Chapter 31

344 22 6
                                    

Everything was just a mistake, from the day I met him to the day I fell in love with him. I shouldn't have let him into my heart, stupid Miracle! Another shed of tears fell from my eyes. One of the winter fairies wiped the tears for me. They are all worried and sad. I know they are worried about me, but what can I do? I'm hurt because of love, kung hindi ko lang sana hinayaan ang puso ko na mahulog sa Tober na yan, hindi sana ako masasaktan ng ganito.

Pinagmasdan ko ang paligid, napakalakas ng hangin at sobrang lakas ng pagbuhos ng nyebe mula sa langit, alam kong ako ang may gawa nito dahil sa nararamdaman ko pero hinayaan ko lang ito, siguro ay dahil sa ganitong paraan ko lang mailalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Meridel, you're here." biglang nanginig ang katawan ko nang makita ko si Tross sa harapan ko, hindi ko alam kung pano siya nakapunta dito pero bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko. Nagtago ang lahat ng winter fairies sa likod ko dahil sa takot, hindi ko rin naman sila masisisi dahil nakakatakot talaga ang presensya ni Tross, mararamdaman mo talaga na makapangyarihan siya.

"Stay away from me." matapang na sabi ko kahit deep inside ay nanginginig na ako sa takot.

"Why would I do that? This is my only chance to meet you_ wait, are you crying? What's the matter, who made you cry?" nag aalalang tanong niya sa akin at lumapit.

"I told you I'm not Meridel, please go away!" pagtataboy ko sa kanya.

"I won't leave you Meridel_"

"How many times do I have to tell you that I am not Meridel! My name is Miracle not Meridel!" sigaw ko sa kanya, at last nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na sigawan siya. Pero imbis na magalit siya dahil sinigawan ko siya ay ngumiti pa ito na ipinagtaka ko. "Why are you smiling?"

"Well, it's because you finally said your name." nakangiting sabi nito, hindi ko maipagkakaila na napakagwapo niya lalo pa ngayong nakangiti siya. Ano ba Josephine, umayos ka nga! Kalaban yan!

"W-well, then leave me alone!" nauutal na sabi ko dahil sa nadidistract ako sa ngiti niya. Kung titignan mo ay parang kasing edad niya lang si Tober pero hindi, dahil pinatulog siya ng ilang daang taon ng unang reyna na si Queen Meridel.

"No, I will never leave you alone." I can see from your eyes that you are not okay and you need someone to be your shoulder to cry on. " lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, dahan dahan niyang hinila ang ulo ko papunta sa balikat niya. Pinat niya ang ulo ko na para bang pinapakalma ako, dahil dito ay nagsimula nanamang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. Siguro nga kailangan ko talaga ng taong masasandalan ngayon.













"Are you sure you want to leave?" naiiyak na tanong sa akin ni Mandy.

"Yes, it's for the best. I want to clear my mind and when I'm done I will go back."

Pagkatapos ng nangyari kanina sa gubat ay naisipan ko munang umalis ng Winterhold at umuwi sa palasyo upang makapag isip isip. Lahat sila ay narito maliban kay Tober, inilagay ni Mardy at Richard ang mga gamit ko sa karwahe, sumunod namang sumakay ang dalawang alaga ko, gusto ko sana silang iwan ngunit ayaw nila at wala ring magbabantay sa kanila.

"Then this is a goodbye for now." matamlay na sabi ko sa kanila.

"You will come back right?" tanong ni Mandy habang umiiyak.

"Of course I will, there are still a lot of things that I want to learn." sagot ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit kaya lalo siyang napaiyak.

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan ang iba pa naming mga kaibigan. "We will wait for you." pinat ni Layne ang ulo ko at nginitian ako.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now