43: The Antagonist

1.5K 92 10
                                    

WARNING: Some scenes may be sensitive. Act of violence ahead. Be warned.

CHAPTER FORTY-THREE
The Antagonist

DEVYN

"ANONG IBIG MONG sabihin na kinuha?!" galit na tanong ko.

Napatingin sa akin sila Mom at Dad, maging si Kuya, nang marinig ang pagalit na boses ko habang kausap ang nasa kabilang linya. Ngunit kahit ang galit na iyon ay hindi ko tuluyang maramdaman sa puso ko dahil mas nangingibabaw doon ang takot sa mga posibileng mangyari kay Bliss.

"Mali ako nang narinig, diba? Tell me, Isa!"

Muling umigting ang kaba sa puso ko nang pumailanlang ang iyak niya mula sa kabilang linya. "M-may humintong k-kotse pagkalabas niya ng coffee shop. T-tapos b-bigla na lang siyang k-kinuha," takot at nag-aalalang sabi niya matapos ay nasundan ng hikbi.

"Fuck! Papunta na ako," sabi ko at mabilis na pinatay ang linya.

Nasa akto na ako nang paglabas ng kuwarto ngunit napahinto ako sa paghakbang nang hinawakan ni mom ang braso ko at ipinaharap sa kaniya. "What's happening, son?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. I longed for that. I longed for her love to come back. I longed for a mother.

Kahit na isang taon lang kung maituturing ang naging malamig na pagtrato niya sa akin dahil sa mga kagaguhan na ako rin naman ang may gawa. Kahit na gustuhin ko man na ibalik ang oras pabalik sa araw na iyon at pigilan ang sarili na makagawa ng pagkakamali ay hindi ko na magagawa.

Kung kaya lang. Kung may kapangyarihan lang ako, pero wala. Hindi man magandang pakinggan, at kahit na gaano kagago sa pandinig ng iba, lalaki ako. Nagkamali at nagpadala sa tukso. Hindi ko itatanggi ang bagay na 'yon. Na minsan sa buhay ko ay nakagawa ako nang pagkakamali na nagresulta sa sanga-sangang problema.

Na nagresulta sa galit ni Mom sa akin. And even if I repeatedly asked forgiveness to her, it always end up with her being angrier at me. I thought it was a hopeless case. Me and my mom reconciling. But the impossibility became possible when Donovan woke up after being in coma for a year. What happened was like an answered prayer.

"Son," muling pagtawag niya.

Mariing napalunok ako at mabilis na naipasada ko ang kamay ko sa buhok ko upang payapain ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. It feels so damn good to hear that again. "Bliss was abducted," I said, making me feel the tension and fear again.

"What?!" halos magkakasabay na sabi nilang lahat.

"I don't know what happened yet. Pupuntahan ko muna si Isa."

Nang makita ko silang tumango ay mabilis na umalis na ako sa kwarto na 'yon. Sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko ay sinikap kong maging maingat sa pagmamaneho. Mahigpit ang magkakahawak ko sa manibela habang binabaybay ang daan kung saan ko iniwan si Bliss kanina. Hindi ako puwedeng mapahamak lalo na ngayon na nasa kapahamakan siya.

Kanina pakiramdam ko ay napakabilis nang biyahe noong kasama ko siya sa parehong daan na tinatahak ko. Pero ngayon ay tila ang ilang minutong biyahe ay naging oras na ngayon. Kahit anong bilis ang pagpapatakbo ko ay tila mas lumalayo lang ang destinasyon ko.

Mas naging doble ang kaba sa puso ko nang sa wakas ay abot tanaw ko na ang lugar. May mga police mobile na nakakalat sa labas ng coffee shop. Ang mga police officer ay kani-kaniya ng pakikipag-usap sa mga tao sa loob. Si Isa ay kausap din nang isang officer. Ang takot na nakikita ko sa mukha niya ay mas nagpapadagdag lang sa kaba na nararamdaman ko.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now