Chapter 13

358 26 0
                                    

Mahigit tatlong oras ang nilakad namin ng makarating kami sa Marden village, ang pinakamaliit na lugar ng mga mundanes o ang mga normal na tao. Maliit man ang lugar nila pero nangunguna sila sa mga makina, malalaki man o maliliit. Sakanila rin nanggaling ang mga cellphone na ginagamit namin, pero hindi pa ganun kaayos kasi message at tawag lang kaya nitong gawin.

Kung idedescribe ko ang Marden, isa itong tahimik na lugar hindi katulad sa Atlanta na laging live ang atmosphere. Nakasara ang mga pintuan maging ang mga bintana, kakaunti rin ang mga mundanes na nasa labas. Tila ba parang may kinakatakutan sila dito sa labas, nagtanung tanong kami upang makahanap ng pansamantalang matutuluyan pero ni isa sakanila hindi man lang kami pinansin. Hanggang sa may mapang tanungan akong isang ale na medyo may katandaan na.

"Ahm hello po, pwede po bang magtanong?" tanong ko, nagaalangan pa siya kung kakausapin ba niya ako o hindi pero sa huli nagsalita rin ito.

"Ano iyon?" pabulong niyang tanong sakin.

"Galing po kami sa Atlanta, naghahanap po kasi kami ng mga kasama ko ng matutuluyan. May alam po ba kayong pwedeng pagtuluyan dito?" tanong ko, pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Umalis na kayo dito! Papatayin nila kayo pag nakita nila kayo!" pagalit na sabi niya sakin. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso kong mahigpit ang pagkakahawak.

"Hindi po kami aalis dito, nandito kami para tumulong kaya kung gusto nila kaming patayin lalaban kami." pagmamatigas ko.

Nagulat siya sa sinabi ko at umiling iling. "Makulit ka ring bata ka, huwag mo sasabihin sakin na hindi kita binalaan." she sighed. "May alam akong pwede niyong matutuluyan, may pinapaupahan ang pamangkin ko na bahay malapit dito, tawagin mo na ang mga kasama mo para makapunta na tayo kaagad dun, baka mahuli pa tayo kapag pabagal bagal kayo." sabi niya.

Agad kong tinawag ang mga kasama ko at si Tophin saka kami sumunod sa ale at totoo nga ang sinabi niyang malapit lang dito ang bahay na pinapaupahan ng pamangkin niya, umalis na siya kaagad pagkahatid niya sa amin dahil may aasikasuhin pa raw siya.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay, hindi ito ganun kalaki at medyo luma na rin ang mga gamit pero ok lang mukhang kasya naman kaming lahat dito.

"Pasensya na kayo, hindi pa namin nalilinisan itong bahay, ngayon lang kasi may uupa dito eh. Ako nga pala si Mona pamangkin ako ni Tita Ern." pagpapakilala niya sa amin, mukhang bata pa siya siguro kasing edad lang namin.

Napatingin kaming lahat kay Juvia nang mag reklamo siya. "This place is dirty, yuck! I don't wa_" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit si Blake.

"_don't mind her, this place is ok, kasya naman kami dito. By the way I'm Blake, and these are my colleagues. This guy beside me is Mardy, that lady with red hair is Juvia, and that lady over there with white hair_" pagturo niya sakin. "_is Josephine, those two guys beside her is Richard and Tober." pagpapakilala niya samin. "Magkano pala ang babayaran namin?" tanong niya.

"Dalawang pilak lang tutal maliit lang itong bahay." sagot ni Mona. "Tigrus? T-teka, alaga niyo ba yang halimaw na yan?" gulat na tanong niya samin.

"Oh that? Yes, his name is Tophin, Josephine's pet. Don't worry his gentle." paliwanag ni Richard. "How many rooms does this house have?" tanong niya.

"Isang kwarto lang ang meron at dalawang kama." sagot niya.

"Sa kama na lang yung dalawang babae tapos sa papag tayo, mga lalaki naman tayo eh." sabi ni Mardy.

"Right, we can endure it and it's just for 4 nights only." pagsang ayon ni Richard kay Mardy.

"Oh sige maiwan ko na kayo marami pa akong aasikasuhin sa bahay, kayo na ang bahala dito ah." pagpapaalam niya sa amin.

Pagkaalis niya ay tinignan kami ng masama ni Juvia.

"I can't stay here! Look, this house is really dirty! What if I get sick because of these dirts!" reklamo niya pero nakayakap naman kay Tober.

"Lilinisan naman natin to eh, and besides wala na tayong choice. Nandito tayo para tapusin ang misyon natin kaya imbis na magreklamo ka diyan, mag umpisa ka ng maglinis." inis na sabi sakanya ni Mardy pero tinignan lang siya ng masama nito.

"What if we used our abilities to make our work easier?" I suggested.

"That's a brilliant idea! Well I can manipulate the sands as well as the dirts, and you can use your water ability." tuwang sabi ni Blake. "Mardy's ability can grow plants here inside of the house to make it look good, but I don't think Tober's ability can help clean this house."

"Ireserve na lang niya yun mamayang gabi para may magamit tayong apoy pang luto mamaya, atyaka para may pang ilaw rin tayo." sagot ni Mardy.

"And how about these two? Richard and Juvia?" biglang tanong ni Tober, bihira lang siyang magsalita kaya nakakagulat na nagsalita siya ngayon.

"Ay oo nga, kayong dalawa hindi pa namin alam kung anong ability niyo." sabi ni Mardy.

Kaya nga, ano kayang ability ng dalawang to? Matagal ko ng nakakasama si Richard pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang ability niya.

"Kahit malaman niyo ang ability ko hindi parin ako tutulong maglinis no." maarteng sabi Juvia samantalang si Richard naman ay tahimik sa gilid.

May tinatago ba siya samin?

"Gusto lang namin malaman, ang arte mo talaga." inis na sabi ni Mardy.

"Hindi ako maarte no!"

"Sabihin mo na lang kasi kung ano yang ability mo! Dami pang arte eh!"

"Oo na, physical mutation ang ability ko. Ayan oh!" naasar na sabi ni Juvia at ipinakita ang kamay niyang naghugis ahas.

"Sasabihin mo rin pala, ang dami pa kasing arte!" patuloy na nagbabangayan parin ang dalawa hanggang sa may tumamang apoy sa gitna nilang dalawa kaya napatigil sila.

"You're noisy." walang ganang sabi ni Tober.

"Now it's your turn Richard, what's your ability?" Blake asked.

"It's not that important, let's just start cleaning this house." he said changing the topic.

"We just want to know what's your ability." I said, naku-curious kasi talaga ako kung anong ability niya.

Huminga muna siya ng malalim bago ipinosisyon ang mga kamay niya, may unti unting lumalabas na itim na usok sa mga palad niya at kumakalat sa paligid. Nalanta ang mga halaman ni Mardy ng madaanan ito ng usok ni Richard.

"Wait, is that_" gulat akong napatingin sakanya, well actually lahat kami.

"Yes it is_dark smoke is my ability." he deeply whispered and look down. "I am the son of Ragnar Darktross."

"So it means you're a_" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinagot na niya agad ang tanong ko.

"Yes, I am one of them."

---

So ayan na-update ko na rin sawakas!

Ano kayang mangyayari matapos ang pag amin ni Richard na isa siyang Darktross?
Abangan sa next chapter!

Sana magustuhan niyo! And don't forget to vote.

"Just love mga KABONAK! 😊"

KillerKnight

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now