Chapter 21

313 23 7
                                    


"How's your face bitch? Pasalamat ka at hindi ako ang sumampal sayo, well ayaw ko namang madumihan ang kamay ko kaya pinaubaya na kita sa mga kaibigan ko." nilingon ko si Madison, tinitigan niya ako na para bang nandidiri sa akin na akala mo ay napakadumi ko. "Remember this, never ever flirt with my Tober again. You don't deserve him, you are just an elite and he is only MINE, got it?" Inemphasize niya pa talaga yung word na mine.

"You know what Madison, I don't know what you're talking about. Tober is my colleague and if you have a problem with that then that is your problem. Now, may you excuse me? I don't want to waste my time here arguing with you." walang ganang sabi ko sakanya at maglalakad na sana paalis nang hilain niya ang buhok ko at itinulak ako na dahilan ng pagkatumba ko at pagka untog ng pwet ko sa sahig.

Oh please! I don't want anymore trouble.

I stand up and glared at her.

"Can you please stop this nonsense and let me go!" naiinis na sabi ko sakanya pero hindi siya nagsalita pa at walang pasabing hinila ulit ang buhok ko. Pero syempre hindi ako nagpatalo sakanya kaya hinila ko rin ang buhok niya at sinuntok siya sa mukha, may lumabas na dugo sa ilong niya kaya lalo siyang nagalit at sinugod ako pero hindi na ako nagsayang ng oras at sinuntok siya sa tyan na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig at pag iyak.

"H-how dare you!" nahihirapang sabi niya habang nakahiga sa sahig at nakahawak sa tyan niyang sinuntok ko.

"You deserve that." walang ganang sabi ko pero hindi ako nakagalaw nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Tober sa likod ko.

"What happened here?!" galit na sabi niya.

Lumingon ako sakanya at kitang kita ko ang galit sa mukha niya dahil sa nakitang nangyari dito sa hallway.

"Tober help me_this girl, she punch me, and look she also ruined my beautiful face!" pag aarte niya.

"Is that true Miracle?" halos hindi ako makagalaw dahil sa nakakatakot na boses ni Tober.

"I-I_" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang pinutol ako ni Madison.

"See, she's guilty! She can't even say a single word properly!"

"No!_It's not my fault." pagtatanggol ko sa sarili ko at tinignan si Tober pero galit itong nakatingin sa akin.

"Stop it now Miracle, how can you do this? You hurt her!" galit na sabi niya sakin.

"I didn't mean it Tober, she started it." pilit kong pinagtatanggol ang sarili ko.

Hindi ko naman kasalanan ah, bakit ako pa ang nagmukhang masama?

"Stop lying Miracle, I already saw what happened." seryosong sabi niya sakin at binuhat si Madison.

Binigyan naman ako ng nakalolokong ngiti ni Madison na animo'y siya ang nanalo.

"But I_fine! If you don't believe me then fine!" galit na sabi ko sakanya at nag lakad na paalis.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang hindi ako paniwalaan ni Tober at mas pinili niyang paniwalaan ang impaktang si Madison.

Bakit ganun? Kanina lang nag aalala siya sakin sa room dahil sa pisngi ko tapos ngayon galit na siya sakin. Kung alam lang niya na si Madison at ang mga kaibigan niya ang may gawa nito sa akin.

Bigla na lang tumulo ang luha ko nang di ko namamalayan.

"That bastard. Mag sama kayong dalawa! Isang sinungaling at isang uto-uto!"

***

Buong araw kong hindi pinansin at iniwasan si Tober dahil sa nangyari, nagtataka rin si Richard dahil sa weird na kinikilos naming dalawa.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now