Chapter 20

2.3K 112 13
                                    

(Frenzy's POV)

Ilang beses nang nagulo ni Frenzy ang buhok niya.

"It was stupid of you to do that Frenzy! Ano bang naisip ko at hinalikan ko si Babe? Baka isipin ni Babe sinamantala ko ang kahinaan niya!"

Napapapadyak pa siya ng paa niya sa sobrang frustrations. Hindi tuloy niya maipakita ang mukha dito. Pero maisip niya pa lang na hindi niya na ito makikita ay nag wawala na siya. Hindi naman niya din maiiwasan ng ganun katagal ang babaeng crush na crush niya.

"Hoy Asistores. Tigilan mo nga yan. Kanina ka pa nakakadistract!" Mellisa scolded her. Tinapik pa nito ng mahina ang ulo niya. Kaya medyo napayuko siya. Sinamaan niya ito ng tingin pero tila wala lang dito.

"Kasalanan mo yan. Mag dusa ka. Masarap naman siguro ang kiss na pinag saluhan niyo ni ate Nics. Score na yun."

Lalo niya itong sinimangutan. Umirap lang ito. Saka sumilip ulit sa malaking telescope na nilagay nila sa gitna ng parke. Andito sila ngayon para panoorin ang Super moon. Isang pangyayari na bibihira lang talagang ma obserbahan.

"Ang ganda Frenzy!" Inalog ni Mellisa ang balikat niya.

Napairap siya. Ang galing din ng talent nito. Kaya siyang yugyogin kahit na nakasilip ang mga mata sa lens ng telescope.

"Ang ganda ng kulay ng buwan! Nagiging pink tapos nagiging yellow!"

Amaze na amaze ito. Napailing na lang siya na natatawa.

"Thank you at napasama ako sa club na 'to. Ang ganda pala pagmasdan ng mga stars, bestfriend!"

She was fascinated by the stars and the galaxy since she was a child. Kasi kung hindi naka proper ang alignment ng mg aito sa galaxy. May mga multiple possibilities na walang mabuhay sa mundong ginagalawan nila. She felt like stars are there because they are desitined to be there.

"Ako naman ang titingin kanina ka pa diyan."

"W-Wait lang!" Nakikipag tulakan pa ito sa kanya.

Personal telescope niya ang ginagamit nilang dalawa ni Mellisa. Sasali sali kasi ito sa Astronomy club wala naman pala itong kahit anong gamit. Nung elementary pa siya nag iipon para sa mga ginagamit niya ngayon sa club. Pero ito nakikigamit lang.

Kanya kanya kasi sila ng gamit. Yung iba nilang kasama ay nakakalat na sa parke gamit gamit ang mga personal telescope ng mga ito.

"Aba umaabuso ka ata Fajardo!" Di na niya napigilan at sinigawan niya na ito.

Nag peace sign ito nang umalis sa harap ng telescope niya. "Eh kasi naman, bestfriend. Ang mahal pala ng mga ginagamit natin sa club. Tapos wala man lang pinapahiram satin yung adviser natin."

Sumimangot na ito. Natawa na lang siya saka binigay dito ang dati niyang telescope. Yung maliit na version ng telescope niyang may tri-pod.

"Ito muna pag tiyagaan mo."

"Damot mo naman bestfriend." Ngumuso pa talaga ito.

Hindi niya na lang ito pinansin. Sinilip niya ang lens ng telescope niya. Napangiti siya dahil tama nga si Fajardo. Ang ganda ng pag papalit palit ng kulay ng buwan. Someday makakasama niya ng tumingin sa langit kapag gabi ang Babe niya.

"Anong nginingiti ngiti mo bestfriend?"

"Naisip ko lang na gusto kong makasama si Babe kapag may ganito tayong event. Yung mga falling stars yung mga once in a lifetime lang na pangyayari sa universe. I want her to experience it too."

"Pwede mo din naman siyang makasama this summer. Malapit na matapos ang pasukan. Ayain mo kaya siya sa Enchanted Kingdom."

Inalis niya ang tingin sa lens ng telescope niya. Tinitigan niya itong maigi. Parang nailang naman ito sa titig niya. Seninyasan niya itong mag patuloy.

"Mukhang maganda yang suggestion mo."

