02: Little One

7.4K 418 116
                                    

CHAPTER TWO
Little One

"We want you to perform a piece in the act. If it's okay with you."

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Kuya Gio. Pero alam ko naman na ang sagot kaya hindi ko na kailangan pa na mag-isip ng matagal. Marahan akong umiling at tipid na ngumiti, senyales nang pagtanggi. Hindi pa ako handa sa ganyan at hindi na ata ako magiging handa kahit kailan. Isipin ko pa lang na haharap ako sa dagat ng mga tao ay natatakot na agada ko, kumakabog na agad ng malakas ang puso ko.

Kaya nga pinili kong maging script writer kasi sa pagsusulat, there's no need for me to be in front of a huge crowd. Hindi ako makikita ng mga tao. It would always be better for me to stay behind the curtains. No eyes would look at me with disgust and judgement.

"Come on Bliss, just think about it, okay? Hindi mo naman kailangan ngayon sumagot. Give it some time and if you made your choice, whatever it may be, tatanggapin namin," sabi ni Kuya Gio matapos ay binigyan ako ng magaan na ngiti.

"Just think about it, Bliss. Please?" nakikiusap na sabi sa akin ni Isa.

Kahit naman pag-isipan ko pa nang matagal na panahon hindi na rin naman magbabago ang desisyon ko. Pero para pagaanin na lang din ang loob nila ay nag tumango na lang ako.

"Sige, pero huwag na kayo umasa kasi alam niyo naman na hindi ko kayang tumayo sa gitna ng maraming tao," mahina ang boses na sagot ko.

"Then forever be a coward."

Halos magkakasabay na lumingon kami paharap sa nagsalita. Akala ko ay niloloko lang ako ng pandinig ko sa boses na narinig pero sa tingin ko naman wala pang mali sa dalawang tainga ko. Si Devyn nga ang nagsalita.

Gusto ko man siyang kontrahin kasi hindi naman niya naiintindihan pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil wala namang mali sa sinabi niya. Tama nga din naman kasi siya, e.

This is me being a coward.

Napatingin ako kay Kervin nang akbayan niya ako. Maybe he's pissed pero pinipigilan niya lang ang sarili niya at kinokontrol lang niya ang nararamdaman niya. Ayaw na ayaw niya kasing may naririnig na sinasabi tungkol sa akin na hindi maganda, mababaw man o hindi.

But people are entitled to their own opinion so there's nothing wrong with that. Pero ang katotohanan na sinabi niya ay masakit sa parte ko bagaman totoo 'yon.

"We understand you, Bliss. And you don't have to be mean Devyn," istriktong sabi ni kuya Gio kay Devyn na nagkibit balikat lang sa narinig.

"It's okay, Kuya. Wala namang mali sa sinabi niya."

The meeting ended earlier than planned. Nagdesisyon kasi si Kuya Gio na tapusin na agad ang meeting bago pa man tuluyang mag-build up ang awkwardness sa aming lahat. Mas lalo na sa part ni Kervin na kanina pa iling ng iling blang senyales ng hindi pagsang-ayon sa narinig mula kay Devyn.

Magkakasama kaming tatlo nila Isa at Kervin papuntang parking lot ngunit napahinto ako ng may naalala akong dapat sabihin kay Isa.

"Hindi mo ba ako bibigyan ng copy para sa act natin?" tanong ko sa kanya.

Normally kasi sa pag gawa ng script ay binibigyan niya ako kahit na assistant lang naman niya ako para kung may insights man ako ay puwede kong sabihin o i-suggest para mas mapaganda ang play. Kaya nagtaka lang ako na hindi niya pa ako binibigyan ng kopya ngayon.

"Hindi muna. Ang intindihin mo muna is 'yong decision mo about performing your piece. I understand you naman, girl, nang sobra-sobra. But try to give it some thought. Katulad nang sinabi ko sa iyo kanina, no one will judge you. Just be you."

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now