Chapter 4

3.4K 164 17
                                    

(Frenzy's POV)

Tinitigan niya ito ng maigi. No she won't back away. Dapat niyang ipaalam dito na seryoso siya. Even though she faltered dahill ang lapit ng mukha nito. But she won't kahit pa gustong gusto niya ng lumapit pa dito.

Ito ang unang umatras at umiwas ng tingin sa kanya. Napangiti siya. She won!

"Hey kid. Dapat hindi ka nag hihintay sakin. Gabing gabi na baka mapano ka pa sa daan." Napahawak pa ito sa batok nito.

"I am serious Babe."

"Stop that!"

Nakita niya ang pamumula ng pisngi nito. Maybe she had a hope with her after all. Plus that horoscope she had read said that she have to be confident in order for this to work.

Ngiting ngiti na hinawakan niya ito sa kamay. The feeling is all tingly and warm. Pero agad ding nawala dahil nga binawi nito ang kamay sa kanya. 

Nahihiya ba ito sa kanya?

Nakangiting tinitigan niya ang kamay niya. Her hands are warm. At hindi niya pag sisisihan na hinawakan niya iyon.

"A-Ano bang ginagawa mo? Baka may makakita ano pang isipin. Ihahatid na lang kita sa inyo."

Namilog ang mga mata niya. "T-Talaga?!" She was so happy makikita na ulit ito ng mga magulang niya.

Tumango ito. Sa sobrang excitement agad niya ulit hinawakan ang kamay nito. Saka ito hinila papunta sa sasakyan nitong blue sedan.

Wala itong nagawa kundi mag pahila na lang sa kanya. Babe Nicole is slowly crumbling from her persistence. Kinikilig siya sa isiping baka nga may pag asa siya dahil pinag bibigyan siya nito.

"You know what you're hands are warm. This hands are the type of hands only a hero can have" nakangiting nilingon niya ito.

Pero natigilan siya sa biglang pag balatay ng lungkot at galit sa mukha nito. She don't know that two emotions can inhabit a person's feature at the same time.

"I'm not."

Kumunot ang noo niya. Para sa kanya. Nicole is her knight in shining armor. Kaya ang itanggi nito sa kanya na hindi ito kagaya ng iniisip niya ay tila nagpapanting ng tenga niya. So does that mean that what she felt is wrong too?

"Yes you are." Madiin na ang pagkakasabi niya, dahil hindi siya naniniwala sa sinabi nito.

"I'm not kid. No arguing. Hatid na kita sa inyo."

Napapalatak siya saka nauna na sa sasakyan nito. Pinuri niya lang naman ang kamay nito. Nangingitngit ang loob na huminto siya at nilingon ulit ito. Hindi talaga kasi siya mapakali!

"But I know you are, dahil kung hindi. Hindi mo ako ihahatid samin para masigurong makakauwi nga ako ng bahay ng maayos!"

"I'm not who you think I am!"

Napaatras siya at biglang pinag pawisan. Inilang hakbang lang siya nito. Ngayon niya lang din bakita ang madilim nitong mukha. Parang ano mang oras ay sasabog ito at sasaktan siya.

She flinched when Nicole leaned in on her. Nasa magkabilang side niya ang dalawa nitong kamay. She was trapped!

"Gusto mo bang pabayaan na lang kita dito kahit gabi na?" ngumiti ito ng nakakaloko. She shivered. Ngayon lang parang naging agresibo ang mukha nito. "Kid sinasabi ko sayo kapag nag paggabi ka pa ulit. Ako na mag bibigay sayo sa mga adik at lasing na tambay diyan sa kanto. And you know what they will do to kids like you? You should never found out. Nag kakaintindihan ba tayo?"

Marahang tumango siya. Those brown eyes are so intense. Napalunok na lang tuloy siya ng laway niya.

"Tara na. Ihatid na kita sa inyo."

Napapikit siyang muli dahil dumukwang ito sa kanya. Akala niya sasapakin na siya nito ng tuluyan dahil sa kakulitan niya. But Nicole only opened the front door. Saka ito umikot at binuksan naman ang passengers seat.

Nag mulat siya ng mga mata. Sapo sapo ang dibdib na umikot siya sa kabila para umupo sa passengers seat. Pinag pawisan siya sa ginawa nito.

