Chapter 22

17 1 0
                                    

  "Earth to Abrianna."

Napakurap kurap ako nang marinig na tinawag ang aking pangalan. Dumapo ang aking paningin kay Shantelle, ang treasurer namin, na bahagyang winagayway ang kanyang kamay sa harap nang aking mukha.

  "Ngayon ka na ba babayad o sa susunod nalang?" tanong niya.

Our teacher talked about the upcoming event for next month's program since it will be the English month. Nagsimula na silang maningil ng class funds para sa program.

  "Ah.. sa susunod nalang ako Shan."

Tumango naman siya at nagsimulang maglakad para maningil naman sa kabilang row.

Halos isang buwan na rin ang nakalipas sa masalimuot na pangyayaring iyon sa pagitan namin ni papa. Ibig sabihin halos isang buwan na din akong wala sa sarili minsan dahil sa kakaisip sa problemang iyon. I just can't help but entertain it everytime it crosses my mind. Nababagabag parin ako lalo na ngayon.

Hindi ko maipagkakaila na medyo nakahinga ako nang maluwag dahil hati ang atensyon ko sa pag-aaral. Hindi ko naman sinadya na malunod sa mga takdang aralin o kung ano pang mga gawain sa pag-aaral. Sadyang ganoon lang talaga ang nangyari sa nagdaang araw. The numerous school works served as a diversion to what was currently going on with my life. But like what I expected, you can never runaway from your problems so here I am, lost in thoughts for the nth time because of what happened last night.

It was still vivid on the corner of my head and it's playing like a broken record. And my mind went back to memory lane and recalled what made me stay up late last night.

It was a one tiring afternoon. Kakauwi lang namin ni Renan galing sa school. Dumeritso ako sa taas para magbihis at masimulang gawin ang mga gawaing bahay. I still have a lot of things to do so I better start early.

Nakaduko ako at babad sa aking study table nang makarinig ako ng ingay sa baba. My heart started to throb against my ribcage when I heard the sound of a glass shattering like it was smashed on the wall or something. Kinain ng kaba ang buong sistema ko nang makarinig ng dalawang malalakas na boses at nagsisigawan, tunog nag-aaway.

Napahinto ako sa mabilis na pagbaba sa hagdan ng masilayan ang aking mga magulang na nasa sala, nag-aaway.

  "Paano mo ako maiintindihan kong ayaw mo 'kong pakinggan?" sigaw ni Papa.

  "Kasi ayaw kong marinig ang mga kasinungalingang lalabas d'yan sa bibig mo! Alam ko kung ano ang gagawin mo! You will try to reason out and convinced me th--" galit na sigaw rin ni Mama pabalik.

  "Ang baba naman nang tingin mo sa 'kin Percy!"

  "Kasi totoo naman ah?! Keep your lies to yourself because I don't need it! Nothing could justify the act of cheating!"

  "Ma!"

I started to interfere when I saw papa's hand clenched into fists. Kahit gaano siya ka walang hiya ngayon, hinding hindi niya kami pinagbuhatan nang kamay pero we can never be sure lalo na't parang malapit nang maubos ang kanyang tinitimping pasensya.

Nilapitan ko si Mama at hinarangan siya sa kung ano mang maaaring gawin ni Papa. Tiningnan ko gamit ang aking matalim na tingin si Papa. I felt a ting of relief when I saw him blew a breathe like he's trying so hard to keep calm.

  "Ma? Pa? Anong nangyayari dito?"

Natigil kaming lahat nang marinig ang boses ni Renan.

  "Renan bumalik ka muna sa taas, anak. Ikaw rin hija. Mag-uusap lang kami ng Papa mo," banayad na aniya ni Mama.

Nagdadalawang isip akong tumango. I wanted to stay there and make sure everything will be alright but I know that they need a serious talk between the both of them. Kaya tumalikod ako at nagsimulang umakyat sa taas. Huminto ako sa parte na hindi nila kita at doon nakinig sa maaari nilang pag-usapan. Hindi pa rin talaga ako kampante na malayo kay Mama lalo na sa sitwasyong ito. I need to be here, even from a distance.

Strings of RegretWhere stories live. Discover now