16: Uncertainty

6.5K 261 38
                                        

CHAPTER SIXTEEN
Uncertainty

Mas isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ni Kervin at mas itinago ko ang mukha ko sa ilalim ng puting ballcap na suot ko. Naka suot din sa ibabaw ng sumrero ang hood ng itim hoodie na suot ko. Umakbay sa akin si Kervin na sigurado akong nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya hanggang sa halos nasa harapan na niya ako.

Kulang ang salitang kaba na nararamdaman ko ngayon kahit na hindi pa ito ang araw ng pagtatanghal ng org. Ang kaba na mataggal nang nasa buong pagkatao ko ay sinasabayan pa ng takot. Alam ko naman na imposible na may makapansin sa akin sa rami ng miyembro ng org pero hindi magawang kumalma ng sistema ko.

"Relax ka lang, okay?" mahinang bulong niya sa tainga ko, iniiwasang may maistorbo kaming mga kasamahan namin sa org.

"Sa likod lang tayo, ha?" pakiusap ko. Pakiramdam ko ay isa akong batang takot mawala sa gitna ng maraming tao sa paraan ng pagkakakapit ko sa laylayan ng tshirt ni Kervin.

Binigyan niya ako ng ngiti kaya napanatag ako. "Huwag kang mag-alala, nandito ako. Okay?" Tumango ako sa kaniya.

Muli na namang naagaw ng nagsasalita sa podium na nasa sentro ng stage ng auditorium ang atensyon ko nang magsalita siya. Ang supreme student council president ang nagsasalita sa harap ng mga estudyante na mga pawang nakaupo sa theater seats mula second floor pataas. Habang mga faculty staff, deans, at professors naman ang nasa VIP area.

Ipinakikiilala ng SSC president ang bawat org sa mga estudyante at ang mga activity na magaganap sa susunod na araw. Opening na ng foundation week kaya maaga akong pumasok ngayon kahit na wala naman sa plano ko.

Gustuhin ko rin naman na huwag sumama sa opening at pagpapakilala ng mga org ay hindi ko ginawa dahil importanteng even 'to para sa buong org at ayaw kong mawala. Hindi rin naman ako papayagan ng mga kasamahan ko lalo na si Kervin na kagabi pa lang ay nasa bahay na para paalalahanan ako sa magaganap ngayong araw.

"Let's welcome the Theater and Drama Society of our university," anunsyo ng president na sinundan nang masigabong palakpakan ng mga taong naroon.

Isa-isang umakyat ang nga kasamahan namin mula sa standby area sa gilid ng stage. Mas humigpit pa ang kapit ko sa shirt ni Kervin nang akayin niya ako paakyat para daluhan ang mga nauna na naming kasamahan. Hindi man lahat ng tao ay nakikita ako, napapansin ko pa rin ang mapanuring tingin na ipinupukol sa akin ng mga nasa VIP area na malapit lang sa stage, maliban sa mga propesor na kilala na ako.

"Relax. Nandito ako," masuyong bulong muli ni Kervin sa tainga ko habang hinihimas ang braso ko para kalmahin ako.

Gusto kong kumalma dahil alam kong ganito rin ang mangyayari sa play ilang araw mula ngayon. Dapat ay masanay na ako ngayon pa lang, pero mahirap pala talaga lalo na at buong buhay ko ay itinago ko ang sarili ko.

Hindi ako sigurado kung nakikita ba ako ng mga tao o hindi. Pero hindi malabo na makita nga nila ako dahil aangat at aangat ang kulay ng balat ko. Maliban pa ro'n ay may camera na nakatutok sa amin para ipakita sa malaking screen na nasa magkabilang gilid ng stage sa itaas na bahagi.

"We weren't able to perform last year because we are missing a member," panimula ni Kuya Gio matapos ay lumingon kay Devyn na nasa tabi niya sa harapan. "But now that he is back, we are now ready to give you a rollercoaster ride of emotions. Please be a part of us as we take the stage again for this year's foundation. This year is a very special year for us. Because we will be taking an unknown path that we haven't taken before. But we are hoping that just like the courage that we had when we have decided to show you another play, you would also find the courage in to open up your hearts for this one. We are rooting for your understanding, everyone."

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now