Chapter 35

28 2 0
                                    

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi. Patuloy na sumasakit ang dibidb ko sa pag-agos ng lahat ng alaala. Ang sakit na dala nito at panghihinayang na rin. 

Tumalikod ako at nag-ambang bumalik sa mga kasama. Kanina pa umalis si Drake at binigyan ako ng oras para magmuni-muni. Isang hakbang pa lang ang nagawa ko at agad nahinto nang makita ang matikas na tindig ni Reese. He was standing a few meters away from me. His hand was inside his jean pocket. His soft locks sashayed with the rhythm of the wind. 

Humakbang siya patungo sa akin kaya napaatras ako muli hanggang sa maramdam ko ang bakal na railing sa aking likod hudyat na wala na akong maaatrasan mula sa kanyang presensya. 

Thinking that he was here for something else like sight seeing of some sort, I averted my gaze and fixed my decision to leave like I do not know him at all. But his tantalizing eyes which is directly staring at me made me halt and have second thoughts. 

 Ang kagustuhang umalis at magpatay malisya ay agad napawi ng makita ang mariing titig niya na nakapako sa akin. Its surprising but it seems like he is here solely for me. 

Tuluyan na siyang nakalapit at pumwesto sa kanan ko at tinanaw ang dagat sa harap habang na estatwa naman ako sa aking kinatatayuan kaharap ang pinaroroonan niya kanina. 

  "How are you?" he said. His voice sounded hoarse giving me goosebumps. 

Napalunok ako bago siya nilingon, kinakabahan sa hindi malamang kadahilanan ngunit ayaw kong ipakita sa kanya iyon kaya ay tinatagan ko ang aking boses taliwas sa totoong nararamdaman. 

  "Ako?" I asked to make sure I wasn't being assuming or something. 

He cocked his brow upwards. "Do you see someone else that I'm probably talking to?" 

Umiiling ako at sandaling natahimik, hindi alam ang sasabihin. Nang maalalang may tanong nga pala siya ay napaigtad ako sa pagktaranta. 

  "A-Ayos lang ako…" mahinang sagot ko. 

Napapikit ako ng mariin sa pagiging balisa. Mga isang metro pa nga ang layo naming dalawa ngayon ngunit heto na ako't natataranta sa presensya niya. Paano pa kaya kung malapit siya? Baka nahimatay na ako sa kaba. 

  "So you and Drake, huh?" 

Gamit ang nanlalaking mata ay napaangat ang tingin ko sa kanya. Umihip ang hangin mula sa kanluran kaya bahagyang nagulo ang kanyang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay sa kagustuhang ayusin iyon. 

  "A-Ah.. h-hindi," nag-iwas ako ng tingin at umiling. 

Nakangiwing tumango siya kaya sigurado akong hindi siya naniwala sa sinabi ko. I craned my neck to the side, contemplating if I should elaborate more but then why would I do that?! 

  "Won't you ask me how I've been?" he said so casually that I almost choked on my own pit if I didn't comprehend what he said.  

I sighed heavily to make it seem light to me when in fact my stomach is churning in every angle possible. 

  "I heard you're a seaman now which makes me think you're doing good and is successful," I nodded and shrugged like this is no big deal at all.  

Dinig ko na ang mahihinang palakpakan ng mga paru-paro sa tiyan ko sa mangha na nakayanan kong sabihin iyon ng diretso at walang mapupunang kakaiba. 

My vision was fixed on the ball of fire that is almost gone now that when he shifted his weight and turned his whole body in my direction, I saw that on my peripheral view. 

  "I'm still an apprentice. It's my last year of training actually. At… hindi ko pa nakukuha ang gusto ko kaya… hindi ko pa matatawag ang sarili ko na successful." 

Strings of Regretजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें