Chapter 23

1.9K 114 26
                                    

A/N: Baby. This one is for you. Naalala ko lahat ng pinuntahan natin ng araw na yun sa EK. I love you so much. Shout out po ito sa babaeng nag papatibok ng puso ko. Baby I will always make you feel kilig. Cheesy man o korni man sa iba baby ko. Ikhaw lhang pos zapat na!

---------------------

(Nicole's POV)

"Aahhhhh!" Hindi na napigilan ni Nicole na sumigaw ng malakas. She felt like all her insides was thrown outside of her stomach sa paiba ibang pag swing at pag bilis ng malaking barkong sinasakyan nila.

Napalingon siya sa katabi niya. Frenzy was laughing. Tuwang tuwa talaga ito sa ganito ka extreme na rides. Parang gusto niya ng sumuka.

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Napahawak din siya sa arm rest ng kinauupuan niya dahil umiikot na talaga ang paningin niya. Bumabaliktad na din ang sikmura niya sa sobrang hilo. But then, she felt a hand gripping her own. Naimulat niya ang mga mata. Frenzy was grasping her hand.

"Babe. Natatakot ka ba?" Rinig niya sa boses nito ang pag aalala.

Umiling siya. "N-No. Not really. Mahihiluhin lang talaga ako bata."

Yes. She admits. Hindi naman siya matapang sa lahat ng bagay.

Napatingin siya sa mukha ni Frenzy ng halikan nito ang mga kamay niya. She can feel Frenzy's soft lips and it was driving her mad at the moment. Parang gusto niyang kabigin ang mukha nito at halikan. Kagaya ng ginawa nito sa kanya noon sa photobooth.

"Para di ka na matakot Babe. Hahalikan ko na lang ang kamay mo." Ngumiti ito and it shows her dimples poking out on both cheeks. "Wag kang mag alala matatapos na din ang rides."

Hindi niya maintindihan, but she finds herself focusing more on Frenzy's face. For a moment. There is a blurred background all around them. Ito lang ang nakikita niya. Naririnig niya din kung paano lumakas ang tibok ng puso niya habang tinitigan ang mga mata nito. It was beating hard and fast. Tila nag hahabulan ang mga daga sa loob ng dibdib niya dahil sa nararamdaman niya ng mga oras na yun.

Frenzy's eyes are so sincere. Wala na ata siyang mahahanap na babaeng kasing sincere ng mga mata nito. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang buong rides. Nakatingin lang siya sa mukha nito habang tumatawa at humahalakhak ito sa buong duration ng rides.

----------------------

Hindi niya maiwasang mapangiti. Habang nag lalakad silang dalawa sa pavement ng amusement park. Kakatapos lang nilang mag Anchor's away at kasalukuyang kumakain ng ice cream habang nag lalakad. Thank fully hindi din siya nag suka pagkatapos ng extreme ride na yun.

"Babe? Uy ok ka lang? Baka naiwan na yung kaluluwa mo dun sa taas."

Napangiti siya at pailing iling na tumingin dito. "Hindi naman. Yung puso ko lang ata."

Muntik na siyang mapa facepalm sa naisip niya. Bigla bigla siyang naging corni.

Nakita niya ang unti unting pag silay ng ngiti sa labi ni Frenzy. "Uy babe ha? Sana sinabi mo na andun ang puso mo nahulog para kunin ko na lang. Aba mahirap na baka iba pa ang makakuha nun."

Ang lakas ng tawa niya sa sinabi nito. Akala niya ay korni na siya. Mas korni pa pala ito. Hindi din siya nito tinukso o anuman sa sinabi niya. Frenzy is surprisingly tact. At napakakulit din nito. There was never a dull moment with her around.

Nag katinginan silang dalawa. There was a smile on both of their faces. Nabitin ang icecream niya sa ere sa nakikita sa mga mata nito. Kahit namumula ang pisngi nito ay matapang pa rin nitong sinalubong ang mga mata niya. She suddenly felt the urge to kiss Frenzy's lips.

Unti unti siyang lumapit dito. She even stepped closer and Frenzy didn't move. Nag angat ito ng tingin sa kanya.

"B-Babe..."

"Uy girls!"

Natigil ang balak niyang gawin sa narinig na boses. Nakasimangot na sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tiffany is waving at them. Nasa tapat ito ng isang horror booth.

"Dito! Maganda daw dito sabi ni Mellisa!"

True enough mukha ngang excited si Fajardo na mapasok iyon. Kanina pa ito nakatapat sa pintuan ng horror booth at hindi man lang sila nilingon kahit na nakalapit na sila. Kita niya sa mata ni Kevin na tila ayaw naman nitong pumasok sa loob.

Bumaling siya kay Frenzy para sana tanungin ito pero iniiwasan nito ang mga mata niya. Umangat ang gilid ng labi niya dahil namumula ang mukha nito. Naalala siguro nito yung kanina. Before Tiffany interrupted them. Mamaya niya na lang sasakalin ang kaibigan.

"Bakit pa kami ang tinawag mo?" Hindi niya mapigilan ang inis sa boses niya. Bad trip na bad trip talaga siya kay Tiffa. Kanina pa ito istorbo.

Ngumiti naman ng pilya si Tiffany. Mukhang nakita nito yung kanina.

"Eh kasi sabi nitong nag f-facilitate ng booth ay 8 people daw per group ang makakapasok. Kulang pa ng dalawa." Inginuso ng kaibigan ang tatlong mag kakaibigan na nakatingin din sa harap ng pinto ng horror booth. "Sila pa lang andito. Kaya kayo na lang ni Frenzy ang kulang."

Napaikot siya ng mga mata niya. "Sana nag antay pa kayo ng dalawang tao."

"Ok. Ready na ba kayo?" The facilitator asked them. Nakasuot ito ng orange na damit na parang sa ghostbuster movie.

"Yes!" Hinila ni Mellisa si Frenzy sa tabi nito at pumila.

Napapailing na sumunod na lang din siya sa mga ito. Pinapila sila ng facilitator ng isang linya. They were told na bawal mag panic. Bawal ding manghampas ng ghost kapag nilapitan. At syempre kung may sakit sila sa puso ay mag sabi na agad para hindi na isali sa pagpasok sa loob. They all agreed to the conditions.

Since she was the tallest. Siya ang nasa unahan ng pila. Pinahawak sila sa balikat ng isa't isa habang papasok sa madilim na horror booth. She wasn't spooked at all. Alam naman niyang hindi totoo ang mga nasa loob nun.

Napangiti siya ng maramdaman ang biglang pag yakap ni Frenzy sa bewang niya. Halos isiksik din nito ang mukha sa likod niya. Wala pa ngang ghost at puro narrative lang kung anong nangyari sa loob ng unang section ng horror booth ang naririnig nila. Pero takot na takot na ang mga kasamahan niya. Mellisa was even shrieking.

Lalo lang atang lumawak ang mga ngiti sa labi niya sa higpit ng yakap ni Frenzy sa kanya. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay nito na nakapalibot sa katawan niya.

"It's ok. Hindi naman sila totooo." Hinaplos niya ng bahagya ang nanlalamig nitong kamay. "Andito lang ako Frenzy."

Nag relax na ito at nabawasan ang panginginig at pag papawis ng malamig. Naramdaman niya din ang pag singhot singhot nito sa damit niya.

"Ang bango mo pala babe."

She threw her head back laughing. Iyon pa talaga ang sinagot nito sa sinabi niya.

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now