Chapter 16

19 1 0
                                    


Sumasakit ang tiyan ko at para akong matatae na hindi ko maintindihan. Ganyan talaga ang kadalasang nararamdaman ko kapag sobrang kinakabahan ako. Even with me joining competitions before, I would always feel like this. Sumasakit ang tiyan at parang matatae na ewan.

Gosh. I wasn't prepared alright. Kung alam ko lang na ipapakilala ako ngayong gabi sana naghanda ako. Who would've thought right? E ba't si Reese kanina parang wala lang naman sa kanya iyong pagpapakilala ko. Was he confident enough to not feel nervous?

Palihim kong kinurot si Reese. Hindi ko alam anong itsura ko ngayon. I'm sure I looked like an elementary student full of sweats and hair undone. Hindi na 'ko nakapag-retouch man lang o ano kasi kumain lang naman kami at manonood ng movie mamaya. I didn't bother being conscious with my look. Yung ponytail ko lang kanina ang hairstyle ko ngayon. I'm sure strands of hair are popping out everywhere and worse I look like a fucking zombie!

Ano nalang ang sasabihin nila? Na ang pangit ng girlfriend nang anak nila? Ay shit! Girlfriend?! Nahawa na tuloy ako! We still need to talk about this 'no! Girlfriend na niya pala ako? Hindi ako informed.

  "Hi hija! I'm Ruth. Tita nalang itawag mo sa akin," maligayang bati ng mama niya sa akin habang karga-karga ang bunso nila.

  "Tito Orlando nalang rin sa akin, kilala na kita hija. Ikaw ba naman ang bukam-bibig nitong anak ko," ang papa ni Reese.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Reese na ngayon ay namumula ang taenga pababa sa leeg niya.

 
  "'Wag mo nga akong ipahiya Pa," nakasimangot na angal niya at tumawa naman ang papa niya.

I forced myself to flash them a smile. I hope they didn't see through it. Nahihiya parin ako. "Hi po. Abrianna Hernandez po," aniya ko at nagmano sa kanila.

After the sudden introduction, umalis ang mga magulang niya at pumunta sa tent nila Reese para makapagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Nakahinga naman ako ng maluwag.

I badly wanted to talk to Reese but we still needed to go to the movie booth. Its the second batch's turn kaya sabay nalang kaming pumunta doon. Both are silent with unspoken thoughts.

Bumili kami ng popcorn sa may nagtitinda nito sa gilid lang ng social hall bago pumasok sa loob at umupo. Ilang minuto pa lamang ay nagsimula na ang palabas at tahimik kaming nanonood. I was sitting with the gang. Nag-enjoy naman kami sa panonood. The boys wanted to watch another movie again so they stayed inside and waited.

Lumabas na kaming girls sa social hall ng matapos ang palabas at hinayaan nalang doon ang boys. We wanted to spend time together so we decided to go to the park. Open gates naman kaya even outsiders from different schools can enter. Nakita ko nga ang mga kaklase ko noon sa elementary na nasa ibang paaralan na ngayon, nakinood sa event namin.

  "Umuwi na parents mo Cassi?" tanong ko kay Cassandra habang naglalakad kami sa plaza patungong park. Only the street lights at every corner of the plaza were illuminating the dark street. Kaunti nalang ang mga bukas na bakery shop at iba pang tindahan kasi nga gabi na. Its already quarter to 9.

  "Oo. Luluwas pa ng Maynila sina Mommy kaya kailangan umuwi ng maaga para sa flight nila."

The tall white post in front of the municipal hall shadowed us. Nasa likod kasi ng municipal hall ang park kaya kailangan naming daanan ito. We also saw some boys sitting on their motorcycles and talking to the each other. Natanaw namin ang tahimik na boardwalk at ang walang katapusang paghampas ng alon sa tabing dagat. The sound of the crashing waves and the cold night breeze from the north made me shiver although I was wearing a long sleeve.

Nang makarating sa park ay umupo kami sa sementong upuan kung saan nasa harap mismo ng dagat. I untied my ponytail to let the air blow my hair with it.

Strings of RegretWhere stories live. Discover now