44: The Fight

1.5K 92 17
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR
The Fight


ISADORA MORIN

Akala ng lahat, tapos na. Akala namin na matapos ang unos ay kapayapaan na ang kasunod. Inakala ng lahat na huhupa na ang masasakit na pag-iyak at hagulhol. Ngunit sa nakalipas na dalawang linggo ay mas lumalakas, at mas sumasakit ang bawat hikbing pinakakawalan ng mga taong pabalik-balik sa kuwartong 'to.

Mahigpit na humawak ako sa walang buhay na kamay niya. Marahan na hinahaplos iyon habang patuloy na umaasa na makararamdam ng kahit maliit na galaw mula sa mga daliri niya. Pero katulad nang inaasahan ay wala akong nakuhang tugon maski na kahit na ano mula roon.

Naninibago ako na nakikita ko siyang ganito. Hindi dahil sa payapa niyang anyo, kundi dahil sa hindi ko na nakikita ang ngiti niya na natural na nakapaskil sa mga labi at mata niya sa kabila ng mga nararanasan sa kamay ng iba.

Natural na sa kaniya ang pagiging mahina sa bawat kilos niya. Hindi na nakakapanibago na makita ko siyang hindi lumalaban at hinahayaan ang sarili na lamunin ng mga emosyon na dulot ng iba. Pero iba sa sitwasyon ngayon. Iba na alam kong bago humantong sa ganitong sitwasyon ay may nangyari na hindi maganda sa kaniya.

Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nakikita kong estado niya. Pakiramdam ko ay may parte ako sa kung bakit nauwi siya sa ganitong kalagayan. Kung may ginawa lang sana ako para mapigilan sila na kuhanin siya. Kung hindi lang ako tumunganga at nanood lang. Kung sana ay nagtangka ako na humingi ng tulong para hindi na kailangan pang humantong sa ganito. Sana hindi siya nahihirpan ngayon.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya. Ang mukha ay mababakasan pa rin ng pamamaga at may iilang naghihilom na pasa sa pisngi at maging malalalim na hiwa na hindi ko alam kung ano ang may gawa. Ang mga braso niya ay gano'n din, may malalim na hiwa at pasa na animo nilatigo at pinagtatadyakan.

Natatakpan man ng puting kumot ay nasisiguro ko na mas malala pa ang mga natamo niya sa parte na iyon. Lalo na sa hita niya. Walang parte na hindi nalatayan sa hita niya sa sobrang dami ng saksak doon. Maliit man ang sugat ngunit malalim ang pagkakabaon, isang palatandaan ng matinding galit ng taong may gawa no'n..

"Gising na, Bliss. Hindi mo ba ako gustong makita na masaya? Hindi mo man direktang sinasabi pero alam ko na gusto mong maging masaya ako. Malapit na, Bliss, e. Malapit na," mahinang pagkausap ko sa kaniya.

Iniyuko ko ang mukha ko hanggang submubsob ako sa mga braso niya. Sa ganoong posisyon tuluyang hinayaan ang sarili na pakawalan ang mga luha na kanina pa nagbabadya.

"Bliss naman, e! Gising na, ha? Sabi ng doctor okay ka naman daw. Kailangan mo lang ng pahinga. Pero halos dalawang linggo ka nang nakahiga. Hindi pa ba masakit ang likod mo?" Nag-angat ako ng tingin habang ang luha ay patuloy pa rin na dumadaloy sa pisngi. "Alam mo ba? Nakahanda na ang proposal ni Devyn sa'yo. Ikaw na lang talaga ang hinihintay. Pati ang kasal na gusto niya para sa inyong dalawa ay hinahanda niya na rin kahit hindi pa sigurado kung papayag ka. Kaya gising na, ha? Gising na kasi ikakasal ka pa."

Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap sa kaniya kahit na wala akong tugon na nakukuha pabalik. Pero ang pagsawaan na gawain na iyon sa kabila ng halos dalawang linggo ko na ring ginagawa ay hindi ko magawa.

Naniniwala ako na naririnig niya ako. Na nakapikit man ang mga mata niya ay nananatiling bukas ang mga tainga niya upang makinig sa mga lintanya ko. Hindi ako titigil hanggang sa makita kong muli ang kulay langit na mga mata niya. Hanggang sa masiguro ko na okay na siya at hindi na kailanman mawawala.

The doctor said she was fine and far from danger. She was saved. Pero hanggang ngayon na dalawang linggo na ang lumilipas mula nang mangyari ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin siya gumigising.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now