Napahawak pa ito sa ilong. "Genius ko no? Syempre kung i-li-libre mo sina Ate Nics. Dapat isama mon a din lahat. Di ba nga nahihiya ka pa sa kanya dahil ninakawan mo siya ng halik? Bilang peace offering lang."

Napaismid siya. Mukhang gusto lang nitong pumunta ng Enchanted Kingdom kaya siya inuuto.

"What?" Nag kibit balikat ito. "Mayaman ka naman betsfriend. Sisiw lang yung ilang ticket."

"Sabi ko na nga ba mag papalibre ka lang eh."

Pero dahil maganda ang idea nito ay susundin niya. Nag katinginan pa sila ni Fajardo then they burst out laughing.

------------------------------

"Ate Tiff! Psst!"

Nag tago siya nang makita ang Babe Nicole niya. Nasa gilid siya ng pinto malapit sa c.r habang inaabangan ang paglabas ng ate Tiff niya.

"Bunso!" Mukhang tuwang tuwa ito na makita siya. Niyakap pa nga siya nito. "Ilang araw ka na naming hinahanap."

Tinapik niya ang braso nito dahil hindi na siya makahinga.

"Kayo na ba ni Nics? Naghalikan daw kayo?" Sunod sunod na tanong nito.

Napalingon tuloy siya sa paligid niya. Baka kasi maabutan pa siya dito ng babe Nicole niya. Hinarangan niya ang bibig ng ate Tiff niya. Madaldal din talaga ito. Hindi lang halata. Isa ding dakilang chismosa.

"T-Teka lang ate Tiff. Isa isa lang po."

"H-Hindi pa po kami ni Babe-----Ah wait lang po."

Mag sasalita na naman kasi sana ito.

"Makinig ka muna ate Tiff."

Tumango tango ito. Mukhang eager din itong malaman ang side niya.

"Yes po 'nahalikan' ko si Babe, pero di po kami nag halikan. Smack lang naman." Feeling niya namula siya. Ang init kasi ng pisngi at tenga niya. Naalala niya kasi yung kiss. Ang lambot ng labi nito, tsaka matamis pa. Umiling iling siya. Kailangan niyang mag focus.

Tumili ito. Kaya naman tinakpan niya ulit ang bibig nito. Baka marinig sila ng Babe Nicole niya. Malapit pa naman sa c.r ang classroom ng mga ito. Patago pa nga siyang nag sneak in sa loob ng senior high kasi may klase din silang juniors. Kapag ganun bawal silang pumunta sa senior high building. Maliban na lang kung may kasama silang teacher at importante ang pag punta nila dito.

"Ano ba Bunso. Sabihin mo na kay Ate Tiff."

Tiningnan niya ito ng may pag dududa. Minsan naiisip niyang kaugali nito si Fajardo. Medyo prim and proper nga lang ang approach nito. Hindi kagaya ng kaibigan niya na parang sabog minsan.

"Ate Tiff. Pwede po bang pakibigay ito kay Babe?"

Mabilis niyang inilabas ang tatlo na ticket na dinukot niya sa bulsa niya. Pag kauwi nila ni Fajardo ng gabi na yun ay nag order na siya agad ng limang ticket. Tig isa sila ni Fajardo. Tapos tatlo para kina Ate Tiff, Ate Cas at para sa Babe niya. Doon niya nga din nalaman na tinanggap na pala nito ang mga friend request niya sa lahat ng account nito. Tuwang tuwa nga siya. Pati na din yung message nito sa kanya. Na m miss na din pala siya nito.

"Uy bunso? Natawa ka diyan mag isa. Bakit mo binibigay sakin to?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Aalukin ko sana kayo mag EK ate Tiff. Para may unofficial group date ako kasama si Babe."

"Handa ka na bang magpakita sa kanya?" Nanunukso ang ngiti nito.

Ramdam niya ang pag iinit ng mukha niya. "Di naman po ako habang buhay iiwas kay Babe. Papahinga lang. Siguradong handa na ulit akong kulitin siya. Kapag pumunta tayong lahat ng EK. Pero di pa sa ngayon."

Dali dali siyang tumakbo pagkatapos sabihin iyon sa Ate Tiff niya. Baka kasi maabutan na siya ng Babe niya. Mag papa miss pa siya lalo. Para umamin na itong nagugustuhan na rin siya nito. Sa naisip ay napatili siya.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now