. 




  "Tama si Sabrina girl. We can lend you some and you can pay it once nakapag-ipon ipon ka na or whatever. Ayaw mo 'yon sabay kayong magtatapos ni Renan?" segunda naman ni Cassi. 





  "Mahirap talaga sa ngayon… Hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang trabaho at pag-aaral gayong nangangailangan ng madaming oras ang trabaho na pinasukan ko." 




Kita ko ang panghihinayang sa mukha nilang dalawa pero wala naman silang magawa. Pinag-isipan ko naman talaga ng maigi ito kaya nga nahantong ako sa ganitong konklusyon. My situation won't cooperate and its just really hard for now. 


Ngunit kahit hindi madali, hindi ko naman maipagkaila na may magandang naidulot naman ang lahat ng nangyari sa akin. Lumaki ako na walang masyadong iniisip at hindi sanay na humarap ng malalaking hamon sa buhay pero ngayon… unti-unti akong natututo. Noong una ay dahil napilitan sa sitwasyon pero kalaunan ay nagawa kong isipin na mabuti rin naman iyon dahil naniniwala akong makakatutulong iyon sa paglaki ko. 




Funny how a single predicament could change your perception in life, the decisions you make and give you lessons to learn. Sometimes the pain and difficulty could blind you to see the goodness and positivity that an obstacle in our lives give. We just have to look at the brighter side and take it as a challenge. 



Inilibot ko ang paningin upang matignan ng husto ang aking mga ka batch mates. Most of them are smiling from ear to ear while others are in an animated talk. I realized that this is that kind of ocassion wherein you have to leave any pessimistic thoughts behind and just enjoy every bit of this moment while it lasts. Because behind that smiling facade lies a sorowful soul and only a person feeling the same could tell. 





Strings of RegretWhere stories live. Discover now