05: Sing

4.8K 317 106
                                    

CHAPTER FIVE
Sing

Tama ako noong inisip ko na magiging boring nga ang biyahe na katabi ko siya. Dahil magmula nang umandar ang sinasakyan namin ay naka-earphones lang siya at mukhang nakatulog na ata. Samantalang ako ay napagpasyahan na ibaling na lang ang atensyon sa cellphone ko kung saan nakalagay ang draft ko ng tula isinulat ko noon.

Tapos ko na talaga ang buong tula at inaayos ko na lang para mas lumalim ang kahulugan sa akin. Sa ilang beses kong nagsulat ng tula, itong isinulat ko na 'to ang pinakapinag-ukulan ko ng panahon at ginugulan ng maraming oras.

Siguro kasi tula siya para sa sarili ko. Tula siya para sa mga salita at hinanakit ko sa mundo na buong buhay kong itinatago sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi, sa tula ko lang naibubuhos ang mga gusto kong sabihin na hindi ko masabi kahit kanino sa takot na baka sa bawat paglalahad ko ng mga nararamdaman ko ay ang magiging katumbas no'n ay ang sakit na maaari kong maidulot sa kanila. Kasi kailangan kong magpanggap na okay lang ako para hindi na sila mag-alala, para mapanatag sila na okay lang ako kahit na ang totoo ay hindi na. At para hindi na rin nila sisihin ang mga sarili nila sa mga bagay na hindi naman nila kasalanan.

I used poetry as an instrument to voice out my pain and misery. I used words to describe what I really feel, the secret heartbreaks. Sa pamamagitan ng tula, ay nagagawa kong makalaya sa kulungang kinasasadlakan ko kahit pansamantala lang. Sa pamamagitan no'n ay nagagawa kong bawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay baka wala na ako sa mundo.

"Dapat talaga pag-isipan mo ang sinabi ni Giovanni. Your piece is good."

Wala sa sariling pinatay ko ang phone ko at mabilis na ibinulsa 'yon para itago. Kailan pa siya nagising?

"Akala ko tulog ka?" gulat na tanong ko.

"I tried but..." he just shrugged the rest of his words. "So, what's your decision?"

Ako naman ngayon ang nagkibit balikat. "Salamat dahil sa tingin mo maganda ang isinulat kong tula. Pero hindi pa ako handa na magtula sa harap ng maraming tao. That would be like exposing myself to the public, bare and naked."

Tumingin ako sa bintana para iwasan ang mga tingin niya. It's giving me uncomfortable feeling again. Ang uri kasi ng tingin niya ay hindi katulad ng sa iba na nanghuhusga. Ang kanya ay 'yong tingin na para bang pilit niyang inaalam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko at pilit na iniintindi 'yon.

"Kailan ka pa magiging ready?" hindi ko siya nilingon bagkus ay nanatiling nakatingin ako taliwas sa direksyon niya. "How long will you let yourself be discouraged?"

Kailan nga ba? Hindi ko rin kasi alam. Basta ang alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na humarap sa maraming tao. Sa classroom pa nga lang nahihiya na akong mag recite sa recitation, e. Sa buong auditorium pa kaya?

"I don't know," pabulong na sagot ko.

"Ano ba ang kinakatakot mo at ayaw mo?"

Napatingin na ako sa kaniya sa pagkakataon na 'yon dahil sa naging pagbabago ng tono ng boses niya. He now sounded more friendly and trustworthy. His gaze went down on mine and easily locked my eyes with him. It feel like a magnetic force was invisibly surrounding us, making me want to keep staring at him and his face. Na gustuhin ko mang mag-iwas ay tila wala akong kontrol sa sariling katawan.

I took three consecutive deep breaths to calm myself and was finally able to rip off the spell the surronded us. Or was it just me? Ano bang nangyayari sa akin?

"Sagutin mo na ang tanong ko," muli ay sabi niya.

"Anong kinakatakot ko?" mahinang pag-ulit ko. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Palagi kong simasabi na ayaw kong saktan ang mga taong nakapaligid sa akin. Na ayaw ko silang ilagay sa awkward moment tuwing may sinasabi ang ibang tao sa akin. Natatakot ako na baka kapag nakita nila na nasasaktan ako ay masaktan din sila para sa akin. Na baka umabot sa punto na hindi na nila kayanin na madamay pa sa mga masasabi ng tao sa akin. At kakaawaan lang nila ako. Pero minsan naiisip ko, na hindi lang tungkol sa kanila ang issue ko, e, it's just all about me. That everyhing is just all up to me. Alam mo 'yon? Gusto ko rin naman, na bigyan ng laya ang sarili ko sa mga bagay na pumipigil sa akin. I also want to let myself lose and gain some confidence. Pero mapait ang bawat pag-ikot ng mundo sa akin dahil mas lamang ang mga pagkakataon na ipinararanas sa akin ang kawalan ko ng lugar sa lipunan kaysa sa pagtanggap na gusto kong makamtan."

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now