CHAPTER THIRTY-EIGHT
Forward
"Are you at home, Kervin?" pigil ang hikbi na tanong ko matapos niyang sagutin ang tawag ko."Are you crying?" nag-aalalang tanong niya. "Where are you?"
Inilinga ko ang ulo para hagilapin ang puwede maging palatandaan kung nasaan ako. I ran away from Devyn who was rooted at the last place where I left him. Hindi na ako nag-abala na lingunin siya o ang alamin kung okay lang ba siya dahil mas lamang ang sakit na nararamdaman ko kaysa ang alalahanin siya. I just walked and walked until I don't know where I am anymore.
"I'm near Parson's hotel. Sa may convenience store. Puwede mo ba akong sunduin?" Nagsimula akong maglakad ulit habang ang bakanteng kamay ay walang humpay sa pagpunas ng masaganang luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
Nakarinig ako ng pagkilos mula sa kabilang linya. Ang pagbukas ng pinto na nasundan ng mahinang tunog ng mga yabag hanggang sa unti-unting lumakas 'yon sa pandinig ko.
"Is that Bliss?" Mas naging sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha ko nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Ken na siya palang dumating.
"I need to fetch her, Kuya. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko," tarantang sabi ni Kervin na mabilis na tinutulan ng bagong dating.
"Location?" Ken asked and my best friend immediately gave him the location I gave him earlier. "Stay here with your son. Ako na ang bahala."
"No, no Kervin!" mabilis na pagtutol ko sa kabila ng mga naririnig kong paghakbang sa kabilang linya, hakbang na nagmamadali at papalayo. "Ako na lang mag-isa ang uuwi. Tell your brother that I'm fine. Stop him, Kervin, please," naiiyak na pakiusap ko.
Kervin sighed. "Too late, Bliss. He's on his way."
Matunog akong napahikbi kasabay ng walang patid na pagtulo ng mga luha ko dahil sa panibagong bugso ng mga emosyon. "God, I'll hurt him more, Kevin. He'll be hurt more," sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
"I know, Bliss. But you know how much my brother cares for you. And nothing can stop him from doing things that concerns you. Not me, and definitely not you." Bumuntong hininga siya ulit ngunit sa pagkakataon na ito ay payapa na hindi kanina na kababakasan ng pag-aalala. "Tell me what happened tomorrow. I'll go to your house. For now, go to that convenience store and wait for my brother," maawtoridad na utos niya. "And please, hush now, Babe."
Tumango-tango ako kahit na malabong makita niya 'yon. Ibinaba ko ang linya kasabay nang paghakbang ko patungo sa establesimiento kung saan ako susundin ng taong hindi malabong masaktan ko ngayong gabi.
Sa pagpasok ng imahe ni Ken sa isip ko ay sinikap kong burahin ang bakas ng luha mula sa mukha ko na hindi madaling gawin dahil hindi maampat ang pagpatak no'n. Mabuti na lang at waterproof ang makeup na ginamit sa akin kaya hindi magkakalat sa mukha ko at hindi ako magmumukhang nakakatakot.
I can't let Ken see me at this state for I know that it'll hurt him more. He gave up. He gave me up to a man who just hurted me a few minutes ago. At ayaw kong makita si Ken na mahirapan dahil lang sa maging ganito abg kinalabasan ng kuwento namin ni Devyn na nagsisimula pa lang pero nagbabadya na ang katapusan.
Nang makarating sa lugar ay pinili kong maupo sa isa sa mga upuang nakakalat sa labas. At doon, muling nanumbalik sa akin ang mga nangyari kanina. Pinuno ng mga pangyayari ang isip ko ng maraming katanungan. Kung bakit, paano, kung paano humantong sa ganito. Hindi ko alam kung magagawa ko bang bigyan ng linaw ang lahat ng 'yon gayon isang tao lang ang alam kong may kakayahan na sagutin ang mga 'yon.
Hindi ko maiwasan na maisip na ito ang dahilan kung bakit tila problemado si Devyn noong mha nakalipas na araw. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na may las higit pa rito sa mga bagay na nalaman ko. Pero wala na akong makapa sa puso ko ngayon na kagustuhang alamin ang mga bagay na 'yon.

YOU ARE READING
A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)
RomanceRare Disorder Series #1 complete | unedited "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be better if I die?" If there is one truth that Bliss Audrey Laure wanted to turn into a lie, that's probably her own reflection. It co...