09: Devyn

3.2K 222 47
                                    

CHAPTER NINE
Devyn

"Anong mayro'n at kailangan irenovate ang auditorium?" nagtatakang tanong ko kay Isa habang pareho kaming nakatingin mga taong nagkakabit ng LCD screen sa pinakagitnang bahagi ng stage ng auditorium.

The auditorium was built in a wide fan layout. Elevated ang 500 raisin colored theater seats sa harap ng stage. Ang VIP area sa pinakaharap ng stage ay 100 seats lang. Sa second floor ay 200 seats na nahahati sa tatlong column. Habang ang natitira namang 200 seats ay nahahati rin sa apat na column sa ikatlong palapag ng auditorium.

Mayroon nilalagay ang mga tao sa gitna ng second at third floor na malaking LCD screen. Hindi naman natatakpan ang mga nasa likod no'n kung sakaling may mga manonood man. Tuloy ay nagmukhang concert hall ang auditorium imbes na simpleng auditorium lang ng isang unibersidad.

"Hindi ko nga rin alam, e," sagot ni Isa at kibit-balikat na tumalikod na.

Agad naman akong sumunod sa kanya dahil simula ng rehearsal ng org ngayong araw. "Saan ang rehearsal ngayon?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.

"Sa gym sabi ni Gio."

"Mauna kana, Isa. Comfort room muna ako," paalam ko.

Tumango siya at nauna nang lumabas sa backstage ng auditorium. Kinuha ko ang lahat ng gamit na dala ko para dalhin sa gym. Wala naman akong masyadong dala maliban sa maliit na bag na gamit ko kanina sa klase ko.

Pagkatapos kong mag-cr na nandito rin sa Auditorium ay dumiretso na ako sa gym. Gabi na ngayon at hanggang nine pm ang rehearsal namin sa mga ganitong pagkakataon. Mabuti na lang talaga at parte ng org si Kervin at nagagawa niya akong ihatid pauwi.

Mag-isa kong binaybay ang tahimik na daan patungong gym. Wala ng araw kaya malaya akong nakakapaglakad na walang inaalalang masamang epekto ng araw sa balat ko. Ilang hakbang mula sa gym ay naririnig ko na ang batuhan ng linya ni Devyn at ni Lucy na siyang female lead namin. Base sa dialogue na binibitiwan nila sa isat-isa ay nag-aaway sila sa sitwasyon na 'yon.

"Alin ba sa ayaw ko ang hindi mo maintindihan?!" pagalit pero puno ng hinanakit na sigaw ng isang babae na narinig ko mula sa loob ng gym.

"Hindi ko kasi kayang intindihin ang babaw ng dahilan mo. Ano bang pakialam ko sa kanila? E, ikaw naman ang babaeng mahal ko at hindi sila at ang mga sinasabi nila," pagpapaintindi ng lalaki na marahil ay si Devyn.

Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko mula sa boses ni Devyn ang pagsusumamo at pagmamahal na niyang naipararamdam sa mga taong nakakarinig sa pagbato niya ng linya. Sa paraan kasi ng pagsasalita niya ay parang totoo ang lahat at hindi isang palabas lang. Wala ako ni katiting na ideya kung tungkol saan ang play dahil hindi nila ako sinabihan. Maging si Isa ay hindi ako binigyan ng clue.

"Ano ba,Camille?! Anong halaga kung pakikinggan ko ang sasabihin nila kung mawawala ka naman sa akin?"

Sakit. 'Yan ang nararamdaman ko sa boses ni Devyn nang sabihin niya ang linya na 'yon kay Lucy na ang pangalan ay Camile sa palabas.

Pero bakit pati ako ay kakatwang nasasaktan? Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang bugso ng pinaghalong sakit at lungkot na biglang lumukob sa puso ko. Wala man akong alam sa takbo ng istorya ay hindi ko magawang iwasan na matamaan sa mga batuhan nila ng linya. Para kasing ginawa siya para sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako at pilit na inignora ang kung ano man na nasa isip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng gym. At sa oras na binuksan ko ang pinto ay parang may dumaang anghel sa loob nang biglang balutin ng katahimikan ang kaninang maingay na lugar. At lahat ng mga mata nila ay nakapako sa iisang direksyon. Sa akin.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon