CHAPTER THIRTY-ONE
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako nagpakawala ng buntong hininga. E, sa kinakabahan ako, e. Nanlalamig na ang dalawang kamay at tainga ko. Butil-butil na rin ang pawis ko sa noo aa sobrang kaba na namamayani sa dibdib ko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Devyn sa balikat ko upang patigilin ako sa pabalik-balik na paglalakad na kanina ko pa ginagawa para lang kumalma.
Natutulirong tiningnan ko siya. "What's happening to your eyes?" naguguluhan at nag-aalalang tanong niya.
"She's just nervous," si Kervin ang sumagot.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa whole body mirror na nandito sa waiting area na ginawa ng event's organizer para sa susunod na mga kalahok. Nakita ko kung paano mabilis na gumalaw pakaliwa at pakanan ang mga mata ko. And no, hindi ako ang gumagawa no'n dahil kusa lang iyong gumagalaw at hindi ko kontrolado.
Isa ito sa parte ng kondisyon ko na hindi pa nakikita ni Devyn. Si Kervin alam na since ilang beses na rin naman niyang nakita na nangyari sa akin ito. Madalas naman kasi na kalamado lang ako sa tuwing kaharap ko siya.
It's called nystagmus. It's the involuntary movement of the eye. Puwedeng pataas at pababa o puwede ring katulad ng sa case ko na side-to-side involuntary movement. As for me, noticeable lang siya tuwing nakararamdam ako ng sobrang pagod, galit, takot, balisa, o kapag kinakabahan ako. Katulad na lang ngayon. But on a normal day na payapa naman ang kalooban ko ay hindi mo siya mahahalata.
"Relax, babe. Baka pareho pa kayong himatayin diyan," pagpapakalma ni Kervin sa akin.
Nakangiwing naupo na lang ako sa upuan na katabi ng inuupuan ni Kervin. Agad na sumunod naman nang upo sa bakanteng upuan sa tabi ko si Devyn. Mukhang nahawa na rin siya sa kaba ko.
"Alis na lang kaya tayo?" nakangiwing suhestiyon ko. Agad naman akong nakatanggap ng masasamang tingin mula sa kanilang dalawa. Nagsama pa. "Sabi ko nga joke lang, e." Kamot-kamot ang ulong dagdag ko.
Ikinulong ni Devyn ang mukha ko sa pagitan ng mga kamay niya tsaka ako pinakatitigan sa mga mata. "Relax, Bliss Audrey. You got this, okay?" Animo nahihipnotismong napatango ako.
"Makalayas na nga. Mamaya putaktehin pa ako ng langgam dito," naaasiwang sabi ni Kervin.
Natatawang sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko. At least kahit papaano ay naibsan ang kaba ko.
Napatingin ako sa lalaking kasalukuyang nakatuntong sa entablado. Kahit likod lang niya ang nakikita ko mula sa kinauupuan ko, makikita sa kaniya na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito. Maganda rin ang bawat pagbigkas niya sa bawat mga salitang binibitiwan niya. Maging ang mga emosyon na gustong iparating ng tula niya ay ramdam na ramdam ko kahit na wala pa akong ekperyensya sa paksang tinatalakay niya. Maging ang kaba hindi mababakas sa kaniya.
Hindi katukad ng kaba na nararamdaman ko. Simula ata kanina sa bahay pa lang ay nararamdaman ko na ang kaba. Simula pa lang ata nang magising ako ang unang naramdaman ko na ay kaba. Ginawa ko na lahat para maibsan kahit papaano ang kaba ko pero walang umepekto maski isa.
"Masaya ka ba? Masaya ka ba na nasasaktan ako habang may kapiling kang iba? Masaya ba? Kasi mahal, hindi ko pala kaya."
Nakaramdam ako ng sakit habang pinapakinggan siya. Hindi ito ang unang beses na nakarinig ako ng mga ganitong piyesa. Pero kahit na magkakaiba man ng paksa, magkakaiba man ng kwento, at magkakaiba man ng sakit ay pare-pareho lang ang pakiramdam na dulot sa akin.
Minsan masaya. Minsan may kilig. Ngunit mas madalas na masakit. Siguro kaya nahihiligan ng mga tao, lalo na ng mga kabataang katulad ko, ang ganitong larangan dahil nagagawa niyang pasukin ang puso ng isang tao at iparamdam ang sakit sa pamamagitan lamang ng mga salita.

YOU ARE READING
A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)
RomanceRare Disorder Series #1 complete | unedited "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be better if I die?" If there is one truth that Bliss Audrey Laure wanted to turn into a lie, that's probably her own reflection. It co...