CHAPTER 48 (Nicole's POV)

1.2K 58 11
                                    

"Natuwa ka ba sa surprise ko, babe?" Frenzy asked Nicole as they sat on the edge of the pool. Nasa gilid lang sila dahil parehas silang hindi marunong lumangoy.

"Yes. Thank you." Ngumiti siya dito. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Marami nan gang nagbago sa mukha ni Frenzy. Matured na itong tingnan at talagang mas lumitaw and charisma nito. Before kahit na nag c-chat sila sa messenger ay hindi pa ganito kalaki ang pagbabago ng dalaga.

Maybe Frenzy decided to cut her hair dahil mahaba pa iyon ng huli nilang pag haharap sa video chat. Pinag handaan talaga nito ang pag dating niya. Plus, that surprise really had her swooning for Frenzy. Hindi niya maiwasang hindi uminit ang pakiramdam niya sa tuwing naaalala ang ginawa nito. Frenzy showed her that she is really deserving to be loved.

She reached out her hand to touch Frenzy's. Napatingin ito sa kamay nila at inangat nito ang tingin sa kanya. She saw how Frenzy gulped and looked at her lips. Kung wala lang mga tao sa paligid. Aangkinin niya na ang labi nito. It's been so long and the last kiss they had was only a smack.

Naiiling pa din siya kapag naaalala iyon. Frenzy looked at her expression. Kumunot ang noo nito pero bahagya naming nakangiti.

"Bakit babe?"

Should she say what she thinks? Or not? Maybe she doesn't have to baka magpumilit pa itong halikan niya.

"Wala. Di ba parang langoy kuhol itong ginawa nating dalawa?" She instead said and paddled her feet on the water.

Frenzy looked around them and then at the where they are at the pool. Maraming nasa loob ng tubig ng pool at halos kakaunti lang ang nasa gilid. And when Frenzy realized it. Napahawak ito sa tiyan kakatawa.

"It is indeed babe."

Nagkatinginan silang dalawa and Nicole can't help but smile. Totoo ngang andito na si Frenzy. All those times na nagka problema siya Frenzy talked to her. Kapag nahihirapan siyang ipag patuloy ang pag aaral niya dahil sa pagod. Lagi nitong sinasabi na kaya siya umalis ay dahil gusto niya ang kursong kinuha niya. When she's tired from work and she has to do pass a project in the morning. Frenzy stayed up late with her. Gumagawa din ito ng project kasabay niya.

She remembers the conversation they had a few years ago like it was yesterday. Ganun niya tinandaan ang mga panahong hindi niya ito nakasama. It was the memories she holds on to para tiisin pang manatili sa Canada at ipag patuloy ang pangarap niya. Because Frenzy also did the same.

"I feel so tired, bata. I don't even have the strength to wake up tomorrow morning."

Nicole looked at the camera and sighed. Frenzy is on the other end and is laying on her bed. Ngumiti ito sa kanya. And Nicole is renewed with energy. Ang ganda kasi nitong tingnan.

"Ganito na lang sasamahan kitang mag puyat. Sabay tayong gumawa ng mga projects natin. Then tomorrow morning you have to wake up early." Humawak ito sa ulo nito. "Babe, remember sabi mo gusto mo yang kurso na yan. Don't give up now, ok? Ilang years ka na ba diyan? 3 years? Kaya mo yan."

"Thank you, bata."

Nicole smiled. Kahit sa totoo lang ay miss na miss na nga niya ang Pilipinas at si Frenzy. She knows too na ginagawa nito ang lahat para makapag tapos din ito ng pag aaral.

Napailing si Nicole ng maalala na nauna pa itong makatulog sa kanya noon. But she was inspired while looking at Frenzy's face in the camera. Or the time na nag selos ito sa bago niyang room mates noon.

"Bata! You won't believe what I'm about to tell you." Nicole was excited to tell Frenzy what her achievements were pero nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Tila may tinitingnan ito sa likod niya.

So Nicole had to look behind her.

Nasa likod niya ang bago niyang roommate na si Tanya. Isa itong Latina na naki-share ng rent sa kanya. Nag pupunas ito ng buhok nito sa likod niya habang nakatapis ng tuwalya.

"Hey Tan. Can you excuse us for a moment?"

"Oh. You have a friend." Tanya looked at the camera. "Ok. Babe I'll just go over there."

Hindi niya inintindi ang sinabi ni Tanya dahil sanay naman na siya na yun ang ginagamit nitong nickname sa mga kaklase nila sa school. Kaya ibinalik niya ang tingin niya kay Frenzy. Nakita niya ang pag pout nito. It was cute but Nicole knows why Frenzy had that expression.

Mukhang may nag seselos na bata. She hasn't been in a relationship for 3 years now. Kaya wala itong dapat ipag alala.

"Babe?"

"Yes?"

"Bakit babe din tawag niya sayo?" Kunot na kunot ang noo nito and Nicole had the urge to wipe those furrowed brows away. So, she reached out to touch the monitor of the screen and smoothen the lines on Frenzy's eyebrow.

Sumimangot ito. "Babe! Ano di mo sasagutin tanong ko? End call ko na nga 'to."

Nicole chuckled. Lalo lang ata itong sumimangot. Should she correct Frenzy's assumption or not?

"Wait Frenzy!"

Nakita niya kasing gumalaw na ang kamay nito papunta sa mouse. Tumigil naman ito sa sinabi niya.

Pinigilan niyang ngumiti pero hindi niya talaga kaya. A small smile escaped her lips. Nakita niya ang pag pout nito.

"B-Bata wait lang!" Nakita niya na naman kasi ang kamay nito. "Ganun lang talaga tawag ni Tanya sa lahat ng kaklase namin. She's not my girlfriend."

"Talaga?" Tumingin ito sa gilid niya. Mukhang tinitingnan nito kung nasaan si Tanya and Nicole had to stop her laugh by putting a fist on her mouth to stop her giggles. Baka kasi ma-offend niya ito.

"Yes. Gusto mo patunayan ko?" She looked at Tanya. Nasa sarili na nito itong bed habang nag babasa. "Tanya I want you to tell my friend her that you are not really my girl----"

"Ok na babe. Naniniwala naman ako sayo." Nag pout ulit ito pero hindi na nakakunot ang noo.

"What Nics?" Tanya looked at her and Nics shook her head.

"It's ok now. Thank you."

Ibinalik niya ang tingin kay Frenzy.

"Babe." Frenzy didn't look at her. Nakatingin lang ito sa tubig habang ginagalaw ang paa nito. "I waited for you. Thank you for coming back."

"Whooho!"

Hindi nila napag handaan ng bigla na lang silang i-tackle mula sa likod ni Tiffany. They all went towards the water.

Napatili silang dalawa ni Frenzy. Imbes na mapikon sa ginawa ng kaibigan ay tawa siya ng tawa. Akala niya kasi ay malalim ang pool. Hanggang balikat lang naman pala nila. Nicole threw her head back laughing and Frenzy did the same.

Nagkatinginan sina Cas, Mellissa at Tiffany. Mukhang taking taka ang mga ito na hindi na siya masyadong pikon. Marami din naman siyang natutunan sa Canada. Isa na dun ang wag maging masyadong pikon. Nasanay na rin siguro siya dahil laging pranka magsalita ang mga Canadian. 

Chasing Nicollete Jung - CompletedWhere stories live. Discover now