Bakit naman kaya ganun na lang ang reaksiyon nito?

..........

Tahimik silang dalawa habang nag b biyahe. Pagkatapos kasi siya nitong tanungin kung saan ang bahay niya. Hindi na ito kumibo pa. Though nagulat ito sa sinabi niyang pangalan ng village. Marahil tanda nito ang village nila dahil nga nakapunta na ito dito noong hinatid siya nito noon mula sa tangkang pag talon sa ilog. Pero ang nakakapagtaka hindi ito nag tatanong sa kanya.

"Andito na tayo sa inyo."

"Huh?" napalingon siya sa paligid. And indeed nasa tapat na nga sila ng bahay.

Nakangiting bumaling siya dito. Pero bored na tiningnan siya nito. "Baba na."

Ngumiti siya dito at nag pout. "Pasok ka muna. Kain ka ng hapunan. My mom cooked."

Nakamot ito sa kilay nito. "Baba na may lakad pa ako."

Lalo siyang napanguso. Babalik na naman ito doon sa babaeng malandi. Lalong kumunot ang noo niya. Determinado siyang wag itong papuntahin doon sa babaeng manguso.

"Please Babe. Pasok ka lang muna sa bahay kahit saglit lang."

Pumikit ito saglit. "I told you may lakad ako bata. You are already wasting my time by arguing with me."

"Pero-----"

"Stop it ok?! Di na ako natutuwa sa pag sunod sunod mo sakin! Alam mo bang nakakairita yung ginagawa mo?! Para kang asong buntot ng buntot sa amo niyang iniwan na nga siya sa ibang tao!"

Natahimik siya sa sinabi nito. Tagos na tagos kasi yung mga sinabi nito. And honestly ganun nga siguro ang tingin nito sa kanya. Isang super kulit na batang walang ibang alam kundi kulitin ito. Parang aso na sunod ng sunod kahit na sinipa na ng amo.

"T-Talaga bang kulit na kulit ka na sakin?" di na niya tuloy napigilan ang pag hikbi niya. Kahit tinakpan niya na ang bibig niya para walamg kumawalang impit na iyak o pag garalgal ng boses niya.

"I'm sorry." agad niyang binuksan ang pintuan ng passengers seat. Pero hindi iyon bumubukas. Pilit niya pa ring binuksan. And before she knew it. Nicole's hands stop her from turning the knob. Ramdam niya ang panginginig ng kamay niya at kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa luha she tried to avoid Nicole's gaze.

"Pesteng pintuan ayaw bumukas!" binulong niya lang iyon sa sarili niya.

Bumuntonghininga ito. "Ok. I'm sorry. Sumobra ako sa mga sinabi ko. But please. Gusto ko na talagang mag pahinga. Lumabas ka na at pumasok sa loob."

Pinaharap siya nito dito. Saka marahang pinunasan ang mga luha niya gamit ang panyo nito. Halata sa mukha nitong pinag sisisihan nito ang mga sinabi sa kanya. Lumambot kasi ang ekspresyon nito.

"Take that. And please wag ka ng umiyak." Binigay na nito ng tuluyan ang panyo sa kanya. "Isipin pa ng mga magulang mo na may nang away sayo."

Napangiti siya. Tinago niya lang iyon sa panyo.

Despite what Babe Nicole said to her. Alam niyang hindi nito iyon sinasadya o baka may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi nito tanggap ang sinabi niya. Either way ito ang superhero niya.

"You are maybe doubting yourself but I believe in you. Kahit pa may matuklasan akong mga pangit na bagay tungkol sayo. You are and is still my Babe Nicole. Walang makakapag pabago nun. Ikaw at ikaw ang kabuuan nun." kinindatan niya ito. Napanganga ito sa kanya. Mukhang nabigla ata.

Surprisingly she opened the door easily this time mukhang binuksan na nito ang lock sa pintuan para makalabas siya.

Nakangiting kumaway siya sa kotse nitong papaalis. Marami pa namang pag kakataon. Kahit makulitan ito sa kanya bukas may pag asa pa ulit siya. Pasipol sipol na inamoy niya ang kamay niya. She won't wash her hands today!

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now