Chapter 29

1.8K 85 3
                                    

(Frenzy's POV)

Frenzy forced herself not to cry. Kanina lang ay excited siyang makita ito, pero ngayon tila gusto niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Tumingala siya para pigilan ang luhang pabagsak sa mga mata niya. Hindi niya na alam kung anong nagawa niyang mali at ganito siya tratuhin ngayon ng babe niya.

"Bestfriend!"

Napalingon siya sa kaibigan. Tumatakbo ito ngayon sa kanya. Muntik pa silang matumba dahil sa pagyakap nito sa kanya. Despite the hurt she's feeling ay napangiti siya nito kahit papaano. Andito pa rin ito. Dinadamayan siya. Mellissa Fajardo doesn't look like it pero mabuti itong kaibigan.

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Saan ka sinaktan ni Ate Nics at gagamutin natin." Sinipat ni Fajardo ang katawan niya.

Sumama ang tingin niya dito. Ok. Binabawi niya na. Nakakainis itong kasama. "Walang masakit sa katawan ko Fajardo."

"Pero—"

Hindi na nito nadugtungan ang sasabihin sana nito ng lumapit sa kanila ang ate Tiff niya. Naalog ang balikat nito habang palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

But Frenzy knew beter. Her one friend must have known na lalo siyang malulungkot kapag malungkot din ang mukha nito.

"Bunso, don't worry. Aalamin ni Ate Tiff ang problema ng babe mo para sayo."

Ginulo ng ate Tiff niya ang buhok niya.

"T-Thank you ate Tiff."

Bumalik ang lungkot sa mga mata niya. Sa tuwing kasama niya ang ate Tiff niya ay naaalala niya ang babe niya. Halos lagi kasing mag kasama ang dalawa. Pinigilan niyang mangilid ang luha sa mga mata niya.

Marahil ay napansin ito ng ate Tiff niya. Bumuntonghininga ito. Nakita niya ang pag lamlam ng mga mata nito.

"Sinong gusto ng ice cream?" Nag palipat lipat ang tingin nito sa kanila ni Fajardo.

Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa mukha ng kaibigan niya. "Ako ate Tiff!" Bumaling ito kay sa kanya. "Tara na bestfriend. Ikain mo na lang muna ng ice cream yang masakit diyan."

Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. Kung sana ganun lang kadali ang lahat. Siguro hindi pa na experience ng kaibigan na ma-heart broken, kaya ganito na lang ito makapag salita. Pero parang wala lang dito ang tingin niya. Nakatingin pa din ito sa ate Tiff niya at nag ni-ningning ang mga mata.

"You are an angel ate Tiff. Paano mo nalaman na gusto ko ng ice cream?" Namamangha pa ang mukha nito.

Frenzy rolled her eyes. Paano nga ba niya naging kaibigan ang dalaga?

Ate Tiff threw her head back laughing. Lalo siyang napasimangot. Kuhang kuha na ata ni Fajardo ang kiliti ng ate Tiff niya?

"Gusto ko yung chocolate flavor ate Tiff." Umangkla ito sa braso ng ate Tiff niya ng mag simula silang mag lakad papunta sa icecream parlor na malapit sa gymnasium.

"Ililibre ka na nga lang. Makahingi ka pa diyan ng flavor."

"Eh ano naman. Ganun din yun. Ate Tiff will always ask what I want to eat kasi she's gentle that way."

Napasimangot siya. Inirapan niya lang ito na tinawanan lang ng kaibigan.

Pagkarating nila sa loob ng ice cream parlor ay binilhan sila ng tig isang ice cream cone ng ate Tiff niya. Nakita niyang vanilla ice cream cup lang ang binili nito.

Frenzy sighed again while eating her own ice cream. Baka kasi nakakasakal na din yung pag habol habol niya sa babe niya. Kailangan sigurong bigyan niya ito ng time para makapag isip. O baka ito yung tipong sinasarili lang muna ang problema hanggang sa handa na itong magsabi. She will be there to listen.

Napaangat siya ng tingin dahil nakikita niya sa peripheral vision niya ang pag sulyap sa kanya ng ate Tiff niya. Marahil nag aalala pa din ito kung anong nararamdaman niya ngayon. Ngumiti siya dito. Ginulo ulit nito ang buhok niya.

"Everything will be alright Frenz. Hindi man sa ngayon, pero eventually."

Sa sinabi nito ay gumaan gaan na talaga ang pakiramdam niya. Her ate Tiff smiled gently at her. Napangiti din siya dito. Lagi nitong pinapagaan ang loob niya.

"Uy! Uy ano yan?! Pasali naman sa staring contest!"

They both looked at Fajardo dahil sa sinabi nito. Nagkatinginan ulit sila ng ate Tiff niya, then they burst out laughing.

---------------------------------

"Anak?"

Frenzy sighed. Nilingon niya ang ama na naupo sa tabi niya.

"Yes, dad?"

"May problema ka ba?"

Huminga siya ng malalim, Sasabihin niya ba sa dad niya? Minsan lang ito magkaroon ng day off at ngayon nga ay nakikipag bonding ito sa kanya dito sa pool. Nahalata agad nito ang pananamlay niya. Lalo na sa pag bagsak ng balikat niya habang nakatingin sa gilid ng garden nila. This is her happy spot pero ngayon ay ni hindi niya magawang ngumiti.

Nakatulong din sana ang pag c-cheer up sa kanya ng kaibigan at ng ate Tiff niya, but still when she is alone. Naiisip niya kung ano bang nagawa niyang mali.

"W-Wala dad."

Tinitigan siya ng dad niya. Tumayo ito at nag pag pag ng suot suot na short. Pahakbang na sana ito papasok ulit sa bahay nila ng hawakan niya ang t-shirt nito.

"D-Dad......can you listen to it, without judgments? Only listen to me?"

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng dad niya. Umupo ulit ito sa tabi niya saka tumitig din sa mga halaman ng ina niya.

"Tungkol ba saan o tungkol ba kanina yang iniisip mo anak?"

"Dad. Kung iniiwasan ka ng isang tao, without knowing kung anong nagawa mo. Anong pwede mong gawin?"

Tinagilid ng dad niya ang ulo nito. "Hmm.... Kinausap mo na ba siya anak?"

Mabilis siyang tumango. "Pero hindi niya pa rin po sinabi kung anong nagawa ko."

"Minsan kasi anak. Ang mga tao ay may kanya kanyang problemang kinakaharap. Minsan kailangan mong isipin na baka hindi naman talaga ikaw ang dahilan kung bakit sila lumalayo. Baka naman gusto lang nilang protektahan ang sarili nila. O baka may kinakaharap silang problema na hindi pa silang handang sabihin sayo."

"Anong pwede kong gawin dad?"

"Just let things go. Wag kang masyadong mag overthink. Hayaan mong mag unfold ang lahat." Tumayo ang dad niya at ginulo ang buhok niya. "Some days we felt like we can't go on living our life dahil sa mga problema but that problem when you find solutions to it. We became stronger."

Napanganga siya sa sinabi ng dad niya. It does make a lot of sense. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Thank you, dad."

Ngumiti lang ito at sumenyas na papasok na sa loob. Tumango siya dito. Tama ang dad niya. Kailangan niyang hayaan na ang mundo muna ang gumawa ng paraan. Para lang siguro siyang isda na lumalangoy salungat sa daloy. It's getting her nowhere.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now