Chapter 24

1.9K 94 13
                                    

A/N: Hello readers. Are you enjoying the story? Please check out my new book too. Yung Unsung Hero: Csrmela Cruz. Promise di kayo mag sisisi sa pag babasa nun. Nag u update ako daily doon. Tapos na kasi siya. Thank you. Don't forget to vote and comment po. Sa mga Silent readers. Thank you din po sa pag babasa. Triple update po para sa mga patuloy na sumusuporta. 😊 Also if you want you could check my dreame account. Andrea Arcana.

---------------------------------------

(Frenzy's POV)

Ang sarap talagang pakinggan ng boses ng babe niya. Tila musika sa pandinig niya ang mga tawa nito. She can't help but also take this chance, para maka tsansing man lang dito. Kaya kapag may mga multo na nag papakita sa loob ng horror booth ay ang higpit ng yakap niya dito.

Kapag sinusubsob naman siya ni Fajardo ay talagang susubsob din talaga siya ng may pagka OA sa likod nito. But she regretted her decision soon after. Feeling niya na rape siya sa ayos niya pag katapos nilang lumabas sa horror booth. Fajardo was clutching at her clothes. Hila hila din nito ang kwelyo niya kaya minsan ay nasasakal na din siya. Minsan pa nga ay tinutulak siya nito kapag nagugulat ito. Muntik pa nga itong mag ta-takbo pabalik sa pinanggalingan nila nung nasa gitna na sila ng section ng horror booth. Yung sa Feng shui na movie.

"Sorry na bestfriend!" Halos mag lumuhod naman ito sa pag mamakaawa sa kanya habang nakapila sila para sa bump car na rides.

Napaikot na lang siya ng mga mata niya at hinarap ang kaibigan. Busy pa nga siya sap ag papa cute sa babe niya eh.

"Sige na forgiven ka na basta wag ka na mang thirdwheel."

Pagbaling niya sa babe Nicole niya ay tawa ito ng tawa. Napangiti din tuloy siya. Sana ganito lagi kasaya ang babe niya.

"Next na po!" Sigaw ng lalakeng nag babantay sa bump car.

Napapalakpak siya dahil sila na nga ang susunod. Mabuti na lang din at halos lahat sila ay nakasakay. Tig iisa sila ng sinakyan na mga kotseng maliliit. She chooses to drive a red one and her babe Nicole choose a blue color car.

Napangiti siya ng apakan niya ang right pedal para sa pag andar. The cars are almost crowded, that there is no more room to move the cars around. But they still managed to move it in any direction. Ang ending tuloy ay kung sino sino ang nababangga niya.

Natawa siya ng magkatinginan sila ng babe niya. Babe Nicole was grinning while trying to make a way towards her. Nagawa naman nitong i-maniobra ang sinasakyan nito papunta sa deriksiyon niya.

"Frenzy!" Her babe Nicole shouted. "I am coming!"

Natawa siya dahil ang landi ng pag kakasabi nito. Isang nanunuksong tingin naman ang binigay sa kanya ng ate Tiff niya ng magkasalubong ang mga mata nila. Pinag kaisahan siya nina Kevin, Fajardo at ng ate Tiff niya. Inipit siya ang mga ito sa pwesto niya habanng palapit ng palapit sa kanya ang babe niya.

Napatili siya ng magawa nitong mabunggo ang sinasakyan niya. Tawa naman ito ng tawa. Napangiti na lang din siya. Atleast masaya naman ito at nag e-enjoy sa group date nila.

"That was epic!" Her babe Nicole clutched her stomach while laughing. Nag lalakad na sila papunta naman sa pilahan ng flying fiesta ng sabihin nito iyon.

"Grabe kayo. Pinag kampihan niyo ako!" Nakasimangot na siya. Noong una ay natutuwa siya dahil nakangiti ang babe niya. But then Fajardo repeatedly bumped her car and soon enough. Kevin did the same along with her ate Tiff.

"Sorry bunso" Ate Tiff made a peace sign to her, na iningusan niya.

"Uy bilis! Kaunti lang ang pila sa flying fiesta!" Fajardo grabbed her arm. Kaya naman napalayo siya sa babe niya.

