Chapter 25

1.7K 77 5
                                    

A/N: Happy pride month! Ito po ang regalo ko sa mga readers ko. 3 chapters update. Tatlo para sa I love you @CarmelaMendoza1981. 😉 Baby. Thank you. Ikaw ang inspiration ko sa pag susulat. 😍

---------------

(Nicole's POV)

Nicole can't help but stare at Frenzy. Hindi niya alam kung totoo bang nagugustuhan niya na ito. But she really felt happy being with the girl.

"Uy babe matunaw ako."

Natawa na naman siya sa sinabi ni Frenzy. Kanina niya pa nga ito pinag mamasdan at mukhang dinadaan na lang ng dalaga sa biro ang pag kailang. Saan na naman kaya nito nakuha ang self confidence para magbiro ng ganun sa kanya? Should she make Frenzy remember the kiss? A playful smile grazed her lips.

Lalo lang namula ang mukha at tenga ni Frenzy sa ginawa niya.

"Naku ang lalaki ng langgam!"

She threw Mellisa a smile. Kanina pa nito iniinis si Frenzy. Mukhang napipikon na din ang huli dito.

"Shut up Fajardo!" Tumayo si Frenzy at inilahad ang kamay sa kanya. "Tara na babe. Iwan na natin yung dakilang thirdwheel."

"W-What did you say?" Nanlaki ang mga mata ni Mellisa sa sinabi ng kaibigan. Exagerrated itong napahawak sa dibdib na tila nasasaktan. "Wait till I have my own boyfriend or girlfriend. Baka ma miss mo ang presensiya ko bestfriend."

Nicole was even surprised that Mellisa doesn't label herself. Ibang klase din ang kaibigan ni Frenzy. Kaya siguro nakakatagal ito sa kasungitan nitong huli.

Nicole saw Tiffany hold the laughter in. Maging si Kevin ay pigil pigil din ang tawa sa palitan ng tingin ng mag kaibigan. Kakatapos lang nila kumain at ngayon nga ay nag papahinga muna sila bago sumakay ulit ng mga rides.

"Tara na nga kasi babe!" Frenzy pouted in her adoring ways. Natatawang tumayo na siya at inabot ang kamay nito. Lalo silang inulan ng tukso mula sa mga kasama. Lalo lang siya natawa ng hilain siya ni Frenzy. Tawa sila ng tawang dalawa habang tumatakbo palayo kina Mellisa.

-----------------------------------

Marami pa silang rides na napuntahan ni Frenzy pero ayaw pa nitong sumakay sa ferris wheel dahil daw mas maganda iyon kapag sa gabi. Kaya naman ng gumabi na ay pumila silang dalawa. Wala na din sa wakas ang mga panira ng date nila ni Frenzy. Masosolo na din niya ito. Sa naisip ay napangiti siya. 

Napatingin pa siya sa likod nito while Frenzy is looking at the big wheel turning at the side. Frenzy is really tall, kumpara sa ibang kabataan na kasabay nitong nakapila.

Napakunot noo siya. Napansin niya kasi sa unahan ang isang grupo ng mga kalalakihan sa unahan. Nag tuturuan pa ang apat na para bang sinasabi sa isa't isa kung sino ang mauunang mag pakilala. Itinuturo pa ng mga ito si Frenzy na wala namang kaalam alam sa nangyayari. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa malaking ferris wheel at kung minsan ay lilingon sa kanya para ngumiti. Her protective instinct kicked in.

Hinapit niya ito sa bewang at inilagay niya ang mukha sa balikat nito. Ramdam niya ang pag kagulat ni Frenzy sa biglang pag lingon nito sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata ng dalagita ng muntik ng mag tama ang mga labi nila. It was only a breath away. Automatikong bumaba ang mga mata niya sa mapula nitong labi.

Then she remembered the kiss they shared. How soft Frenzy's lips are. What she felt during that kiss. Nag simulang kumabog ang dibdib niya. Her heartbeat started beating soft then it became louder until she can't hear anything else. Lumamlam ang mga mata niya.

"B-Babe?"

Oh my... Napatayo siyang bigla ng tuwid at iniwas ang tingin dito. Ayaw kumalma ng puso niya. Wala sa sariling napahawak siya doon at pilit na umiiwas ng tingin dito. Bata lang dapat ang turing niya dito. Pero bakit ayaw mag paawat ng puso niya sa pag tibok? Pag nag patuloy pa ito ay mabibingi na talaga siya.

Nakahinga siya ng maluwag ng sila na ang susunod sa pila. Hindi niya na kailangang mag paliwanag kung bakit niya ginawa yung kanina.

Tila nailang naman ito sa kanya. Mapula din ang buong mukha at leeg nito. Agad itong tumalikod at hindi siya inaantay. Napahabol tuloy siya dito. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Frenzy. She felt that familiar jolt in her hand. 

"W-Wait."

Napatingin ito sa kamay nilang mag kahawak. Tila napasong binitawan niya iyon. "S-Sorry kanina. Y-Yung mga lalake kasi nakatingin sayo. I just feel the need to protect you."

Hindi niya na maiwasang hindi iyon sabihin dito. Baka kasi lagyan nito ng kulay ang ginawa niya kanina.

"Bilis bilis na po. Marami pa pong nakapila."

Napakunot noo na nilingon nilang dalawa ni Frenzy ang nag o-operate ng machine. Mukhang kanina pa sila nito inaantay na sumakay.  Halata kasi sa boses nito ang pag ka badtrip, at ng lingunin nga nila ay nakasimangot din ito. Nagkatinginan sila ni Frenzy at sabay na natawa.

"Tara na babe." Hinila na nito ang kamay niya na ikinangiti niya.

Umupo silang dalawa sa loob ng gondola. Dalawa lang sila sa loob ng mag simula na ding umikot ang ferris wheel. Nung una ay nanginginig siya habang pataas ng pataas ang gondola. But everytime she will close her eyes. Frenzy will squeeze her hand.

"Ok ka lang babe. Andito ako, di kita papabayaan."

Napatingin siya sa magandang mukha nito. This is the third time na nahimigan niya ang sinseridad sa boses nito. Maswerte ang taong mamahalin ni Frenzy balang araw. Maybe for now, Frenzy is chasing her pero paano kung mag sawa na ito sa pag habol sa kanya?

Natigil ang pag iisip niya. Nanlaki ang mga mata nito habang nag tututuro sa ibaba. "Babe! Ang ganda tingnan mo!"

Kahit nalulula ay tiningnan niya ang mga itinuro nito. Namangha siya sa nakita. Worth it naman pala ang pag sakay sa ferris wheel. Kitang kita ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid. May pula, dilaw, puti, blue at maraming iba't ibang kulay. May fireworks pa na tumiyempo sa pag sakay nila. Sumabog iyon sa madilim na langit na lalong nag patingkad ng kulay sa paligid. Everything felt so magical. She wants to capture the moment in her heart.

Napaawang ang bibig niya. "That is beautiful."

"Yes. Ang ganda nga."

Napalingon siya kay Frenzy ng sabihin nito iyon. Frenzy was also looking at the fireworks display. Sa papalit palit na ilaw ay lalong na-realize ni Nicole how beautiful Frenzy really is.

Carefree ito. Maalaga, thoughtful at focus sa mga bagay na gusto nitong makuha. Nicole wants to be like that someday. Balang araw. Kapag maayos na ang lahat sa buhay niya at kung hahabulin pa siya ni Frenzy. Pag bibigyan niya na ito.

Sa naisip ay muli siyang tumingin sa fireworks at ngumiti.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now