Chapter 37

228 16 7
                                    

Habang naglalakad ay walang sawang hinahawakan ni Khione ang hairpin na nakakabit sa kanyang buhok na binigay sa kanya ni Zachary. Tila siya ay parang inosenteng bata na nakatanggap ng magandang regalo at ayaw na ito bitawan.

Dahil dito ay hindi napigilan ni Zachary na mapatawa ng mahina sa reaksyon ng babaeng nasa tabi niya ngayon.

"You really like that hairpin don't you, you keep on touching it since the time I place it on your hair." nakangiting sabi niya sa babae, na agad namang napatingin sa kanya.

"Yeah, it's beautiful." mahinang sagot nito. "Thank you for giving me this." sabi nito na nahihiya.

"Cotton candy! Bili na kayo ng cotton candy!" agad na napunta ang atensyon ni Khione sa tinderong nagbebenta ng makukulay na pagkain na parang ulap. Mabilis siyang naglakad papunta doon na agad ding sinundan ni Zachary. "Do you want to buy it?" tanong ng binata at agad ding tumango ang dalaga na parang bata bilang sagot.

"What is this?" tanong ni Khione sa tindero habang turo turo ang kulay asul na pagkain.

"Ah eto ba, cotton candy tawag diyan." nakangiting sagot nito, tinignan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa at base sa suot nito ay hindi ito ordinaryong babae.

Hindi pa natinag ang dalaga sa sagot kaya muli ulit siyang nagtanong sa tindero. "Then is it made of cotton? Is it edible?" dahil sa tanong niya ay napatawa ang tindero at ang binata pero tinignan niya lang ang mga ito habang hinihintay ang sagot na parang inosenteng bata.

"Hindi iyan gawa sa cotton, gawa yan sa ipinatunaw na asukal kaya nakakain yan. Tinawag lang yan na cotton candy dahil kamukha niya ang cotton." sagot nito.

Tumango si Khione bilang sagot at kitang kita sa kanyang mukha na satisfied siya sa sagot ng tindero.

"I'll buy five of them, any colors."

Agad na napatingin si Zachary sa kanya dahil sa dami ng binili niya. "Hey, are you sure you are going to buy five of them? That's too sweet, you might get a toothache after eating them."

"I'm not going to eat all of them, I'm sharing it with you. We are going to eat them together while walking around this place." sabi nito at saka kinuha na ang mga cotton candy na binili niya. Inabot niya ang dalawa sa binata at saka naglakad paalis, agad naman siyang sinundan nito matapos bayaran ang pagkain na binili.

"Let's go to the plaza later, there will be a play that is going to be held there. Let's watch it together." pagyaya nito sa dalaga.

"What's the play for?" Khione curiously asked.

"It's to entertain people with their acting skills, sometimes they perform opera. The play has variety of genres and I heard from the villagers that the famous genre is romance. Well, let's watch it to see if what their telling is true." Zachary explained to her and he can't hide his smile and excitement because he will be watching with the girl he is infatuated to.

"Ok, let's watch it."

Nilibot ni Zachary ang tingin niya sa paligid upang maghanap ng pansamantalang mauupuan habang hinihintay ang oras ng palabas.

"Let us go there." tinuro niya ang bench sa ilalim ng puno. Naglakad sila papunta doon at umupo habang hinihintay ang oras ng palabas, tinignan niya ang dalaga at nagulat nang mapansin na ubos na ang cotton candy na kabibili lang nila kanina samantalang siya ay hindi pa nakakagatan ang sa kanya. "You eat so fast, we just bought it a while ago and now you finished eating it already."

"It's because it's delicious. This is the first time that I ate something like this." paliwanag ng dalaga at natawa na lang ng mahina si Zachary dahil dito.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now