Special Chapter: Midnight Ball

501 29 1
                                    

This is a special chapter kaya asahan niyo na mahaba haba itong chapter na to.

---

"Ano ba besty! Umayos ka nga, hindi ko malagyan ng maayos yang mata mo!" sermon niya sa akin habang minemake-pan ako.

"Bakit pa kasi kailangan ng make up ha? Sinabi na kasing ayaw ko eh." pagrereklamo ko sakanya.

"Eh sa pandagdag nga sa beauty ang make-up, anong gusto mo, titigil ka sa pagrereklamo o sasa_" I cut her off. "Yeah yeah yeah, I know wag mo na ko bantaan. Bilisan mo na lang at nangangalay na ko." I said, ayaw ko naman talaga eh kaso mapilit siya.

Paano niya ako napapayag? Well ganito kasi yun. Naglalunch ako kanina sa cafeteria nang bigla niya akong inistorbo at hinila papunta dito sa kwarto niya.

"Ano bang problema mo? Kita mong kumakain ako tapos bigla mo na lang ako hihilain papunta dito." inis na sabi ko sakanya.

"Anong oras na aber, mag-aayos pa tayo." nakapameywang niyang sabi.

"1:30 pa lang ah, mamayang 7 pa yung Ball." tinuro ko ang wall clock sa may kwarto niya para ipakita kung anong oras pa lang.

"Syempre kailangan maaga tayo, magmemake-up pa noh_don't tell me hindi ka marunong magmake-up." hindi makapaniwala niyang sabi.

"Marunong lang akong maglagay ng lipstick pero kapag buong mukha_hindi na." I murmured.

"Sinasabi ko na nga ba eh, oh sige ako na mag aayos sayo."

"No need, ayaw ko magmake-up." tumayo na ko at lalabas na sana nang pigilan ako ni Mandy at pinaupo sa harap ng vanity.

"Magpapamake-up ka o sasabihin ko sa lahat ng lalaking gusto kang isayaw na pumapayag kana sa hiling nila. Tignan lang natin kung hindi sumakit yang paa mo kakasayaw mamaya sa ball." pagbabanta niya kaya wala na kong nagawa kundi ang pumayag at mag palit ng robe.

Mahirap talagang humindi kay Mandy, she's such a spoiled brat.

Mahigit isang oras ang nakalipas nang matapos niya akong ayusan.

I looked at myself in the mirror. I have this Bohemian waves half updo hairstyle, soft blue smokey eye makeup look, and peach lipstick on my lips na bagay sa porcelain skin ko.

"Wow." that's all I can say for now, ngayon lang naman ako namake-upan eh bukod sa nude beige lipstick na nilalagay ko sa labi ko.

"Sabi ko na nga ba besty eh, lalo kang gumanda oh. Baka mamaya pag agawan ka na ng mga boys sa Ball." pang aasar niya sakin.

"Nah, stop teasing me Mandy."

"Siya nga pala besty, I'm just wondering bakit lagi mong tinatakpan ng nude beige lipstick yang red lips mo?" she asked. "Siguro ayaw mong may maakit na lalaki diyan sa labi mo." pang aasar niya sakin, I glared at her but she just laugh.

Kinuha ko na yung gown sa mannequin at pumuntang banyo para magbihis.

Paglabas ko ay nakatulalang Mandy ang bumungad sakin.

"What?" I asked.

"Sinasabi ko sayo besty, talagang pagkakaguluhan ka ng mga lalaki mamaya. Did you know that you looked like a goddess? Ngayon pa lang, sinungaling na yung taong magsasabi sayo na pangit ka." she said and looked at me from head to toe.

"Nah, your just over reacting Mandy. I'm not that pretty." I said and sat at the bed. "Mag ayos kana rin, baka abutin ka pa ng hating gabi bago ka matapos."

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now