01: Brave

10.5K 495 167
                                    

CHAPTER ONE
Brave

Walang nakasaksi sa bawat paghihirap at kalungkutan mo
Walang ibang nakakaalam, kundi ikaw lang
Walang ibang nakakaalam sa kung paano mo paulit-ulit na itanong sa sarili mo na kung "Bakit ba ako?"
Paulit-ulit na mga kataga "Na sa dinami dami ng mga taong nabubuhay sa mundo ay bakit ba ako ang napili mo?"

"Another piece?"

Napatingin ako sa taong nagsalita mula sa likod ko. Si Isa, short for Isadora Morin. Naupo siya sa tabi ko habang nakadungaw ang ulo mula sa balikat ko para makibasa sa notebook kung saan ako nagsusulat kanina.

"Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na sumali ka sa mga spoken word poetry contest?" naiiling na tanong niya sa akin habang. O mas tamang sabihin na sumbat niya sa akin.

"Ilang beses ko na rin bang sinabi sa iyo na hindi para sa akin ang contest contest na iyan?"

Niligpit ko ang mga gamit ko na nakakalat sa lamesa na kaharap ng bench na kinauupuan ko dahil siguradong mangungulit na naman si Isa tungkol sa mga spoken word poetry contest na sinasabi niya.

Ilang beses na kasi niya akong sinasabihan na sumali sa mga patimpalak tungkol sa mga spoken word poetry pero hindi ko siya magawang pagbigyan kahit minsan. Dahil nakasiksik na sa isip ko na hindi para sa akin ang mga ganoong klase ng patimpalak at sa huli ay magiging katatawanan lang ako para sa mga manonood.

I've been a laughingstock almost all my life, hindi magbabago ang mga tao para sa akin. They will just surely laugh at the sight of me.

"Alam mo girl, sa mundo naman kasi ng spoken poetry walang huhusga sa'yo. Tatanggapin ka ng mga tao kahit ano pa ang kulay ng balat mo. Kahit ano pa ang estado mo sa buhay. Kulot ka man o unat. Maitim o maputi. Matangkad ka man o maliit. Literal ha?"

Mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin at nauna na lang sa paglalakad papasok ng auditorium para sa one pm meeting namin. Paulit-ulit lang din naman kasi ang kinakalabasan ng usapan naming dalawa kaya mas pinipili ko na lang na huwag siyang pansinin sa tuwing napaguusapan namin ang ganitong bagay.

We'll be just circling around. Siya pipilitin ako sa mga bagay na hindi ko kayang gawin. Habang ako naman ay pauli-ulit na tatangi sa pagpipilit niya. Hindi na kami matatapos kung sasagot pa ako sa kaniya.

"Know what girl? Ang kailangan mo, boyfriend. Someone that will make you realize that nothing is wrong with you." Natawa lang ako sa mga sinasabi niya. Malayo na naman kasi ang lipad ng imagination ni Isa. "You need someone who will make you realize that you are not different from a normal person. Someone who will make you realize your worth. Your beauty."

"Alam mo Isa, nababaliw ka na naman. Tigilan mo na yang boyfriend-boyfriend mo riyan dahil walang papatol sa akin. Hindi totoong bulag ang pag-ibig. I do not fit with the standard of beauty that has been shaped by the changing generation. I don't have the perfect eyebrows. I don't have a sexy body. I don't have big boobs. I don't have most of the things or characteristics that every guy would want their girl to possess. Maputi lang ako, but that's it."

Natawa ako sa sarili kong naisip. Sa totoo lang kasi, hindi na ako nasasaktan sa ganitong klase ng usapan. I knew that I am different, and I accepted it even before I realized the reason why I became like this.

Magsasayang lang ako ng oras kung papansinin ko pa. I would just feel down. And I would be consumed by other negative emotions which are not healthy for a person. What I lack is confidence. I am afraid to showcase myself to other people. Hindi dahil sa ayaw kong mahusgahan. Tanggap ko na kahit ano pang gawing kong tama at kabutihan sa mundo, huhusgahan at huhusgahan pa rin ako ng mga tao. That's the nature of human. To judge someone kahit na wala ka namang alam ni katiting tungkol sa tao na iyon.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now