CHAPTER TWENTY-SIX
Special"Babe, check this out!" Excited na hinila ako ni Kervin papunta sa announcement board ng buong university.
Awtomatikong nahila rin si Devyn sa ginawang paghila sa akin ni Kervin dahil hawak niya ang kamay ko. Napasimangot lang ako nang tuluyang makita ang gustong ipakita sa akin ni Kervin. Announcement 'yon para sa upcoming spoken word poetry contest na pakulo ng university.
Malawak ang pagkakangiti nilang dalawa na humarap sa akin habang hawak ang maliit na card para sa details ng mga gustong sumali sa patimpalak. Ilang beses na umiling ako sa kanilang dalawa. Hindi naman sila nagpatinag at hinila ako paupo sa isang bench na nasa labas ng reception area na napapayungan ng malalagong puno ng mangha kaya hindi tumatagos ng sikat ng araw.
Reception area ang unang bubungad sa mga tao kapag papasok sila sa CIU. Nakatayo ang isang palapag na building na iyon sa pinakasentro ng bungad ng university. May katamtamang laki na coffee shop sa loob at may resting area rin sa kanan kung saan pwede kang matulog. Sa pinakasentro ng reception ay ang malaking announcement board. Madalang lang naman iyon tingnan ng mga tao dahil posted din sa page ng school ang mga announcement intended for the whole student body. Social media is life na nga kasi.
Sa labas naman ay napapalibutan ng ilang wooden bench na nasa ilalim ng malalago at malalaking puno kaya presko sa pakiramdaman at hindi tumatagos ang araw. Nasa tagong part kasi ang mismong university kaya sandamakmak na puno ang nakapaligid sa buong lugar.
"Sumali ka na," pagkukumbinsi ni Kervin habang nagtataas baba ang kilay. Nakangiting iwinawagayway niya sa harapan ko ang maliit na card na hawak niya.
"Ano namang isasali ko riyan. Wala akong piyesa, Kervin." Sinimangutan ko siya.
"I'm sure you'll be able to make one," pagpipilit niya.
"Tigilan mo ako."
Sumimangot siya sa akin at ipinasa kay Devyn ang card. "Convince her, bro. Bibili lang ako ng makakain."
"Ayaw mo talaga?" masuyong tanong ni Devyn nang tuluyang mawala sa paningin namin si Kervin.
Walang lumabas na sagot sa bibig ko. Sa totoo lang ay may kaunting excitement akong nararamdaman sa puso ko. Hindi ko lang talaga makuhang matuwa ng buo dahil hindi ako sigurado kung kaya ko ba ulit gawin ang nagawa ko noon.
At isa pa, kompetisyon naman kasi ngayon ang gusto nilang salihan ko. Bukod sa nahihiya ako ay hindi ako sigurado kung makakaya ko bang gumawa ng tula sa loob lang ng dalawang linggo. Tsaka tiyak naman na mas magagaling ang mga sasali sa kung ikukumpara sa wala pang experience na katulad ko.
"Try it. Wala namang exact theme na susundan," pagpipilit niya.
Sumilip ako sa card na hawak niya. Maayos na iniharap naman niya sa akin iyon hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak na yung card. Totoong walang theme na kailangan sundin para makapasok. Ang registration ay sa mismong event pa mangyayari.
Kung ikokonsidera ko ang mga kailangan kong gawin at aralin na lessons para sa darating na exam sa susunod na linggo, isama mo na rin ang katotohanan na nakakapagsulat lang ako ng tula tuwing nasa kondisyon ako, mukhang malabo na makaabot ako sa araw ng kompetisyon.
Pabuntong hininga na binalik ko sa kaniya ang card. Sumandal ako sa bench at tumingala sa mga sanga ng malagong puno ng mangga na nasa gilid namin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdantay ng braso ni Devyn sa balikat ko at nakigaya na rin sa ginagawa kong pagbibilang ng bunga ng mangga na nakabitin sa puno.

YOU ARE READING
A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)
RomanceRare Disorder Series #1 complete | unedited "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be better if I die?" If there is one truth that Bliss Audrey Laure wanted to turn into a lie, that's probably her own reflection. It co...