39: Unchosen

1.3K 95 11
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE
Unchosen


Posible pala 'yon 'no? Posible pala na gano'n kabilis na subukin ng tadhana ang dalawang taong nagsisinula pa lang? Posible pala na kahit kasisimula niyo pa lang ay may katapusan na agad na nakaabang? Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang muling mag-init ang magkabilang sulok no'n.

Dalawang linggo. Dalawang linggo na akong palaging nauuwi sa ganitong tagpo sa tuwing umuuwi ako. Sa harapan ng malawak na field sa gitna ng unibersidad. Nakaupo sa bench habang pilit na kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang lahat.

Ilang araw ko nang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na okay lang. Na lilipas din ang mga araw na magiging maayos lang ang lahat sa pagitan naming dalawa. Ilang araw ko nang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko sa isang bagay na hindi ako sigurado kung may kasiguraduhan pa ba. And pinagkaiba lang ng araw na 'to sa mga nakaraang araw ay hindi ako nag-iisa.

Sa loob ng dalawang linggo hindi ko alam kung paanong tila mahika na hindi kami nagtagpo. Ang isang napakaimposibleng bagay na katulad no'n ay nakakalokong nangyari ngayong mga panahon na kailangan ko ng ekplanasyon. Nasa iisang subdibisyon kami, magkapitbahay. Nasa iisang unibersidad at iisang gusali ang pinapasukan. Pero ni ang dulo ng daliri niya ay hindi sumagi sa paningin ko sa loob ng isang linggo.

Klaro na sa isip ko ang kagustuhan na pakinggan siya, ngunit paanong mangyayari 'yon gayong wala ni anino niya? Gusto kong isipi na umiiwas siya. Gusto kong isipin an baka nga totoong wala akong importansya sa kaniya. Na lahat ng mga bagay na namagitan sa aming dalawa ay biro lang at walang katotohanan. Na ang bawat buwan na nagdaan na puno ng saya ay pawang mga pagpapanggap lang. Pero malaking parte sa puso ko ang umaasa na kahit isang araw lang sa mga araw na 'yon ay totoo.

Pero ano pa nga ba ang totoo ngayon kung ang taong akala ko ay hindi ako sasaktan ay pinapahirapan ako ng ganito?

"Ano na ang plano mo ngayon?" Napabuntong hininga ako sa tanong na 'yon ni Veda.

"Hindi ba nagpaparamdam?" tanong naman ni Isa.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako sagumagot sa kanila. "Wala akong plano dahil hindi ko rin naman alam kung dapat pa ba akong gumawa ng hakbang para ayusin kung ano mang problema." Nilingon ko si Isa na katulad ko ay sa malayo rin nakatanaw. "Mababaw na ba ako?"

Agad na lumingon siya sa akin at maagap na umiling. "Of course not! Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay baka umatungal na ako ng iyak."

"You feel used, Bliss." Nilingon ko si Veda na hindi naman nakatingin sa akin. "Malamang masasaktan ka. Higit na nasasaktan ka dahil ginamit ang kondisyon mo ng taong akala mo ay siyang nakakaintindi sa'yo ng lubos."

Napayuko ako sa sinabi niya. Muli na namang namuo ang mga luha sa mga mata ko sa muling pagsigid ng sakit sa puso ko. Tama siya. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Siguro iniisip ng ibang tao madali lang naman kalimutan at ipagsawalang bahala ang mga nangyari. Hindi naman big deal at madaling kalimutan.

Pero hindi kasi, e. Hindi nila alam ang pakiramdam na ginamit ka. Hindi nila alam 'yong pakiramdam na dati ka nang hirap hanapan ng halaga ang sarili mo at pilit na itinatayo ang kumpiyansa mo. Pero sa isang iglap lang ay mababalewala ang lahat ng iyon dahil mas pinili kang gamitin ng isang tao. Mas pinili ka niyang gamiting kasangkapan para sa sariling kapakanan.

Natatakot ako na baka bumalik ako sa punto na muli ko na namang ikulong ang sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa buhay na puno ako ng takot at wala akong kahit na maliit na porsyento ng kumpyansa. Gusto ko nang tuluyang talikuran ang punto na 'yon ng buhay ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung ngayon pa lang ay muli na namang ipinaparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat na mahalin bilang tao.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now