Chapter 6

619 24 0
                                    


"How is she?" narinig kong boses ng isang lalaki sa tabi ko.

"She's ok, for now."

"But nurse Jen, about her eyes, is it normal?" nag aalalang tanong ng isang lalaki.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko para makita kung sino yung dalawang nag uusap malapit sakin.

"I don't know Mr. Ortiz. First time ko lang makaencounter ng ganito." sagot nito.

Nakita ko si Tober na kausap si nurse Jen nang may pag aalala sa kanyang mukha.

"W-where am I?" pag storbo ko sa pag uusap nila.

"Miracle, how are you feeling right now? Are you ok? Do you need something?" sunod sunod na tanong niya dala ng pag aalala.

"Nothing, I'm ok now." umupo ako sa higaan at tinignan ang paligid ko, kulay puti ang nakikita ko sa paligid, lahat ng kagamitan dito sa loob ng silid ay kulay puti rin.

"Where am I?" I asked, di parin ako pamilyar sa paligid ko.

"Nandito ka sa clinic, diba papunta tayo dito kanina dahil sa mata mo, kaso bigla ka na lang natumba kaya binuhat na kita papunta dito." sagot ni Tober na hindi parin maalis ang pag aalala sa kanya mukha.

"Yeah, naalala ko yun. Argh!" hinawakan ko ang ulo ko dahil nakakaramdam nanaman ako ng sakit.

"Hey, are you ok? Where does it hurt?" hinawakan ni Tober ang magkabilaang sintido ko at hinilot ito.

"Ang sweet niyo naman. Bagay na bagay kayo, magkasintahan ba kayo?" tanong ni nurse Jen na kakarating lang dahil may kinuhang halamang gamot.

Agad kong tinanggal ang kamay ni Tober sa sintido ko at umayos ng upo.

"A-ah nurse Jen, nagkakamali po kayo hindi po kami magkasintahan." siniko ko si kuneho para tulungan akong mag explain sa nurse.

"Yeah, were just friends." walang emosyong sagot nito na kanina lang ay nag aalala.

"Talaga? Well kung ganon sayang naman, bagay pa naman kayong dalawa atyaka maganda at gwapo pa sana yung magiging anak niyo." nang aasar na sabi niya.

"Nurse Jen we are just friends tyaka pano naman napunta sa anak anak yan." sagot ko.

"Sinabi ko lang, totoo naman kasi eh." kinikilig niyang sabi na akala mo ay isang teenager pa lang.

"Oh siya, pumasok na kayong dalawa panigurado marami kayong namissed na mga klase. Siya nga pala Mr. Ortiz ipainom mo to kay Ms. Beaufort para mawala yung sakit ng ulo niya at ikaw naman Ms. Beaufort alagaan mo yang sarili mo, napakaganda mo pa namang dalaga." bilin niya saming dalawa.

Nagpaalam na kami sakanya at lumabas na ng clinic, inaalalayan parin ako ni Tober habang naglalakad sa hallway.

"Uhm Kune_ I mean Tober, I'm ok now and I can walk by myself." tinanggal ko ang pagkakaalalay niya sakin.

"Don't be so stubborn Miracle, aalalayan parin kita, mahirap na baka matumba ka nanaman." nag aalalang sabi niya at patuloy parin sa pag alalay sa akin.

"Kaya ko na nga." pagpupumiglas ko hanggang sa matumba ako.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, ang kulit mo kasi eh." inis na sabi niya at inalalayan akong tumayo.

"Eh sinabi na nga lang kasi na kaya ko diba!" sigaw ko sakanya pero parang wala siyang narinig at bigla na lang akong binuhat na parang bagong kasal.

"Tober! Put me down! I already said that I can walk by myself, you don't need to carry me!" pilit kong binababa ang sarili ako pero higit na mas malakas parin sakin si kuneho.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now