Chapter 25

276 15 3
                                    

"Congratulations to the Winterhold group who got the celestial essence, and because of that, your group will get 50 points. These points will help you get to the top. Let's celebrate for your victory." pag announce ng trainer namin dito sa dining hall.

Nagsipalakpakan ang lahat at isa-isa kaming binati maliban sa grupo nila Madison na masama ang tingin sa akin.

Hinayaan ko na lang sila at inenjoy ang sarili ko dahil ayaw kong masira ang araw ko dahil sa kanila.

"We did a great job Josephine." masayang sabi sa akin ni Richard at nakipag apir.

"Yes we did." nakangiting sabi ko sakanya.

Masayang masaya si Richard dahil sa pagkapanalo namin na halos makipag kulitan pa sa ibang grupo.

Nawala ang atensyon ko sakanya ng may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino ito and it is Tober.

"Miracle." he called then leaned towards me until our face were only inches away.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya at umatras ng kaunti hanggang sa may sapat na distansya sa pagitan naming dalawa.

"Ahm Tober I think_" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ko.

"Don't be afraid. I never asked you for an answer, I told you I will do anything to make you love me in my own way." kalmadong sabi niya at kumalas sa yakap. "Don't be afraid of me and don't run away from me, that's all I ask." nakangiting sabi niya habang hawak hawak ang parehong kamay ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo pa at nakangiti siya. Bihira mo pa man din siyang makikitang nakangiti dahil puro simangot o kaya walang emosyon ang makikita mo sa mukha niya araw araw.

I wanna treasure that smile of him.

"Look at you, you are so small and soft like a cat." pang aasar niya sakin habang ginugulo ang buhok ko.

"Hey, stop that!" pagsuway ko sakanya at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

Tumawa siya ng mahina at hinawakan ang baba ko.

"Miracle." biglang sumeryoso ang tono ng pananalita niya at tinignan ako sa mata. "Do you want to go out with me.........................on a date?" tanong niya sakin at taimtim na hinintay ang magiging sagot ko.

"Ahm Tober, I........I don't have experience in dating and also I_" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng patigilin niya ako.

"Shhh, you don't need to answer it now. Just think about it and I am willing to wait." nakangiting sabi niya habang nakadikit ang index finger niya sa labi ko.

"O-ok." nauutal na sabi ko at umiwas ng tingin.

Napatigil ang lahat sa pagsasalita ng may tumatakbong isang guard ng school papunta sa harap ng Head Master.

"Head Master!" hingal na hingal siya habang nakahawak sa tuhod niya.

"What is it?" nagtatakang tanong ng head master.

"Nandito po ang mga Noble council." hingal na sabi niya.

Gulat na gulat ang head master maski ang mga guro pati ang trainer dahil sa nireport ng guard.

Nagumpisa ring mag ingay dito sa loob ng dining hall dahil sa kaganapan.

"Why are they here?" tanong ng head master.

"Ang sabi po nila ay nandito sila para bumisita at makita ang mga representative ng bawat school." sagot ng guard habang nakayuko.

"Ok you may go now." sabi nito habang malalim ang iniisip. "Let's continue this celebration some other time." ma-awtoridad na sabi niya at naglakad paalis.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now