22: Beauty

1.9K 118 15
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO
Beauty

"Do I look decent now, Mom?" kinakabahang tanong ko kay Mom na nakangiting nakatingin sa akin mula sa salamin ng vanity table na nasa harapan ko.

"You look so beautiful, Bliss," puno ng sinseridad na tugon niya.

Napangiti na lang din ako sa sinseridad ng boses niya. Napahawak ako sa buhok ko na kanina ay tinirintas ni mom na katulad ng buhok ni Elsa sa frozen at nakalagay sa kanang balikat ko. Ngayon lang ata ako nag-ipit ng ganito sa buong buhay ko. Madalas kasi ay nakalugay lang ang buhok ko o di kaya naman ay nakatali ng buo.

Nilagyan din ni Mom ng manipis na liptint ang labi ko para raw may kulay ako kahit papaano. Pero tumanggi na ako sa kaniya ng alukin niya akong lagyan ng make up. Hindi ako sanay sa gano'n at hindi naman siguro kailangan para sa simpleng date lang.

Nagpaalam si Devyn sa magulang ko na ilalabas niya ako ngayong gabi. At ang Mom at Dad naman ay parang mas excited pa sa akin dahil si Mom na mismo ang naghanda ng susuotin ko habang si Dad naman todo ang suporta sa amin.

It was supposedly last week Saturday. But because of my bruises and weak body, Devyn and I have decided to move it. At ngayon na talagang tuloy na siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang ang imahenasyon ay gumagawa ng mga senaryo sa mga maaaring mangyari ngayong gabi.

Nude colored hanging sando ang damit na pinili ni Mom para sa akin. Manipis lang ang strap no'n kaya kita ang pektan sa braso ko na natatakpan lang ng buhok ko. Ripped jeans naman ang pang baba ko at kulay puting sneakers naman ang sapatos na sinuot ko.

"Dalaga na ang anak natin, Vanessa. May manliligaw na," bakas ang kaligayahan sa boses ni Dad nang sabihin niya iyon.

"Dad." Natatawang humarap ako sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at pinapanood lang kami ni Mom. "Date lang po 'to."

"Still, masaya ako para sa'yo. At Malaki ang pasasalamat ko kay Devyn dahil sa lahat ng ginawa niya para sa'yo," sinserong sabi niya.

Napailing na lang ako. Kung makapagsalita naman kasi siya ay para bang ngayon na ang araw ng kasal ko kahit na date lang naman ang pupuntahan ko.

Pero hindi ko siya masisisi kung bakit gano'n ang nararamdaman niya dahil maging ako ay malaki din ang pasasalamat kay Devyn dahil lahat ng mga bagay na nagawa niya para sa akin. Lalo na ang paulit-ulit na pagsasabi at pagpaparamdam sa akin na hindi isang pagkakamali na isinilang ako. Na may halaga rin ako bilang tao. Na karapat-dapat din akong magmahal at makatanggap ng pagmamahal mula sa iba.

"He's here," bulong ni Mom sa tainga ko.

Nauna nang bumaba si Dad at Mom habang nanatili naman ako sa kinauupuan ko. Dumoble ang kabang nararamdaman ko sa bawat malakas na pagpuntig ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nandoon ang puso at pilit na kinalma ang sarili habang nakatingin sa sariling reoleksyon.

"Kalma, Bliss. Kalma." Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin at pinasadahan ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ko ngayon.

Ilang beses ako humugot ng malalim na hiniga bago bago tuluyang napakalma ang nagwawala kong puso. Bumungad sa akin ang mga aso ko na pare-parehong nakatunghay sa pintuan ng kwarto ko na para bang hinihintay ang paglabas ko.

"Sleep early you three," utos ko sa kanila na parang tao lang ang kausap ko.

Tumahol si Cloud at Vanilla sa akin habang nag-iwas lang ng tingin si Yogurt at pumasok na loob ng hindi man lang ako nililingon. Problema no'n?

"Schön!" Agad na napatayo si Devyn mula sa pagkakaupo niya nang makiti akong pababa na ng hagdan.

Hindi ko nagawang maihakbang pa ang mga paa ko nang magsimula siyang maglakad patungo sa direksyon ko. Kagat ang ibabang labi na pinanood ko siyang parang modelo na naglakad paakyat ng hagdan habang kapwa nakapako ang mga mata naming sa isa't isa.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now