Chapter 5

637 29 1
                                    


Buong klase akong tulala dahil sa nangyari kagabi. Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi niya.

I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.
I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.
I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch dito sa Cafeteria at alam kong kanina pa siya nakatingin sakin.

"Besty, bat ang tahimik mo ata ngayon."

"Ano ka ba kambal, tahimik naman talaga yang si Josephine ah." sabay akbay niya kay Mandy.

"Ano ba Mardy, iba kasi yung talagang tahimik na Josephine sa sobrang tahimik na Josephine." tinanggal niya ang pagkaakbay ni Mardy sakanya.

"Huh? Diba pareho lang yun?"

"Ah basta, di mo kasi siya gaanong nakakasama eh. Si Layne na lang kulitin mo, chupi!" pagtataboy niya kay Mardy.

"Layne! Tinataboy na ko ng kakambal ko oh. " para siyang batang nagsusumbong kay Layne.

"So ano nga bestie bakit ang tahimik mo?"

Bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Wala."

"Sigurado ka?" nag aalalang tanong niya sakin.

Kung alam mo lang Mandy.

"Oo." Nginitian ko na lang siya para di na siya mangulit.

"Siya nga pala Tober, saan ka nagpunta kahapon? Bigla kang nawala sa cafeteria eh." narinig kong tanong ni Layne sakanya.

"Wala nagpahangin lang." maikling sagot nito.

"Weh? May nakakita daw sayo sa library. Baka naman sinusundan mo si Josephine. Ayiee! Baka may lihim kang pagtingin sakanya ah." pang aasar ni Mardy sakanya.

Tinignan siya ng masama nito para tumigil na siya sa pang aasar. Pero imbis na matakot siya ay mas inasar pa niya ito.

Maya maya lang ay isa isang tinignan ni Tober sila Mandy at parang naintindihan naman nila ito, isa isa silang tumayo sa upuan nila at tumingin sakin.

"Ahm Josephine, mauna na kami ni kambal, may nakalimutan kasi kami sa training room so see you later?" paalam niya sa akin sabay hila kay Mardy.

"Ako rin Josephine, Tober, mauna na ko, gagawin ko pa kasi yung pinapagawa ng Professor natin kanina." paalam naman ni Layne sabay alis hanggang sa kami na lang ni Tober ang natira.

"Eto ba yung sinabi mo na kakausapin mo sila?" tanong ko sa kanya, dahil napansin ko na agad na eto yung plano niya.

"Yes." maikling sagot niya.

"Then what's purpose for doing this?" tanong ko ulit pero hindi siya nag salita at kumain na lang. "It's if you don't want to answer me." sabi ko sa kanya itinuloy ang pagkain ko.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa bigla siyang nagsalita. "What are you doing in the library?" tanong niya sakin.

"Reading books of course, what a lame question." I answered and rolled my eyes. "How about you? What are you doing in the library? Mukhang di ka naman nagbabasa." tanong ko sa kanya.

"Following you." mabilis na sagot niya na ikinagulat ko. Agad akong nakaramdam ng hiya kaya tumayo na ko sa kinauupuan ko at umalis ng di nag papaalam.

Naglakad lakad ako sa hallway at nadaanan ko ang music room. Nacurious ako sa laman nun sa loob kaya pumasok ako.

There are lots of intsruments here but the thing that caught my attention is the piano. I walked towards it and started to play the song that I love.

Wow, ang tagal na bago ko ulit naplay ang song na to.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now