CHAPTER 39

1.2K 69 7
                                    


(Nicole's POV)

"Saan niyo ba talaga ako dadalhin?" Nicole held the knot to untie the handkerchief to her eyes, pero tinapik ni Tiffany ang kamay niya. Napilitan tuloy siyang wag ng hawakan ang tali ng panyo.

She rubbed her hands. Ang sakit ng tapik ni Tiffany eh.

"Wag mo munang alisin."

Nicole smiled. Na-i-imagine niya na ang mukha ni Tiffany kapag naiinis. She was just teasing Tiff. Hindi naman talaga niya balak na alisin ang blindfold niya. Pero ang dali din nitong pikunin minsan.

"Babe. Be patient!"

She heard Frenzy. She whipped her head to the direction of Frenzy's voice. Andito din pala ito. Wala sa sariling napangiti siya. Ano kayang binabalak ng mga ito?

"So are you ready?" Tiffany untied the ribbon. Nicole felt if loosening.

Marahan siyang tumango. Pagkatapos nun ay tuluyan na ngang inalis ni Tiffany ang blindfold.

"Tada!"

Nanlaki ang mga mata ni Nicole ng makita ang malaking tarpaulin na may nakalagay na cogratulations. Then her eyebrows forruwed. Anong kalokohan ng mga kaibigan niya? Congratulations para saan?

Binalingan niya ng nag tatakang tingin sina Frenzy, Tiffany, Candice at Mellisa. Even Rachelle is there pero hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil wala si Cas. Inuwi agad ito ni ate Momo at ng kuya nito sa probinsiya. Ni hindi man lang siya nakapag paalam but she will surely talk to Cas and ask her to forgive her for what she did and what she said the other week.

Nalulungkot pa rin siya sa tuwing maaalala na natalo sila but she knows na hindi iyon sinasadya ni Cas. Maaaring na-distract lang din talaga ito at may problema ang kaibigan niya.

Bumalik lang siya sa kasalukuyan ng nag sitawanan ang mga kasama niya Napipikon naman na lalong kumunot ang noo niya.

"Congratulations for what?"

Walang kumibo sa mga ito. They just smiled at her. Candice giggled. Umangat ang gilid ng labi ni Nicole. Napailing din siya sa mga ito. Lumaki na ang barkadahan nila, kahit wala si Yuri. Siguradong matutuwa ito kapag nalaman iyon.

Frenzy slowly walked towards her. Pati na din si Tiffany.

She smiled at Frenzy. Ano na naman bang pakulo ito? Knowing Frenzy and Tiffany siguradong meron na namang conspiracy sa pagitan ng dalawa. But she loves that Frenzy always makes her smile.

"Babe."

Nicole properly faced Frenzy. Pinigilan niyang ngumiti dahil ang cute ng pamumula ng pisngi nito habang nakatingala sa kanya.

"Pag ibig nga kaya? Pareho ang nadarama. Ito ba ang simula. Pag ibig nga ito oh whoah!"

Sabay na bumaling ang tingin nila kay Mellissa ng kantahin nito iyon. Nag sitawanan naman ang mga kasamahan nila. Nicole can't help but smile too. Nakakabwisit minsan yung kaibigan mo na mag i-interrupt ng seryosong moment. Mukha kasing papatayin na ni Frenzy si Mellisa sa uri ng titig na binigay dito ng huli.

"Don't mind her." Nicole grabbed Frenzy's chin and made her look at her. "Anong sasabihin mo?"

"Well......pumikit ka muna babe."

"What? Pikit na naman?" Nicole said. "Eh tinalian niyo na nga ang mata ko ng blindfold."

Akala niya pa nga kanina ay sa magandang lugar o sa malayong lugar siya dinala ng mga kaibigan niya. But it turned out na dito lang pala sila sa bahay nina Tiffany. Sa likod ng mga ito kung saan ay may maliit na garden ang mama nito. Mukhang dinicorate ng mga kaibigan niya ang buong paligid. Ang sloppy kasi ng pag kakadikit ng mga ito sa bawat letters na nakalagay sa congratulations. But she appreciates it all.

"Sige na. Last na 'to." Frenzy said.

"Pag ito kalokohan ha? Lagot ka talaga sakin Tiff." Ibinaling niya ang tingin sa kaibigan.

Nagkibit balikat lang si Tiffany sa sinabi niya. Mukhang nawawala na ata ang powers niya sa pag babanta. Hindi na siya sini-seryoso ng kaibigan. Nakasimangot na pumikit siya.

"Ate Tiff. Do the horror."

Nakarinig siya ng hagikgikan sa paligid niya. Kaya naman agad siyang nag mulat at itutulak sana palayo si Tiffany na nakanguso pa habang papalapit sa kanya. She took a step back and glared at Tiff. From the corner of her eyes ay nakita niyang nakatayo na sa gilid si Frenzy.

Hinawakan ni Tiffany ang tiyan nit at tumawa ng tumawa sa harap niya. Pinigilan lang ni Nicole na umirap.

"You are all enjoying teasing me."

"I'm just kidding Nics." Tiffany puts a hand to her mouth to stop herself from giggling again. "Ang totoo niyan. Alam ko kung gaano kahalaga sayo na manalo tayo sa cheerleading competition. Sinisisi din ni Cas ang sarili niya, but we got a deal for you."

Lumaki ang mga mata ni Nicole ng ilabas ni Tiffany mula sa likod nito ang isang sobreng puti. She looked from Frenzy to everyone around her. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon mula kay Tiffany.

"C-Can I open this?"

Tumango tango si Tiffany.

"Congratulations Nics." Rachelle gave her a thumbs up.

"Congrats babe." Frenzy smiled at her. In fact, everyone of her friends is smiling at her.

"Go on. Buksan mo na Nics." Tiffany looked at the white envelope she was holding.

Kung tama nga ang hinala ni Nicole. It's the one thing she wants all this time. She ripped the envelope open. Nanginginig pa rin ang kamay niya sa pag kuha ng letter sa loob nun. Agad niyang binuksan ang sulat. The first thing she sees is the title. Admission to be an exhange foreign scholar is accepted.

Inangat niya ang tingin mula sa binabasang papel. Her friends are all smiling at her. Ibinaling niya ang tingin kay Tiffany. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. She was so thankful that she has this kind of friends in her life.

Bumalong ang luha sa mga mata niya. Her heart is filled with warmth. Ano bang ginawa niya sa past life niya para mabigyan ng mga kaibigan na ganito? Kahit silang dalawa ang madalas mag away. Tiffany proved herself to be a very good friend. Madalas naman talaga ay siya ang nang aaway sa kaibigan dahil napaka daldal nito at kung minsan ay pakialamera din sa buhay niya, but she doesn't know how she got up everyday to face the world kung hindi siya ini-encourage ni Tiff at ni Cas.

"Thank you, Tiff!" She extended her arms to hug Tiffany. "Thank you! Thank you so much!"

"You're welcome Nics."

"Group hug!" Nakisali din si Frenzy sa yakapan na yun. Nicole engulp Frenzy in her arms. Their friends also did the same.

"Pwede ng makatsansing!" Mellissa said that then hugged Tiffany's back. Nicole threw her head back laughing. Naging riot ang yakapan dahil kung saan saan na nakarating ang kamay ni Mellisa kay Tiffany.

In the end they decided to let go. Pagkatapos nilang mag bitaw bitaw ay tumawa sila ng tumawa ng makitang nag hahabulan ng parang aso at pusa sina Mellissa at Tiff.

"I'm glad you are happy babe." Frenzy sat next to her.

"Thank you sa effort niyo ni Tiff."

"I will always support you, babe. Tuparin mo ang pangarap mo sa America at tutuparin ko ang pangarap ko dito sa Pilipinas. By that time. 21 years old na ako. Baka pwede na tayo nun. Hindi mo na sasabihing hindi ka napatol sa bata."

Then Frenzy gave her that all too familiar wink. Nicole can't help but smile. "Promise."

Chasing Nicollete Jung - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon