Chapter 6

40 4 0
                                    




After what felt like eternity, the bell finally rang. Nagpapaunahan ang mga kaklase kong makalabas sa classroom namin. Nothing big happened the whole morning. Pumili lang kami ng mga classroom officers at pinakuha lang kami nang mga books at pinag-usapan ang mga dapat naming i-expect ngayong school year. Our adviser and subject teachers gave us advices and a heads up about what's to come.

"Sa park tayo ngayon diba?" si Sab habang pababa kami sa classroom nina Cassi. Nasa taas kasi ang classroom namin at nasa baba naman ang sa kanila.

"Yes. Anong gusto mong kainin ngayon?"

"Gusto ko ng sinigang. May nagtitinda ba diyan?"

"Speaking of sinigang, matagal na rin n'ong last kung kain n'on. Punta tayo sa Sula's mamaya. Maraming putaheng nakahanda doon."

Nandito na kami sa tapat nang classroom nina Cassi. Kakalabas pa lang nang teacher nila.

"Good morning ma'am!" bati namin ni Sabrina.

"Good morning."

"Hey hey hey, what's up mga kabarkads!" maingay na ani ni Kean.

"Jusko po. Bilisan natin pwede? Nagugutom na ako," si Cassi.

Nasa kanila ang pandinig ko pero naagaw nang paningin ko si JL na dumeritso sa gawi ni Sabrina. I was about to go near them when my vision was blocked with Reese's face.

"Ang pangit mo sa malapitan."

"Putangena kakasabi mo pa lang kaninang umaga na maganda ako 'tas ngayon pangit ulit?"

"Sinabi ko lang 'yon kasi alam kong lalaki 'yang ulo mo sa compliment na 'yon," he chuckled.

I rolled my eyes at him. Sabi ko na nga ba. Ginagago lang ako neto e.

Kasalukuyan kaming bumibili nang pagkain ngayon ng magsuggest si Kean.

"Ano bang gusto niyong kainin ngayon? Chip-in chip in nalang tayo oh."

Napatango kaming lahat sa sinabi niya. After buying our food we went to the park to eat.

"Ba't ba dito tayo kumain e may cafeteria naman tayo sa school. Pinahihirapan lang natin sarili natin e," pagdadabog ni Cassi nang sa wakas nakarating na kami sa park.

Kunot noong tiningnan ko si Reese. "Tanungin mo 'tong si Reese. Wala rin sa hulog 'to minsan tsk."

"E ba't ka sumama?" angil rin niya.

"Wow, sinabi ko bang sasama ako? Wala nga akong sinabing sagot e. Ikaw 'tong nang-aaya!"

"E'di sana sinabi mo na ayaw mo. Na labag pala sa loob mo. May bibig ka diba?" mapang-uyam niyang sabi.

Tiningnan ko siya nang masama. Handa na siyang bugahan ng apoy. "Aba't gusto mo nang away?"

"Tama na nga 'yan. JL tulungan mo 'ko dito," si Kean.

"I don't know if its a good thing or not na okay na kayo. Nakalimutan namin na parang aso't pusa nga pala kayong dalawa. Tsk," umiiling-iling na sambit ni Sabrina.

"Siya 'yong nag-umpisa e. Nandon ka nga nong nag aya siya diba? Witness ka. Sumbatan ba naman ako."

Sinimangotan ako ni Reese. "Ikaw kaya 'yong nag-umpisa. Nanahimik na nga lang ako dito e."

Inawat ulit kami nila kaya wala kaming magawa kundi mag talasan nang tingin sa isa't-isa.

We finished eating lunch and went back to school.

"Sabay tayong umuwi mamaya ha?" si Cassi nang hinatid namin siya ni Sabrina sa classroom nila. Sa susunod na block pa ang classroom namin kaya naihahatid pa namin siya.

Strings of RegretNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