18: Explanation

2.1K 147 26
                                    

CHAPTER EIGHTEEN
Explanation

"Pa-picture po, Miss Vanessa!"

"Ang gwapo niyo po talaga Sir Brandon! Pa-picture rin po!"

"Ako rin po!"

"Bagay na bagay po kayo!"

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko habang pinanonood ko ang mga tao na pagkaguluhan ang mga magulang ko na kani-kaniyang hirit ng picture. Kinikilig ang halos lahat na mga pinaghalong babae at lalaki na estudyante na nakapalibot sa kanila. Kahit nga si Mommy ay kinakikiligan din ng mga babaeng estudyante. Maging ang mga professors at mga dean ay nakikigulo rin sa mga estudyante para lamang makapagppa-picture sa kanila.

Who wouldn't though? They are Vanessa and Brandon Laure after all. The most loved celebrity couple in the Philippines that has been on the industry for more than a decade now. Lahat ng tao ay saludo sa tatag ng relasyon nil ana nagsimula dahil sa unang pagtatambalan nila sa isang drama. Ngunit mas minahal sila ng publiko dahil sa kabaitan nila sa kanilang kapuwa. Mahihiya ang lahat ng mga judgemental na tao sa mundo dahil wala kang maipipintas sa kanila dahil hindi lang panlabas na anyo nila ang maganda kundi maging ang kalooban nila. Sila ang depinisyon ko ng salitang perpekto.

They are the epitome of beauty and perfection for me. But they had me, a total opposite. Kaya hindi ako nagsisisi na hiniling ko sa kanila na itago nila ako sa publiko, noong tumuntong ako ng limang taon. Noong una ay hindi sila sang-ayon sa gusto kong mangyari pero ipinilit ko pa rin hanggang sa bumigay na rin sila at pumayag sa gusto ko. Yes, alam ng mga tao na may anak ang mga magulang ko. But my identity is still a mystery to everyone.

Ang huling litrato kasi na inilabas ng mga magulang ko na kasama ako ay noong one year old ako, na black and white lang ang kulay. Hindi ako sigurado kung bakit hindi na sila naglabas ng mga litrato pagkatapos no'n, pero nagpapasalamat na rin ako dahil nagawa nilang protektahan and career nila na pinaghirapan nilang binuo sa loob ng mahabang panahon.

Nakita kong napalingon sa gawi ko si Dad at ngumiti. Umasta siya na lalapit sa akin kaya umiling ako at nagsumksik sa kurtina na nasa gilid ng stage at sumenyas na magpatuloy na lang sa pakikipag-picture sa mga tagahanga nila. Ang kaninang masayang ngiti niya ay nabura at napalitan ng malungkot na ngiti. I gave him a thumbs up saying that I am just fine trying to reassure him that I am not hurt bago tumalikod at muling pumasok sa backstage.

"I invited them," anang tinig na nabungaran ko.

Kusang pumalibot ang mga braso ko sa baywang niya sa sobrang galak hindi lang dahil sa narinig kundi maging sa suportang walang sawang ibinigay niya sa akin. "Thank you."

"I thought that they need to see you speak up your mind." Gumanti siya sa yakap ko at marahang hinaplos ang ulo ko. "You're amazing, babe. You just made me proud," sabi niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Salamat talaga, Kevin," madamdaming wika ko. Naluluhang inangat ko ang ulo ko para tingnan siya at nakita ko ang kaparehong ekspresyon na nararamdaman ko sa mga mata niya.. "Salamat sa lahat. For the encouragement, for the undying support, and for the love."

"I love you, babe, so much. At handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Sa kahit na anong paraan, gagawin ko mapasaya ka lang. You know that, right?" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya kasabay ng pagtango. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya na nararamdaman ko dahil sa mga naririnig ko mula sa bibig ng matalik kong kaibigan. I feel so freaking lucky to have him as a friend and a brother. "Pero sa tingin ko ay may isa ng tao ang kayang pumalit sa pwesto ko sa buhay mo," sambit niya sa tinig na nahahaluan ng lungkot ang boset.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon