CHAPTER THIRTY-SIX
Things About Bliss"Bliss Audrey."
Mabilis na napahiwalay ako sa kaniya nang mangibabaw ang pamilyar na tinig na iyon na nagmumula sa likuran ko. Ken let out a deep sigh before finally letting me go. Hindi niya tinapunan ng tingin ang taong 'yon bagkus ay mariing inilapat ang paningin sa akin.
"Good night, Bliss," he said before lowering his head to give my forehead a goodnight kiss.
Napapikit ako ng mga mata sa intensidad na nararamdaman ko sa boses niya. Isabay pa na hindi ako komportable sa nararamdaman kong selos ni Devyn na siyang nagsalita kanina. Napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ni Ken sa pag-asang kakalma ang puso ko kahit papaano.
Hindi naman lignid sa kaalaman ko kung gaano kaseloso si Devyn. Kahit nga ang kaibigan niya na si Kervin ay nagagawa niyang pagselosan, si Ken pa kaya? Alam ko at nararamdaman ko na nagseselos siya. Pero hindi ko magawang itulak palayo si Ken dahil ayaw ko nang saktan siya. Dahil alam kong sa oras na gawin ko 'yon ay magagawa ko na naman siyang saktan.
"Can I have my girl now?" Devyn asked.
Itinaas ni Ken ang dalawang kamay niya tandan ng pagsuko. "Relax, man. I meant no harm," he said in surrender.
Devyn opened his one arm as if inviting me into it. Nakayukong nagtungo ako sa direksyon niya. Agad na ipinalibot niya sa baywang ko ang braso niya habang ang paningin ay nakapako pa rin kay Ken. Marahang inangat ko ang kamay ko upang marahang haplusin ang pisngi niya nang sa gayon ay mababaling sa akin ang paningin niya.
"It's nothing," wika ko sa masuyong paraan upang panatagin ang kalooban niya.
Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa akin. Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at ibinaba iyon at hindi na pinakawalan pa. Muling napatingin ako kay Ken na may masakit na ekspresyon sa mukha. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Devyn pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya roon upang hindi ko tuluyang mabitawan.
I felt a great pang of guilt as Devyn tighten his grip on my hand. It seems to me that he is reminding me of what he is to my life. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko kung bakit pinipilit kong bawiin ang kamay ko gayong may karapatan naman siya na hawakan 'yon. Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit parang hindi ko binibigyan ng importansya ang lugar niya sa buhay ko.
Puno ng paghingi ng tawad na humarap ako kay Ken na ngayon ay malungkot ngunit puno ng pag-intindi na nakatingin sa akin. He smiled before turning around to get Olaf before giving it to me. Ako na sana ang aabot sa carrier nang maunahan ako ni Devyn.
Masyado akong nakokonsensya habang pinanonood ang pagtalikod ni Ken upang harapin ang sasakyan. Mula sa likod niya ay nakikita ko kung paanong naghalo-halo ang pagod ang matinding sakit na dinanas niya ngayong araw. Pigil na pigil ko ang luha sa mga mata ko upang huwag tuluyang kumawala habang pinapanood ang unti-unting paglayo ng sasakyan niya.
I'm sorry.
"I'm sorry, Devyn," mahinang usal ko.
"For what?" he asked.
Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang mga mata niya. "If ever you felt jealous."
Matunong siya bumuntong hininga kasabay ng pagtingala niya sa madilim na kalangitan na tila kinakalma ang sarili niya. Nagsimula na akong maguluhan sa mga inaakto niya. Pakiramdam ko ay hindi lang ang mga nasaksihan ang bumabagabag sa kaniya. Sa nakikita ko sa kaniya ay pakiramdam ko ay mas may malalim pa siyang pinaghuhugutan pero hindi ko mawari kung ano.

YOU ARE READING
A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)
RomanceRare Disorder Series #1 complete | unedited "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be better if I die?" If there is one truth that Bliss Audrey Laure wanted to turn into a lie, that's probably her own reflection. It co...