Chapter 29

286 19 7
                                    

"Bestie hindi ka ba talaga naiirita? Kanina pa yang babaeng yan kung makakapit kay Tober akala mo talaga kung magkarelasyon eh." naiinis na sabi sa akin ni Mandy dahil kanina pa dikit ng dikit si Juvia kay Tober. Sabagay nakakainis rin naman talaga kasi nagmumukha siyang tuko na kapit ng kapit akala mo naman kung mawawala si Tober.

Nandito kami ngayon sa dining hall at nagmemeryenda dahil sa nagyaya ang kambal na kanina pang nangungulit. Hindi rin naman namin inaasahan na dito namin makikita si Juvia.

"Tober I really miss you so much! Did you miss me too?" maarte na sabi niya. Kanina pa siya ganyan simula ng makita niya si Tober kahit na hindi naman siya pinapansin nito.

"Josephine I have something for you, I didn't have the chance to give this to you when we were in Peculiar that's why I will take this chance to give this to you now." tumingin ako kay Richard at may inabot siya sa aking bracelet na gawa sa perlas. Inabot niya ang kamay ko at isinuot ang perlas dito.

"What's this for?" tanong ko sa kanya.

"Nothing, I caught a lot of white pearls from the sea of jewels and then I think of you that's why I made this and gave this to you." he said while holding my hands.

"Mukhang mauunahan na ni Richard si Tober ah."

"Sinabi mo pa, ang kupad kasi ni Tober."

Rinig kong bulungan ni Layne at Mardy. Tinignan ko sa mga mata si Richard at kitang kita na masaya ito dahil sa naibigay na niya sa akin ang bracelet.

"It looks good on you." masayang sabi nito habang nakatingin sa kamay ko kung saan nakalagay ang bracelet.

"Thank you for this Richard, I'll accept it then." nakangiting sabi ko sakanya.


Hindi rin nagtagal ay nagkayayaan ng umalis sa dining hall dahil malapit nanaman ang oras ng klase.

Habulan, batuhan ng papel, kwentuhan at asaran ang nangyayari ngayon dito sa loob ng classroom dahil sa wala pa ang prof namin, kahit ang dalawang kambal ay nag aasaran din, si Layne naman ay kinukulit si Tober pero mukhang wala lang itong pake, siya lang talaga ang tahimik sa grupo namin.

Biglang tumahimik at nagsibalikan sa dating pwesto ang mga kaklase ko na ang ibig sabihin lang ay nandyan na ang prof namin. Bumukas ang pinto at pumasok si Professor Lowel na may kasamang isang babae na nakasuot rin ng uniform gaya ng sa amin. She has this innocent face and pale skin with her crimson hair and lips.

"Class, we have a new student here, she's from the Land of Macarov." pag-announce ng prof namin. "Please introduce yourself ija."

Tumingin sa direksyon ko yung babae pero mukhang hindi talaga sa akin. Lumingon ako sa likod at nandun si Tober.

No, she's not looking at me, she's looking at Tober. What's with this girl? Naaakit din ba siya kay Tober?

"Hello everyone, I'm Thalia Flame, the daughter of Hephaestus." pagpapakilala nito, nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko dahil sa narinig.

"Daughter of Hephaestus?"

"So does that mean that she's the daughter of one of the noble council who represents fire?"

Itinuro ng prof namin ang bakanteng upuan sa tabi ni Tober dahil sa ayaw nito ng may katabi pero dahil sa iyon na lang ang natitirang bakanteng upuan ay wala na siyang magagawa kundi hayaang umupo ang bago naming kaklase dito.





Buong araw akong tahimik at tulala dahil sa bagong estudyante hanggang sa matapos ang klase, parang may something sa kanya na hindi ko maintindihan.

Bumalik na ko sa room ko para makapagpahinga, sinalubong ako ni Dephlyn at Tophin saka kami humiga sa kama, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now