Chapter 32

304 16 1
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"They killed my parents, I will never forgive all of you!" ang sabi ni Miracle sa kanyang isipan habang pinapahirapan ang kanyang auntie at ang mga royal guards sa harapan niya.

Lingid sa kaalaman ni Miracle ay nakaabang na sa kanyang likuran ang kanyang pinsan na si Katie na may hawak na patalim, sinaksak nito ang tagiliran ng dalaga kaya napakawalan nito ang kanyang auntie at ang mga gwardya. Tinignan niya ang kanyang pinsan na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.

"W-why? Why did you do that?" nahihirapang sabi ng dalaga habang hawak hawak ang kanyang sugat at nakatingin sa kanyang pinsan na sumaksak sa kanyang tagiliran.

"Why? You are questioning me why?" naiinis na sabi nito at pumalakpak na parang nang aasar. "Hah! Let me tell you this, my dear cousin. Everyone is in your favor! You are more beautiful, more talented, and more powerful than me!" She fixed her dress before continuing.

"You have everything you want, and that makes me so envious of you!" sigaw niya habang tinitignan at pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay niya na parang isang baliw.

Humalakhak siya ng sobrang lakas at muling tumingin kay Miracle. "All I wish is that........." unti unti siyang naglalakad papalapit sa kanya. "....someday I will take over your place and thanks to my mom!" she chuckled. "She planned this whole thing for me." kitang kita sa mukha niya ang galit, inggit at pagkamuhi habang sinasabi kay Miracle ang bawat salita na nanggagaling sa bibig nito.

Hawak hawak parin ng dalaga ang tagiliran nito na puno ng dugo. Hindi niya alam kung bakit siya nanghihina, sinubukan niyang patigilin ang pagdugo nito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ngunit hindi niya magawa dahil sa wala na siyang lakas. Konti na lang ay mawawalan na siya ng malay ngunit pinipilit niya parin na hindi makatulog kaya wala na siyang lakas para kalabanin ang kanyang pinsan.

"Now, where was I?" sabi niya sa sarili na para bang nag-iisip. "Oh right! Since I already stabbed you and your parents are already dead, why not just kill you and reunite with them? That will make things easier, right?" sabi niya habang nilalaro ang patalim sa kanyang kamay. She gave Miracle an evil smile and continued walking towards her direction.

Nanggagalaiti sa galit ang dalaga dahil sa narinig, at dahil doon ay nawala ang kanyang pagkahilo. "You monster!" she made an ice spikes and threw it on her cousin's direction, it caught one of her arm. Lumabas ang dugo mula rito kaya nawala ang ngiti sa mga labi ng babae. Ginawa naman itong pagkakataon ni Miracle para tumakas, kahit hirap na hirap ay pinilit niya paring tumakbo, sinubukan siyang pigilan ng mga gwardya pero gumawa siya ng barrier na gawa sa ice para harangan ang mga ito.

Nakita ng magkakaibigan si Miracle na tumatakbo papalayo kaya sinundan nila ito, pinigilan din nila ang mga taong nagtatangkang pigilan sa pagtakas ang kanilang kaibigan.

Pinatulog ni Mandy ang mga gwardyang malapit sa kanya gamit ang kanyang halaman na naglalabas ng pampatulog na usok samantalang ang kanyang kakambal naman na si Mardy ay itinali ang mga gwardyang malapit sa kanya gamit ang kanyang vine plants. Sa kabilang banda naman ay nahuli si Miracle ng dalawang gwardya, hinawakan nito ang kanyang mga braso at hinila siya pabalik sa kinaroroonan ng kanyang pinsan at auntie na ngayon ay abot tenga ang ngiti pero hindi rin nagtagal iyon nang biglang matumba ang dalawang gwardyang nakahawak kay Miracle. Tinignan ng dalaga kung sino ang may gawa nito at nakita niya ang itim na usok na pabalik sa lalaking kinaroroonan nito.

"Richard." ang salitang lumabas sa kanyang mga labi habang nakatingin sa lalaking tumulong sa kanya.

Tumakbo si Richard papalapit sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit "Thank goodness you are ok." sabi nito sa dalaga. "Richard you're hurting me." mahinang sabi ni Miracle kaya agad kumalas sa yakap ang binata. "Oh I'm sorry, where does it hurt?" sabi nito habang hinahanap kung saan banda ang masakit kay Miracle, hanggang sa makita niya ang malalim na sugat nito sa tagiliran. "You're waist is bleeding!" agad agad niyang tinakpan ang sugat ni Miracle pero napasigaw lang ito sa sakit.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now