Ngumiti ang babe niya at tumango. "Sige na Frenzy. Enjoy."

Napanganga siya dahil hindi sumama ang babe niya. Ang ending tuloy ay si Fajardo ang katabi niya sa flying fiesta at ka-holding hands. Sa sobrang hilo nito sa paulit ulit na pag ikot ay humigpit na ang hawak nito sa kamay niya. Parang gusto niya nan gang bumaba dahil masakit na ang kamay niya.

But she was really mesmerize that everytime, she was on the spot where she can see her babe. Nakangiti ito at tila ba pinagmamasdan talaga siya. Kaya naman nakakalimutan niya din ang higpit ng hawak ni Fajardo. She would always smile when she sees her babe looking at her. Laging nag tatama ang mga mata nila.

------------------

"Ang saya dun bestfriend!" Fajardo and her was walking on the exit of the ride.

Nakasimangot na nilingon niya ang kaibigan. "Eh pero hilonh hilo ka na at ang higpit ng hawak mo sa kamay ko ano?" May halong pang aasar na alaska niya dito.

Hiyang hiya naman na lumingon ito sa ate Tiff niya. Mukhang may girl crush pa nga ata ang walanghiya niyang kaibigan sa ate Tiff niya. But her ate Tiff wasn't looking. Nakikipag usap ito kay Kevin. Kitang kita niya ang pag simangot ng kaibigan niya.

Natawa na lang tuloy siya.

"Masaya ba sa taas?" Automatikong kumabog ang dibdib niya ng makalapit na sila sa babe niya. Ngiting ngiti ito habang nakatingin sa kanya.

Masayang tumango siya. Kahit papaano ay nag enjoy nman talaga siya. Lalo pa at nakikita niya ang babe niya.

"Bakit hindi ka sumama babe?"

Napakamot ito sa batok. "Sorry nahihilo na kasi ako."

Naawa naman siya bigla sa babe niya. Mukhang wrong move na sa amusement park niya ito dinala. Mahihiluhin pala ang babe niya.

"Sorry babe."

Nakangiting ginulo nito ang buhok niya. "Ok lang ako. Kailangan lang mag pahinga pero sasamahan naman kita sa mga gusto mong rides."

"Ahem!" Fajardo exaggeratedly coughed. May nilalanggam! Ate Tiff paki tanggal nga yung langgam sakin. Sakit kasi makakagat."

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan niya. Bwisit! Sinama niya na nga ito pero nang aasar pa. Wag niya na kayang pahiramin ng telescope sa tuwing mag s-star gazing sila?

Tawa naman ng tawa sina at Tiff at Kevin. When she looked at her babe, wala sa sariling napangiti din siya. Nakangiti kasi ito at tila aliw na aliw sa ginagawa ng kaibigan niya.

"Di ka na i-l-libre sa susunod ni Frenzy!" Ate Tiff said. "You are ruining the moment Mellisa."

Napa peace sign na lang ang kaibigan niya na sinimangutan niya. Hanggang sa mag aya ang mga ito na kumain sa isang kainan na nasa loob lang din ng amusement park.

Nakasimangot siya kahit pumipila na sila. Nasa unahan sina Fajardo, ate Tiff at Kevin, samantalang nasa hulihan sila ng babe niya. She was glaring at her friend, na kada lingon sa kanya ay naka peace sign.

Napabuntonghininga na lang tuloy siya. Bakit ba siya nakipag kaibigan dito? Maybe she was better off without someone annoying her.

"Wag ka ng sumimangot diyan, bata. Ang ganda mo pa naman. Di bagay ang nakasimangot."

Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng babe niya. "M-Maganda na ako para sayo babe?"

Mabilis at sunod sunod ang tango nito. Shocks! Napahawak siya sa dibdib niya habang nakatingin dito. Hindi niya tuloy maiwasang mag tanong ulit. "Eh love love mo na ba ako?"

Ang lakas ng tawa ng babe niya. Pinag tinginan tuloy sila sa pila. But she doesn't care as long as her babe is happy.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now