42: The Darkness

1.3K 82 7
                                    

CHAPTER FORTY-TWO
The Darkness

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Devyn na siya ring gusto kong itanong sa kapatid niya.

Manghang nakatingin sa akin ang kuya ni Devyn, tila hindi makapaniwala na nakatayo ako sa harapan niya. Habang ako naman ay pilit na hinahalukay sa utak ko ang mga posibleng pagkikita naming dalawa. Ngunit kahit ilang minuto pa ang lumipas ay nananatiling pareho lang ang resultang nakukuha ko, wala. Kahit kailan ay hindi kami nagkadaupang palad na dalawa.

Pero sa uri nang pagkakatingin niya ay para bang sigurado siya na kilala niya ako, na hindi ito ang unang beses na nakita niya ako. Humigpit ang pagkakahawak ni Devyn sa baywang ko. Pakiramdam ko ay maging siya ay pareho lang nang nararamdaman ko. Kalituhan.

"You went to San Vicente High School, right?"

Sa sinabi niyang 'yon ay mas lalong nangunot ang noo ko. "Oo. Paano mo po nalaman?" gulong-gulong tanong ko.

Imbes na sagutin ang tanong ay bumaba ang paningin niya mula sa mukha ko pababa sa balikat ko. Ang parte kung nasaan ang peklat na iniwan doon ni Ruby noong araw na 'yon. At dahil sa ginawa niyang 'yon ay unti-unting nagkakaroon nang linaw ang rekognasyon sa akin na ipinapakita niya.

"It was you," ngayon ay sabi ko na katulad ng nauna niyang mga salita.

Tila naghalo-halo ang lahat ng nararamdaman ko sa puso ko dahil sa rebelasyon na 'yon. Nangingibabaw ang galak at nag-uumapaw na pasasalamat para sa taong kaharap. Ang mga luha ay unti-unting kumawala dahil sa mga emosyon na sabay-sabay kong nararamdaman.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Devyn.

Tumango ako bilang sagot ngunit ang paningin ay nakapako pa rin sa kuya niya. Sa pinaghalo-halong tuwa, di pagkapaniwala, at nag-uumapaw na pasasalamat ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kaniya.

Ang mga tingin ng mga kasama namin sa kwarto ay ramdam ko na ibinibigay nila sa amin. Pero hindi ko magawang ihiwalay ang sarili ko mula sa taong dati nang sumagip sa buhay ko. Marahan na hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya upang iparating sa kaniya ang pasasalamat na noon ay hindi ko nagawang iparating sa kaniya.

"M-maraming salamat," puno ng sinseridad na sabi ko kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Naramdam ko ang kamay niya na humaplos sa likod ko na parang inaalo ako. At dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong naging emosyonal.

"I'm glad to know you're fine," he said in a hush.

"What's happening?" Devyn asked confused.

And I took that as my cue to distance myself from his brother. Muli akong pumaloob sa mga braso niya at yumakap sa baywang niya. Magaan na nginitian ko lang ang kuya niya na gano'n din ang ginawa sa akin bago binalingan ng tingin ang kapatid.

"He saved me," I said.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Maging si Devyn ay pumunta pa sa harapan ko para lamang mas maayos na matingnan ang mukha ko.

"Remember the nightmare I had back when we were at the gym?" He nodded his head as an answer. "He was the one who rescued me from Ruby."

Tears started to form in my eyes again as I recall those painful memories that almost killed me. Naalala ko kung paanong umalingawngaw ang boses niya sa lugar na iyon upang pigilan ang mas malaking sakuna na puwedeng idulot ni Ruby sa akin nang maga oras na iyon.

Buhay na buhay sa pandinig ko kung paanong pilit niya akong ginigising na parang pinipigilan ang pagsuko ko. But I didn't woke up that day. I let darkness consumed me. At nagising na lang ako na nasa ospital na ako. Hindi ko na rin tinangka na alamin pa ang nangyari bago ako makarating doon dahil mas pinangungunahan ako ng takot na balikan ang mga ala-alang 'yon sa kamay na Ruby. Hindi ko na inalam kung sino ang nagligtas sa akin mula sa muntikan nang pagbitaw sa natitirang pag-asa sa buhay ko.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now