46: Laure

1.6K 69 5
                                    

CHAPTER FORTY-SIX
Laure


Humigpit ang kapit ko sa braso ni Dad nang inulan kami ng kislap sa hindi mabilang na camera na nakatutok sa direksyon naming tatlo. Mom was on my right side while dad was on my left. Parehong naka-angkla ang magkabilang kamay ko sa mga braso nila at doon kumuha ng tapang na humarap sa maraming tao na paniguradong tutok sa amin ang atensyon.

Ang bawat camera na hawak ng mga media ay tutok sa amin, sinusundan ang bawat paglakad na ginagawa namin papasok sa loob ng cinema. Tonight, is the premier night of their comeback movie. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba nang marating namin ang dulo kung saan may mga reporter na naghihintay para sa mga tanong na ibabato nila sa mga magulang ko. Ang kaba na nararamdaman ko ay hindi ko man lang makita sa mga magulang ko na kalmado pa ring nakangiti sa mga kaharap.

"What can you say about the issues circulating around you for the past months?" someone asked.

My mother smiled at that person. "I can't disclose any information about that private matter to the public. It's between my family and we want it to remain between us. I hope people would understand that."

"What about the news of some your actors that's showing interest about your daughter, Miss Vanessa?"

Imbes na sumagot si Mom ay nilingon lang niya ako parang sinasabi na ako na ang sumagot. Umiling-iling ako kay Mom bilang pagtanggi pero nginitian lang niya ako na parang binibigyan ako ng lakas ng loob na sumagot sa tanong.

"Baka po nagkakamali lang po kayo?" nakangiting sagot ko, kinakabahan sa nakukuhang atensyon.

"I don't think so, Miss?"

"Bliss po."

"Yes, Miss Bliss. I think some actors at your age are sending you flowers. Am I right?" nakangiting tanong niya sa akin.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiwi sa sinabi niyang 'yon. Totoong may nagpapadala ng bulaklak sa bahay namin ng hindi lang iisang beses simula ng kumalat sa iba't ibang balita ang eksistensya ko. Hindi rin iisang beses na nakatanggap ako ng mensahe sa mga social media accounts nila mula sa mga sikat na actor na kilala ng mga magulang ko at may iilan na hindi para lang iparating sa akin dahil wala akong account para sa sarili. Maging mga hindi naman artista ay nagme-message sa kanila sa hindi malamang kadahilanan.

I still find it uncomfortable until now. Hindi naman kasi ako sanay na makakuha ng atensyon ng maraming tao. I was always alone or if not, just surrounded by small number of people. I don't want to put colors in their actions and I especially don't want to be rude. That's why I turned them down in the most courteous way possible. And I am also with someone now, I have Devyn. I don't need any other man in my life.

"I uh... I don't really know what to say about it. I didn't expect to receive this kind of attention but," napakamot ako sa pisngi ko sa kawalan ng sasabihin. "I already have a boyfriend."

"And I think you just broke the heart of your admirers," nakangiting sabi ng reporter sa akin.

"Hala, hindi naman po."

The reporters continued throwing questions, but the security guided us to the entrance of the cinema. Ang may kadiliman na lugar ang sulalubong sa amin pagkapasok sa loob ng cinema. The back part of the room was already filled with people waiting for the movie to start.

Ang VIP area ay may iilan na ring tao na nakaupo. Habang ang mga bakanteng pwesto naman ay may mga pangalan na nakapaskil para sa mga taong pinaglalaanan ng upuan na 'yon. Ang pangalan ko ay napapagitnaan ng sa kanila Mom and Dad.

The moment we fully entered the room, all eyes followed our every move. Their stares are heavy, it was full of admiration towards our family. Hindi ko alam kung paanong parang mahika na bumalik sa kanila ang mga bagay na nawala dahil sa pagsiwalat ng mga bagay-bagay sa pibliko.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon