34: Answer

3.6K 133 27
                                        

CHAPTER THIRTY-FOUR
Answer

Pagdampi ng mainit na bagay sa pisngi ko ang nagpamulat sa akin mula sa ilang minutong pagkakapikit. Nabungaran ko ang puno ng pagod at pag-aalala na mukha ni Devyn na ngayon ay nakatunghay sa akin para magawang makita ang mukha ko. Kinuha ko mula sa kaniya ang mainit na kapeng nasa lata na siyang idinampi niya sa pisngi ko kanina.

"May nangyari ba?" maingat na tanong niya.

I smiled weakly at him. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nasa kandungan ko. I played with the coffee and avoided his gaze as much as I can. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reksyon ko sa naging pakikitungo sa akin ng mom niya.

It was overwhelming at the same time painful. It was overwhelming because of the unexpected acceptance I felt in her. Kahit na hindi nanggaling sa kaniya mismo ay nararamdaman ko na tanggap niya ako sa kung ano ako. Na hindi niya ako hinuhusgahan sa kabila ng kung ano ang nakikita niya sa pisikal na kaibahan ko.

But it is also painful. It pained me despite the gratitude she's showing me. Even without knowing the whole story, I can pick up the pieces from them. Alam ko na katulad ni Isa ay sinisisi ni Devyn ang sarili niya dahil sa nangyari sa kapatid niya. Alam ko na nahihirapan din siya.

Nakikita ko rin kung paanong maging siya ay sinisisi ang anak niya. The way her face shows hatred towards Devyn. The way she spoke to him using a monotone voice. The way she looks at him emotionlessly made it clear to me that she is indeed blaming him. Nakalulungkot lang, na sa kabila ng lahat ng 'yon ay nakaya ni Devyn ng mag-isa. If I were in his situation I would just break down. Baka sa umpisa pa lang ay hindi ko na kinaya.

"My mom said something, didn't she?" tanong niya na hinihila ako pabalik sa reyalidad. Maagap na umiling ako bilang sagot. "Then why?"

Hindi ako nakaimik, bagkos ay tinitigan ko lang ang mukha niya. Tila kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha niya. My hands went up to caresses his face gently. Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para dampian ng magaan na halik.

"What is my baby thinking?" he asked.

His voice sounding so sweet and loving making my heartbeat tripled. Umiling lang ako sa naging tanong niya bago isiniksik ang sarili ko para pumaloob sa mga bisig niya. Awtomatikong pumalibot sa katawan ko ang mga kamay niya kasabay ng paghapit niya sa akin papalapit sa kaniya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang marahang paghaplos niya sa may kahabaan kong buhok. Mas nagsumiksik pa ako sa kaniya. Inilapat ko ang tainga ko sa dibdib niya sa may parte kung saan maririnig ko ang kalmadong tibok ng puso niya.

I was surprised by the rapid beating of his heart. The way his heart beats is a reflection of how my heart was beating. It was wild. It was loud. It was hammering inside of our ribcage creating a musing that synchronizes with one another. It was beautiful.

"I really love your hair," he said while gently combing my hair using his warm hand.

"Really?" gulat na tanong ko.

"Hmm. Mas lalo siyang gumanda ngayon lalo na dahil sa mga kaunting pagbabago."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya ng wala sa oras, gulat sa kaalamang napansin niya ang mag pagbabago na 'yon. "Napansin mo?"

He smiled. "Of course."

Hindi ako nakaimik. Kinantilan lang niya ng magaang halik ang ulo ko bago niya muling inihilig iyon sa kaniyang dibdib.

Hindi ako makapaniwala na mapapansin niya ang ganoong kaliit na bagay. Noon kasi ay purong mapusyaw na dilaw lang ang kulay ng buhok ko. Ngayon ay nagkakaroon na siya ng ilang parte na nagkulay super light brown na. When I was young, the color of my hair is paler than what I have now. Halos kulay puti na talaga siya noon. Unti-unti lang na mas nagkaroon ng kulay habang lumalaki ako. That was also one of the causes of the nonstop taunting that I have received when I was younger.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now