28: ---

1.3K 92 18
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"Kami na nga ang bahala. Ang kulit mo ha," naiinis na sabi ko at tinapik ko ang kamay ni Kervin na nakahawak sa likod ni Maxim.

Nakasimangot niyang tiningnan ang anak na mukhang nawalan na ng pakialam sa kaniya. "Baby, hindi mo ba mami-miss ang Daddy?" nakangusong tanong niya sa anak na hindi man lang siya nilingon.

"Tata!" tuwang-tuwa na sigaw ni Maxim habang nakalapat ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ko.

Napatawa ako habang mas humaba naman ang nguso ni Kervin. Mukhang mas gusto sa akin ng anak niya ngayon kaysa sa kaniya. Nagpapaawa na tumingin siya kay Maxim pero bigo siyang makakuha kahit na isang sulyap man lang mula sa anak.

"Come on, dude, we won't harm your kid," naiiling na wika ni Devyn na nasa likuran ko. "Just go fill your brains with debit, credit, and whatever that you need to study."

Mas lalo lang napasimagot si Kervin sa sinabi ni Devyn. Kami kasi ang umako sa pag-aalaga kay Maxim gaya nang napagusapan. Sabado na ngayon. At tatlong araw mula ngayon ang exam ni Kervin. Sigurado ako na hindi pa siya nakakapag-review talaga ng maayos dahil na din kay Maxim.

Kaya kami na muna ang magbabantay sa kaniya katulad ng nakagawian ko na. Libre na rin naman ang oras naming dalawa ni Devyn dahil tapos na ang exams naming pareho. Sakto rin naman na family day sa school ni Kobe kaya kailangan doon ang parents nila. Sa madaling sabi, wala talagang katulong si Kervin ngayong araw. Si Klea naman nandito at kasalukuyang natutulog pa.

"Dude, we don't do debit and credit in marketing," nakasimangot na sabi ni Kervin.

"Whatever. Umalis ka na at magburo ng sarili mo sa pag-aaral." Iwinagayway ni Devyn ang kamay na tila pinapalayas si Kervin na siyang ikinatawa ko

Bumuntong hininga si Kervin. Humalik siya sa pisngi ng anak niya. "Puntahan niyo na lang ako sa taas kung may kailangan kayo."

"Relax ka lang, Kervin," malumanay na sabi ko. Nginitian ko siya. "Study hard, Kervin."

Tumango siya bago nagsimulang umakyat sa kuwarto niya. Naupo ako sa sofa habang nakaupo si Maxim sa kandungan ko. Si Devyn naman ay naupo rin sa katabi ko at sa isang suwabeng galaw ay nagawa na niyang isampay niya ang braso niya sa likod na bahagi ng sofa na malapit sa balikat ko.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong niya.

"The obvious," natatasang sagot ko.

"And that is?"

"Babysit Maxim." Napatawa ako nang tumulis ang nguso niya.

Ano ba ang inaasahan niya? Eh, napag-usapan na naming na babysitter kami ngayong araw? Wala rin naman sa plano ko na ilabas si Maxim dahil baka mas hindi makapag-focus si Kervin at alalahanin lang ang anak niya. Atleast kapag nandito kami sa bahay nila panatag siya at madali lang niya kaming mapupuntahan at gano'n din kami sa kaniya.

Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan na lang si Maxim na pinipilit ang makababa mula sa kandungan ko. Inalalayan ko siya habang naglalakad. Kawawa si Kervin oras na mas lumaki pa si Maxim. Paniguradong mas malikot ang batang 'to kapag lumaki.

"How's your poetry?" mahinang tanong niya sa akin.

Napalingon ako sa kaniya at nagkibit balikat. "Wala pa rin."

Kapag natapos na ang exam nila Kervin ay agad na mag-uumpisa ang spoken word poetry contest sa susunod na linggo. Sa mismong event ang registration. Dapat by now ay mayroon na akong naisulat kahit draft man lang. Para sa mga susunod na araw ay aayusin ko na lang.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now