Chapter 35

211 18 3
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula noong mangyari ang insidente sa garden, tuloy parin kaming dalawa ni Zachary sa pagtetraining ngunit nandun parin yung awkwardness sa aming dalawa. Mag iisang linggo na ako dito sa Black Kingdom at pilit ko parin siyang iniiwasan pagkatapos ng training namin, pakiramdam ko ay parang bumabagal ang oras sa tuwing kasama ko siya and that is not a good thing, saka lang ako nakakahinga ng maluwag sa tuwing tinatawag siya ng hari upang may ipagawa.

Papunta ako ngayon sa loob ng gubat upang mag hunt ng mga wild beast, dahil nalaman ko sa isa sa mga babaeng servant nila na marami daw pagala galang wildbeast sa kagubatan. Dala dala ko ngayon ang pana na ginamit noon ni Zachary at dagger upang may magamit ako sa paghahunting.

The moment I entered inside the forest, I already felt the danger radiating from it pero binalewala ko ito at nagpatuloy parin sa pag lalakad. Nang makahanap ako ng puno na pagpupwestuhan ay agad akong umakyat at inayos ang gamit ko, tahimik lang akong naghihintay sa mga wild beast na gagala malapit sa pwesto ko.

I became alert when I heard footsteps coming from behind the bushes, and base from the sound of it you will know that it is a very huge beast. Kinuha ko kaagad ang pana kong nakapatong sa sanga ng puno at itinutok sa direksyon kung nasaan ko narinig ang mga footsteps kanina.

Alerto lang akong nakatutok habang hinihintay ang wild beast na lumabas dito. Inayos ko ang pag aim ko ng pana nang makita kong lumabas ang isang malaking oso, hindi ito isang ordinaryong oso lang dahil may malalaki itong tinik sa likod.

Agad kong pinakawalan ang bala ng pana bago pa umalis ang oso pero hindi ito bumaon sa balat nito, isang malakas na ingay ang pinakawala nito at hinanap kung nasaan nanggaling ang pana.

Nang makita niya kung nasaan ako ay agad itong lumusob sa direksyon ko, binunggo niya ang sarili niya sa puno na naging dahilan ng pagshake nito, kumapit ako ng mahigpit sa sanga upang hindi malaglag. Patuloy parin sa pagbunggo ang oso hanggang sa unti unting natutumba ang puno kaya mabilis akong tumalon mula rito at tumakbo, pero napansin agad ako ng oso kaya mabilis ako nitong hinabol. Sinubukan ko siyang gawing yelo habang tumatakbo pero walang nangyari, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nagpakawala ako ng ice spikes sa direksyon niya upang patamaan siya pero bigla na lang itong natunaw pagkadikit sa kanya, doon ko lang napansin na hindi gumagana sa kanya ang ability ko because the beast can nullify abilities.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapatid ako sa isang ugat ng puno at nabitawan ang mga gamit ko, tatayo na sana ako nang bigla akong makaramdam ng kirot sa paanan ko, may malaking hiwa ito at dumudugo. Sinubukan kong gumapang upang makalayo ngunit naabutan ako ng oso.

The bear was already on top of me and it roared on my face. I tried to reach the arrow on my side but I failed, nilapit ng oso ang malalaki at matutulis na ipin nito sa akin at handa na kong sakmalin kaya pinilit ko paring abutin ang arrow bago niya ko makain. Nang maabot ko ang dulo ng arrow ay dali dali ko itong itinusok sa mata ng oso since it is the most soft and fragile part of it. A loud roar came out from its mouth at mas lalo pa itong nagalit, kaya agad kong kinuha ang dagger sa mga gamit ko at tumakbo papunta sa oso, sumugod rin ito pasalubong sa akin at sinubukan akong abutin gamit ang malalaki nitong kamay at kuko.

Ginawa kong yelo ang tinatapakan ko at nagpadulas papunta sa ilalim ng oso, isinaksak ko ang dagger sa tyan nito at inislide upang makagawa ng malaking hiwa. Agad na natumba ang oso at nawalan ng buhay, hindi pa ito nagtatapos dito dahil nakadagan ito sa akin. Nagform ako ng ice sa gilid ko upang maiangat ito at makaalis ako sa ilalim.

Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad na paalis bago pa ko maabutan ng iba pang wild beast dito sa loob ng gubat. Hirap ako sa paglalakad dahil sa malaking sugat ko sa paa, maging sa mga braso ko ay may maliliit rin na sugat, hindi ko ito napansin kanina dahil sa mas nangingibabaw ang sakit sa may paa ko.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now