Chapter 22

2.1K 99 6
                                    

A/N: Girls. Please check out my new story too. Kung ayaw niyong mabitin. I will update regularly in Unsung Hero. Tapos ko na po kasi yun pero paunti unti lang na upload habang nag susulat ako ng ibang stories. 😊 thank you for all of your support.

(Frenzy's POV)

"Asan na ticket niyo?" Mellissa nudged them one by one nung nakapila na sila papasok sa loob ng amusment park.

Sinimangutan niya ito. Hindi naman ito mukhang excited.

Pagkakuha nito ng mga ticket nila ay agad nitong pinag sama sama iyon. Tsaka kinuhaan ng picture. Nakangiti pa ito nang ibalik sa kanila ang mga ticket nila.

"Ok ka lang?" Napalingon siya sa Babe niya ng tumabi ito sa kanya.

Umiwas siya agad ng tingin kahit nakangiti ito sa kanya. Naalala na naman niya ang paghalik niya dito. Alam niyang pulang pula na naman ang mukha niya. Bakit ba kasi kada makikita niya ito yung kiss na lang ang naaalala niya?

"O-Ok lang Babe." Saglit siyang pumikit at tinapik tapik ang mukha niya.

Pumasok silang lahat pagkabigay nila ng mga ticket nila. Nilagyan agad sila ng tatak sa likod ng palad.

Nakangiting ipinakita ni Fajardo sa kanya ang nasa kamay nito. "Look Bestfriend. Ang ganda ng tatak ko."

Nakangiting tumango siya dito. At least nag e-enjoy naman pala ito. Pero agad itong napasimangot ng lumingon sa kanilang apat. Ito kasi ang walang partner. Napangiwi siya. Bakit nga ba hindi na lang siya bumili pa ng isa pang ticket para may isama pang isang kaibigan si Fajardo?

"Ang daya naman!" Napapadyak pa ito.

"Samin ka na lang sumama. Ok lang naman kay Kevin eh." Tiffany said.

Napalingon sa kanila si Fajardo. "Wala akong choice. Kahit saan ako sumama thirdwheel pa din ako. Pero kung kina bestfriend ako sasama. Siguradong hindi na ako i-l-libre niyan kahit kailan. Kaya sa inyo na lang ako sasama ate Tiff."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Fajardo. Nahiya siyang bigla sa lumabas sa bibig ng kaibigan. Napatakip siya sa mukha niya. Masasapak niya ito mamaya!

Nag tawanan sina Ate Tiff, si Kevin at si Fajardo. Sinilip niya ang mukha ng Babe Nicole niya. Amuse na nakangiti lang ito sa kanya.

"Shall we?" Inilahad ng Babe Nicole niya ang kamay nito sa kanya.

"Ayieeh!"

She glared at Fajardo. Inambahan niya ito ng suntok kaya naman nag tatakbo ito papunta kina ate Tiff.

"Sabi ko nga eh. Di na ako mang i-istorbo." Pahabol pa nito kahit hila hila na ito ng ate Tiff niya.

Payuko siyang humarap kay Babe Nicole. Gosh! Hindi talaga siya makatingin sa mukha nito. Alam niyang makapal ang mukha niya sa pag habol habol sa Babe niya. But eversince that kiss. Hindi na siya makatingin ng deritso dito.

"I-angat mo nga yang magandang mukha mo." Lalo atang uminit ang mukha niya ng hawakan nito ang baba niya. Saka unti unting inangat iyon.

Napilitan tuloy siyang tingnan ito sa mata. Ngumiti ito ulit saka inilahad ang kamay sa kanya. Hindi man niya aminin. Kakaibang kilig ang nararamdaman niya sa mga gestures nito ngayong araw. Ano kayang kinain nito kaninang umaga? Papakainin niya ito nun araw araw para ganito ito lagi sa kanya.

"Babe. Anong kinain mo kaninang umaga?"

Nakita niya ang pag kunot ng noo ng kaharap. "W-Why?"

"Para papakainin kita nun araw araw. Ang bait mo kasi sakin ngayon eh. Sayang naman kung di mag tuloy tuloy."

To her surprise, her babe Nicole throws her head back laughing. Napahawak pa ito sa tiyan sa kakatawa. She tilted her head. May nakakatawa ba sa sinabi niya?

"Ang cute mo bata." Pinunasan pa nito ang gilid ng mata. Naluha na rin kasi ang babe niya sa sobrang tawa.

Napasimangot siya. Bakit ba hindi nito siniseryoso ang tanong niya? May mali ba sa tanong niya o talagang tinuturing lang siya nitong bata?

"Bahala ka nga diyan Babe." Nag simula na siyang humakbang para sana sundan ang ate Tiff niya pero napahinto din siya ng maramdaman niyang may humawak sa kamay niya.

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

Her Babe Nicole is holding her hands! Pinag salikop pa nito iyon.

"Let's go?" Sinilip pa nito ang mukha niya.

Napaiwas tuloy siya ng tingin dahil ang lawak ng ngiti niya. Feeling niya nga din mapupunit na ang labi niya sa pag ngiti. Malapit na atang matapos ang pag hahabol niya dito. Mukhang unti unti na itong nahuhulog sa kanya.

Impit ang tili niya nang mag simula na silang maglakad. Holding hands while walking sila nito habang tumitingin sa paligid para sa i-t-try nilang mga rides.

"Babe. Gusto ko dun sumakay!" Tinuro niya ang anchor's away.

Nakita niya ang pag aalinlangan sa mukha nito ng makita ang malaking barko na pabalik balik ang galaw na parang pendulum.

"D-Diyan tayo sasakay?"

Masayang tumango tango siya. Nakita niya ang pilit nitong ngiti. Mukhang ayaw nitong sumakay doon. Ipinaypay niya ang kamay sa harap ng mukha niya.

"Wag na lang pala yan babe, para sa mga weak pala yan."

Nakahinga ito ng maluwag. Napakamot tuloy siya sa batok niya. Mukhang takot pa ata sa heights ang babe niya. Ramdam niya din kasi ang pamamawis ng kamay nito.

Disappointed na tumingin siya sa anchors away. Bago tumalikod, pero napahinto din siya dahil hindi umaalis ang babe niya sa tapat nun.

"Tara na. Mukhang gusto mong sumakay." Ngumiti ang Babe Nicole niya. "I don't mind getting dizzy for you Frenzy. This is after all a once in a lifetime experience for you."

Masayang ipinalibot niya ang braso sa batok nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you Babe!"

Natigilan siya ng mapansin ang ayos nila. Ang lapit pala ng mukha niya dito. Naalala niya tuloy ang kiss nila and her eyes automatically went down towards Nicole's lips. Naalala niya din ang lambot at tamis ng labi nito. The warmth and tingling feeling she felt inside her chest that day. Lumamlam ang mga mata niya. Inangat niya ang tingin sa mukha ng Babe niya.

Kitang kita niya ang pag tingin din nito sa labi niya bago salubungin ang tingin niya. Then she realized they are in the middle of a crowded place.

Agad siyang lumayo dito. Tumikhim siya. "Pila na tayo babe!"

Hinawakan niya ulit ang kamay nito at sabay nga silang pumila. She heard her babe laugh. Pigil na pigil nito dahil pag lingon niya ay umaalog pa ang balikat nito. Napangiti siya. She was really making a huge progress. Kailangan niya lang talagang ipakita dito na siya ang para dito. Hindi kung sino sinong babae na lagi nitong flavor of the month.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now