06: ---

3.7K 272 70
                                    

CHAPTER SIX

"Ready?" Tumango si Marlon bilang sagot. Binalingan naman ni kuya Gio si Nikko na seryoso lang na nakatingin kay Marlon. "Ready?" Tumango rin siya.

Nagpipigil ako ng tawa dahil akala mo naman, e, seryoso talaga sila sa gagawin nila. Sa porma at tindig nila ay aakalain mong may malaking premyo ang nakataya sa magiging laban. Kapwa mga seryoso ang ekespresyon ng mga mukha parang ready nang makipagdima. Seriously? E, thumb wrestling lang naman ang gagawin nila.

"Let's get ready to ruuummmbbbleeee! Ready... Fight!"

Napatampal ako sa noo ko. Feel na feel pa ni Kuya Gio ang pagkakasabi niya no'n. Ginaya niya pa ang announcer sa mga boxing fight. Katulad nang pagkakasabi ni Michael Buffer na siyang kadalasang ring announcer sa mga laban ni Sen. Pacquiao. Never expect seriousness from Kuya Gio if you're outside of the auditorium.

"Gooo Marloooonnn!" Sabay sabay kaming napatingin kay Lucy na siyang partner ni Marlon na todo bigay sa pagchi-cheer para sa pangalan na binanggit.

"No! Talunin mo siya Nikko!!!" Napabaling naman kami sa opposite side dahil nandoon si Rita na siyang partner naman ni Nikko.

Bakit ko ba nakalimutan pansamantala na lahat pala sa org namin ay hindi matino? Puro mga kalokohan nga pala ang alam nila kapag wala pang rehearsals. Pero hindi maitatanggi na sadyang nakakaaliw silang panoorin lalo na at nagmimistula silang mga bata na malayang naglalaro habang malalawak ang ngiti sa labi.

"Pag-cheer mo rin ako, ha?" Umangat ang tingin ko kay Devyn na may hawak na namang payong na nakatutok sa direksyon ko. Tumaas ang dalawang kilay ko, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaniya. "What?" may bahid ng ngisi na tanong niya.

"Ayoko nga! Nakakahiya," mabilis na pagtutol ko. Hindi ko ata kayang gawin ang mga pinaggagawa nila Rita at Lucy na kulang na lang ay pompoms at puwede nang isabak sa cheering squad. Nagtatalon pa kasi sila at gumagawa ng kung anu-anong steps na kadalasan kong nakikita sa mga cheering competition. Todo bigay pa sila na akala mo naman ay matinding labanan ang nangyayari.

"Come on." Mahinang siniko niya ako at nginitian, ang paglalambing ay kakatwang naroon sa boses niya. Napailing na lang ako dahil hindi ko naman talaga kaya ang mga ginagawa nila Rita at Lucy na kuntodo bigay talaga.

"And the winner is..." Gumawa ang halos lahat ng manual drumroll sound. Ang iba ay mabilis ikinakalampag ang kapay sa invisible drum na nasa harapan kuno nila. "Nikko!"

Nagpalakpakan ang lahat ng nandoon at maging ako ay napapalakpak na rin. Para namang nanalo talaga sa isang matinding bakbakan si Nikko na may pa stretching pa na nalalaman na parang hirap na hirap siya sa ginawa para lang manalo. Thumb wrestling lang naman ang ginawa.

"You're up, Devyn."

Napatingin ako sa katabi ko nang tawagin ni kuya Gio ang pangalan ng katabi ko.

"Hold this." Ibinigay niya ang payong na hawak niya sa akin. "And cheer for me." He patted my head before going into the center of the crowd.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nasa tabi na siya ni kuya Gio. Sino ba ang kalaban niya? Sa pagkakaalam ko ay nakapaglaro naman na ang lahat.

"Sinong kalaban niya?" Tanong ni Kervin at nagpunta na din sa gitna. Tamang tsismoso na naman ang loko. "Ikaw na lang Gio tutal hindi ka pa naman nakakapaglaro sa kahit anong game."

Kanina pa kasi kami naglalaro ng mga minor games na hindi naman namim alam kung bakit nasali rito. Sabagay, maganda rin naman 'yon para sa bonding namin as a team. At walang premyo ang bawat nananalo. Entertainment and laughter. Invisible rewards that fill our hearts.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now