CHAPTER FIFTEEN
A Place with You"Bliss Audrey," narinig kong pagtawag niya pero pinigilan ko ang sarili na lumingon.
Mag-isa lang ako sa pinakataas ng auditorium at nagse-cellphone habang ang iba naman ay nasa mismong stage para sa huling rehearsal nila bago ang pahinga namin bukas dahil opening ng foundation week bukas.
Hindi pa rin nila ako pinasasali sa rehearsal kaya nakuntento na lang ako rito sa taas at pinapanood sila kahit mukha na silang langgam sa paningin ko sa sobrang layo nila sa puwesto ko. Tumutulong ako sa props team pero ubos na ang mga kailangang gawin ngayon kaya wala na rin kaming ginagawa.
Mas itinago ko ang sarili ko sa ilalim ng kulay pulang hoodie ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. Isang buwan na ang nakalipas at sa loob ng mga araw na dumaan ay walang araw na hindi ko sinikap na iwasan siya. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba ang pag-iwas ko o hindi pero hindi ko na 'yon pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pag-iwas sa kaniya sa personal na dahilan.
"Kumain ka na?" tanong niya na taliwas sa inaasahan ko.
Ang akala ko kasi ang nandito siya para mag-usisa pero iba pala ang intensyon niya. Katulad ng isang buwang pag-iwas ko ay siyang ring pangungulit niya sa akin. Naging routine na nga ata namin ang larong tagu-taguan dahil sa bawat pag-iwas ko at paglayo ay siya rin namang paglapit niya at paghahanap sa akin para kausapin.
Hindi ko siya nilingon at umiling lang ako. "Hindi pa." Kanina pa lumipas ang tanghalian pero hindi ko nagawang kumain dahil sinamahan ko si Kervin na bumili ng pagkain ng buong org kaya nalipasan na ako ng gutom.
Ala una pa lang ng hapon pero nagsimula na ang rehearsals nila dahil excuse kami ng isang linggo sa klase para sa paspasan na rehearsal. Bukas na kasi ang sumula ng foundation week kaya ipapahinga sila bukas para hindi naman sila pagod kapag mismong play na.
Sa bawat araw na dumaan sa loob ng isang buwan ay mas itinuon ko ang sarili ko sa pag-eensayo ng sarili kong parte sa play. At sa loob ng isang buwan na 'yon ay hindi ko maitatanggi na hindi siya nawala sa isip ko at sa halip ay mas naging dominante pa ang pananatili niya roon. Na gustuhin ko mang pigilan ay hindi ko magawa dahil mas lumalalim lang ang puwang niya sa puso at isip ko ng hindi sinasadya.
Gustuhin ko mang pigilan ang sariling nararamdaman ay wala akong kakayahan lalo na at kung siya na rin mismo ang lumalapit at gumagawa ng paraan para mapanatili ang sarili sa buhay ko. Mas naging sweet siya, mas naging maalaga, at mas nangibabaw ang kagustuhan niyang mapalapit sa akin sa kabila ng bawat paglayo ko.
At sa bawat araw na nagdaan ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong walang takot na nahulog sa kaniya. Totoo ang sinabi ni Kervin na makukit si Devyn dahil hindi ko ata naranasan ang isang araw na hindi ko naramdaman ang presensya niya dahil palagi siyang sumusulpot sa kabila nang pagtatago ko.
Pabuntong hininga na naupo siya sa tabi ko. "Tara. Kain tayo. Hindi maganda ang nalilipasan ng gutom," nag-aalalang wika niya.
"Hindi ako gutom," mahinang sagot ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang cellphone ko kahit na pilit na inaagaw ng presensya niya ang atensyon ko.
"Sige na. Come with me," malumanay at malambing na sabi niya. Naramdam ko pa ang paglapit niya sa akin hanggang sa nanuot na sa ilong ko ang natural na bango niya.
Gusto kong batukan ang sarili ko ng muntik na akong lumingon dahil sa sobrang lambing ng boses niya. Kakaiba ang epekto no'n sa akin at kung papairalin ko ang puso ko ay mas gugustuhin no'n ang bumigay at magpatangay na lang sa gusto niya. Palagi naman siyang ganiyan simula ng iwasan ko siya.

YOU ARE READING
A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)
RomanceRare Disorder Series #1 complete | unedited "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be better if I die?" If there is one truth that Bliss Audrey Laure wanted to turn into a lie, that's probably her own reflection. It co...